Sobrang busy ako kahapon. Hindi na ako nakapagsulat.
Naghanda ako ng MTAP powerpoint tapos di ko naman naituro kasi inuna ko ang dry run ng Pinoy Henyo audition. Ayoko mapahiya. Ayoko maging Christmas parlor games na lang ang laro. Di rin pwede ang Christmas presentation na sayaw, sahi nila. Folk dance lang kasi ang sayaw nila. Ano ba ang bagong concept doon?
Dapat pala nagMTAP review na lang kami. Natapos ko naman ipraktis ang sayaw nila ng maaga. Di rin naman kami nakaalis nina Lester at Mia sa Zabarte Jollibee para sa 1st birthday celebration ng inaanak namin kay Mareng Joyce. Six na kami nakaalis. Hay, sayang...
Natraffic pa kami. Nakarating pa kami sa SM Marikina. Kaya ang nangyari, 8:30 na kami nakarating sa party. Nasobrahan ako sa gutom kaya di na ako nakakain ng husto. Okey lang nakita ko naman si Zillion. Tuwang-tuwa siya nang makita ako.
Pasado alas-9, bumalik na kami. Parang nakikain lang. Dinayo lang namin si Jollibee. Iba yata ang lasa ng pagkain nila doon. He he.
Pasado 11 pm na ako nakarating. Mabuti, naisip ni Lester na ibaba ako sa Guadalupe. One ride lang ako. Mabilis ang biyahe..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento