Agosto 27-28, 2011
Pagkatapos kung magpasuri ng dugo at ihi at magpakuha ng x-ray sa Japedia, Inc. Tumungo ako sa Deparo, Caloocan. Hindi iyon alam ni Emily. Gustong-gusto ko na nasosopresa ang mga taong aabutan ko sa isang lugar. Hindi ko alam kung bakit natutuwa akong gawin ang panunupresa gayong hindi naman ako ganoon kaimportanteng tao.
Kaya nga ng dumating ako sa bahay ng aking biyenan, nagulat sila sa aking pagdating. Akala nila ay sa susunod na araw pa ako pupunta.
Na-miss ko ang aking anak kaya niyakap at kinarga ko agad ito. Pinupog ko ng halik si Zillion hanggang magsawa ako at hanggang umingit siya. Parang naglaho lahat ng pagka-miss ko sa kanya. Ang dalawang linggo naming pagkawalay ay nabalewala na.
Dahil nangako ako na bibigyan ko ng regalo si Kaylee kapag nakakuha siya ng perfect score sa first grading test , kailangan ko itong tuparin. Kaya tumungo kami sa SM City Novaliches upang i-treat siya sa pambansang fast food chain. Binili ko rin siya ng medyas panangga sa dengue.
Hindi lang iyan ang sadya naming sa SM. Bumili rin ako ng sapatos na gagamitin ko sa kasal ni Paul C at Thet sa Lunes. Ibibili ko rin sana si Emily ng dress pero wala siyang magustuhan. Mabuti na lang wala, kasi napakamamahal pala ng mga damit doon.
Kinabukasan, dumating ang pamilya ni Edward. Para tuloy nagkaroon ng instant reunion. Hindi nga lang ako masyadong nakisali sa bonding ng kanilang pamilya. Hinayaan ko silang mag-usap at magkuwentuhan.
Agosto 29, 2011
The long wait was over! Ang pinakakahihintay at pinagkagastusan naming kasalan ay dumating na.
Maaga kaming tumungo ni Emily sa INC Lokal ng Batasan. Naroon na sina Mama, mga kapatid, mga hipag at mga pamangkin ko, gayundin sina Tito Ben, Tito Boy, Auntie Helen at Auntie Lida. Hindi man nila nasabi, nakita naming namangha sila sa mga kasuotan namin ng aking asawa.
Nang dumating naman sina Auntie Vangie, napuri niya ako. Aniya, teacher na teacher na raw ako. Kaya lang, kelan naman daw ako tataba, ang tanong ni Tito Rey. Hindi ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung kailan. Ang alam ko lang ay gustong-gusto ko ng tumaba.
Nakadaupang palad ko lahat ng mga anak ni Auntie vangie, maliban kay Renoir. Nahihiya akong makausap sila, ngunit proud akong humarap sa kanila. Alam kong hindi naman nakakahiya ang aking kasuotan.
First time kung makadalo sa kasal ng mga Iglesia ni Cristo. Ito rin ang una kung pagkakataong makadalo sa kasal ng mga anak ni Auntie vangie. Noong kasal ni Renoir, sinadya kung hindi dumalo sapagkat sadya yatang hindi kami inimbita ni Auntie dahil sa isyung kinasangkutan ko kay Emily. At dahil na rin siguro sa kadahilaanang kapapanaganak lamang noon ng aking asawa.
Na-enjoy ko ang venue at mga pagkain. Masayang-masaya ako dahil naging bahagi ako ng pag-iisang-dibdib nila. It's a wonderful experience for me! Naging malapit pa ako sa aking kamag-anak.
Nakauwi kami ng mga alas-onse ng gabi. Nanghinayang kami ni Emily dahil hindi namin sinama si Zillion. Maaari rin naman palang magdala ng anak, tulad ng iba. Disin sana'y napansin at nakilala rin ang aming anak.
Agosto 30, 2011
Pasado alas-10 ng umaga, umalis na kaming magpamilya sa Caloocan. Nakarating kami sa mainit naming bahay ng bandang-ala-una ng hapon.
Nabitin ako sa long weekend. Kulang! I wished wala pa rin pasok bukas. Kaya lang, imposible. Wala na ang bagyong Mina. Wala ng rason para i-suspend ang klase.
Kaya, namasyal kami sa CCP. Tamang-tama, palubog na ang Haring Araw. Enjoy na enjoy si Ion sa kakatakbo damuhan. Naligayahan din ako habang pinapanuod siya.
Agosto 31, 2011
Nakakabitin ang bakasyon! Parang ang bigat ng katawan ko. Ayaw ko pang pumasok, pero kailangan dahil maraming bata ang mawawalan ng karunungan at maraming trabaho ang maiiwanan.
Sinalubong nga ako ng mga paperworks. Form 2. Frequency of errors. Dumagdag pa ang Family Information ng mga bata. Ang daming data na dapat kunin sa bata. Kulang ang isang araw para matapos. Kailangan pang interbyuhin ang mga magulang. Iniasa yata ng NSO sa mga guro ang trabahong ito! Nakakainis. dapat sana ay nagko-compute ako ng first grading grades ng mga mag-aaral ko.
Umuwi akong stress. Pero sinalubong naman ako ng magandang balita.
Mag-o-orientation na si Emily sa Subic ngayong Setyembre 10.Nangangahulugan lamang ito na matutuloy siya sa Japan. Natutuwa akong malamang matutuloy na siya.
Setyembre 1, 2011
Hindi ako pumasok. Kahapon pa lang ay nakaplano na ang pagliban ko sa klase. Ang dami ko kasing nakatambak na paper works. First grading grade computation. Report sa masteral class. Atbp. hindi ko kakayaning gawin kung sa school ko gagawin. Kailangang um-absent ng isang araw para ma-accomplish.
Tamang-tama naman ang pag-absent ko kasi nag-diarrhea ako. Iwas kahihiyan.
Natapos ko naman ang 80% ng mga gawain ko. Okey na iyon kesa sa wala. At least hindi na ako mahuhuli sa submission.
Dumating si Mommy Ofie ng bandang hapon, pero tumungo rin kina Edward pagkalipas ng ilang oras. Akala ko ay mananatili na naman sa bahay. Medyo nahihirapan kasi kami ni Emily sa tuwing andiyan siya. Walang privacy. Mabigat sa budget. Ngunit okey lang naman sana na mamalagi muna siya ng ilang araw. Tutal pupunta na rin naman si Emily sa Caloocan para sa paghahanda ng kanyang orientation sa Setyembre 10.
Setyembre 2, 2011
Tinatamad akong pumasok ng araw na ito. Binuksan ko nga ang telebisyon at nanood ako ng balita. Nagbakasakali akong may suspension ng klase. Ngunit nabigo ako. Ang pag-ulan ay hindi naging dahilan ng pagsuspend. Huminto din kasi ito agad.
No choice..pumasok ako. Nagturo sa dalawang sections. Pero kinalaunan, hindi na, kasi kailangan kong gawin ang mga report na pinapagawa sa amin. Complicated. Madugo. Dapat bigyan ng maraming oras at dedikasyon.
Mabuti na lamang ay kakaunti lamang ang pumasok sa mga pupils ko. Kaunti lang ang mga sinaway ko. Pero, kahit ganun, malimit pa rin akong magsaway at sumigaw. Nakakapraning kasi ang sobrang ingay nila, samantalang may activity naman akong binigay – iyon ay sagutan nila ang mga activities na hindi nasagutan sa skillbook from page 1 to page 149. Yon lang naman! Hindi pa nila magawa.
Hapong-hapo ako nang dumating ako sa bahay. Mabuti na lang ay sinalubong ako ni Zillion ng matamis niyang mga ngiti. Nawala ang pagod ko.
Setyembre 3, 2011
Maaga akong pumunta sa PLP dahil ako ang reporter sa Human Behavior in Educational Institution, at saka kailangan kung gawin ito dahill absent ako noong nakaraang Sabado.
Nanginginig ako nang pumunta ako sa harapan ng mga kaklase ko upang magsimula ng report. Mabuti nawala ito nang nakita ko ang reaksyon nila sa anekdota ko tungkol sa conflict namin ni Ninang. Sinabi ko sa kanila na malaki ang maitutulong niyon sa topic ko. Naging attentive naman sila. Interesting at suitable kasi iyon sa types, sources, stages at antecedent of conflict.
Naging vocal sila. Nagkaroon ng kulay ang discussion dahil sa motivation ko. Nakita kong humanga sila sa akin. Although bihira nilang marinig ang boses ko, alam kong napahanga ko sila. May laman kasi ang bawat tinuturan ko.
Hindi rin nila kinundena ang ginawa kong pananahimik noong nagpaparinig na si Mam Elsa. Bagkus, pinayuhan ako ng iba na mag-self-assess ako at makipag-negotiate.
Sayang lamang kasi wala noon si Dr. Rivas. hindi niya natunghayan ang report ko. paano niya kaya niya ako mabibigyan ng tamang grade? Di bale, alam naman ng mga naroon ang uri ng pakareport ko. At pasalamat ako dahil natapos na rin ang pinagpaguran ko, although hindi ko nagamit ang powerpoint na inihanda ko.
Paglabas namin, kinamayan ako ng isa kong kaklaseng lalaki. Congrats daw. Nag-thank you ako at nginitian ko siya. I never thought that he would react that way. It only means that he appreciated my endeavor.
I was so glad!
Pag-uwi ko, niyakag ko agad ang akong mag-ina patungong Rizal Park.
Nasa kainitan kami ng pagliliwaliw nang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya naman, hindi na kami nagtagal doon. Nang humina ang patak ng ulan, umalis na kami. Dumiretso na lamang kami sa HP at namili.
Gabi, bigla na lang nagtampo at nagsalita ng kung anu-ano ang aking asawa. Pagkatapos iyon na malaman niya na nanuod ako, kasama ang iba kong co-teachers, ng ballet show na Lola Basyang. Nainggit siya kasi hindi natuloy ang pag-treat ko kay Kaylee doon.
Nakakatawa siya! Samantalang pilit ko namang pinapasaya sila. Ang lakad ng barkada ay lakad ng barkada. Kaya nga, pinapasyal ko naman sila madalas para wala siyang masabi sa akin. Iyon pala, may masasabi pa ring masama. Wala na akong malugaran. Hindi ko naman ililihim ang bagay na iyon dahil karapatan ko iyon. Ang akin lamang ay wag siyang magtampo o magalit. Wala naman akong ginagawang masama e.
Setyembre 4, 2011
Nung gabi ding iyon, inalo ko siya. Binuhat ko siya papasok sa kuwarto dahil nag-e-emote siya sa sala. natawa kami sa ginawa ko. Kahit medyo mabigat siya ay kinaya ko siyang ipasok sa loob. Nagtawanan kami..
Maaga akong bumangon para sa Alay Lakad na dadaluhan ko. Alas-kwatro ng umaga ay nasa renvezdouz na ako. Nakakainis lang dahil wala pa doon ang mga kasama ko. Hindi naman nila sinabing sa school pala magkikita-kita bago pumunta sa Pedro Gil. Tapos sinabihan pa ako ni Mam D. na walang pakisama. Ang sarap sagutin. Nakapagtimpi lang ako. Wala pa ba akong pakisama? Eh naroon nga ako para sumama. Buwisit! Balahurang guro!
Nag-treat si Mia ng Breakfast sa Mc Do. Apat kami. Si Lester. Si Joel. Siya. At ako. Ang saya at ang sarap ng libreng almusal. Nakakawala ng pagod at antok. Magiging controversial na naman kami malamang pagkatapos niyon at kapag nai-upload ko ang mga pictures namin.
Sobrang init ng panahon ng araw na ito. Hindi rin ako nakatulog. Kaya nang bandang hapon, namasyal kaming mag-anak sa may CCP. Nagpahangin kami doon hanggang 5:30 ng hapon. Naligahayan si Zillion ng husto dahil nagkapagtakbo-takbo siya sa green lawn doon.
Setyembre 5, 2011
Maghapon ako ng kakasaway sa mga estudyante kong pasaway. Pag-uwi ko sa bahay, nagsaway ulio ako -- pero kay Zillion naman. Ok lang naman dahil anak ko siya.
Setyembre 6, 2011
Pumasok ako ng maaga para makapag-internet doon. Ngunit naharang ako sa Guidance Office. Tumulong ako sa pagbilang ng report card at plastic cover para sa Grade V. At hindi lang iyon ang hindi ko inaasahang mangyari. Isa pa dito ay ang pagpaparinig ni Mrs. L sa amin ni Mam Ana. Ito na yata ang pinakagrabeng parinig na ginawa niya. Nakakarindi na. Akala ko ay titigil na siya dahil wala naman kaming sinasabing masama laban sa kanya. Ngunit para yatang tumitindi ang galit niya sa amin.
Sa inis ko, nag-post ako sa FB ng ganito: “Nagparinig na naman siya. Hindi na lang sabihin ng direkta. Parang siyang tindera ng bulok na isda sa talipapa.” Nagtanong agad si Ging-gang kung sino ang kaaway ko. Kako, gurong walang professionalism.
Grabe ang ugali. Kaya siguro lumala ang skin disease niya. Kumakalat na. Obvious na nakakarma na dahil sa mga sugat sa mag katawan at mukha. Hay! Kawawang nilalang.. Hindi na lang magpakabuti para magustuhan ng mga kasamahan. Halata naming halos galit sa kanya lahat ng mga kaguruan ng Gotamco.
Wala na akong pakialam kung ninang ko siya. Magsulian na kami ng kandila. Tutal, hindi naman ako ang pumili sa kanya para maging ninang naming sa kasal. No choice lang kami, ika nga.
Setyembre 7, 2011
Since, dumating kahapon si Nanay Inday, may nakasama na aking mag-ina sa pagpunta sa Caloocan. Andami pa naman nilang bitbit. Siguro, mga limang bag lahat ang kanilang dala-dalahan. Nakarating naman daw sila ng maayos.
Pagkaalis nila, naglinis ako ng kuwarto. Naglaba.Ginawa ko rin ang aking LP. Saka lamang ako nagkaroon ng tahimik na paggawa at pag-iisip. But I'm sure, mami-miss ko ang aking anak.
Naging inspired akong magturo dahil nagsimula na kahapon ang pagkakaroon namin ng field study student. Nag-o-observe sa bawat kilos at sinasabi ng mga guro at mga bata. Ngunit gayunpaman, hindi ako na-intimidate sa kanilnag presensiya. Bagkus, ako ay nagkaroon ng mas mahusay na talakayan. Hamon sa akin ang pagkakataong ito. samantalang ang isa kung kaguro ay pinaaalis niya ang mga ito. ayaw niyang may ibang tao sa kuwarto niya tuwing siya ay magtuturo. Ayaw niya marahil na malaman nila ang uri ng kanyang pagkaguro at pagtuturo.
Tinulungan ko si Mam Ana na compute-n ang mga grades ng mga bata sa subject niya. Since, tapos na ako sa aking grades, tinanggap ko ang trabahong ito,kahit may mga gawain din akong dapat tapusin. Okey lang dahil gusto kong makatulong sa kanya at kapag dumating naman ang araw na kailangan ko ang tulong niya ay matutulungan niya rin ako. Give and take, ika nga.
Grabe ang sakit ng right scrotum ko ng gabing iyon. Mapapaigting ako tuwing ako ay gagalaw. apektado ang puwitan ko. Para akong laging naiihi. Kailangan ko na talagang ipa-check up ang aking sarili. Marami na akong nararamdaman sa aking sarili.
Setyembre 8, 2011
Nag-internet ako sa school habang nagko-compute ng mga grades ni Mam Ana sa HeKaSi. Sa labas lang ako ng computer room pumiwesto upang maiwasan ang anumang sasabihin ng mga co-teachers ko. Ayoko ng makarinig ng masama laban sa akin o sa kapwa ko mga new teachers.
Nakakapagod pa rin kahit nagbigay lang ako ng summative test sa mga bata. Hindi pa rin sila tumatahimik, lalo na ang Section 5. Sila ang nag-ubos ng energy ko. Grabe talaga ang mga attitude nila. Parang mga special children. Sawayin mo, titigil naman, pero, maya-maya, andun na naman. Wala ng kinakatakutan. Paluin ko man ng sapatos ko, wala pa rin sawa sa kapapasaway. Antagal pa naman ng isang oras. Nakakainip. Para akong pinapatay sa pagkainip. Kung di lamang ako susunod sa oras, gusto ko ng lumabas ng maaga sa klase nila.
Terible!
Setyembre 9, 2011
Nabigla yata siguro si Ninang Elsa sa pagpasok ko sa office. Nginitian niya ako. Wala akong nagawa kundi ngumiti rin. Alam ko, hindi pa lipas ang galit niya sa akin. Akala niya lang siguro ay kung bisita ako, kasi naka-isputing ako. It's okey, at least, I have shown her that I'm ready for reconciliation.
Naging bayani ako in a little way bago nagsimula ang klase. Binuhat ko ang duguang Grade 2 pupil patungong clinic. Nabagok ang ulo nito sa hagdan. Ang sarap sa pakiramdamdam na nakatulong ako. Hindi man ako napasalamatan ng mga amgulang ng batang iyon, na aming kapitbahay, ay ok lang. Alam ko na thankful sila sa ginawa kong pagtulong sa anak nila.
Setyembre 10, 2011
Wala talagang klase sa PLP dahil may Intrams sila. Kaya pagkatapos ng isang subject, umuwi na kmi. Nakapaglaba tuloy ako at nakpaglinis ng bahay. Nag-online din ako. At bandang alas kwatro ng hapon, tumungo ako sa bahay nina Janelyn dahil birthday ng kanyang bunsong anak. imbitado rin sian Mareng Lorie, Pareng Lester at Pareng Joel. Nagkainan, nag-inuman at nagkuwentuhan kami. Napagkuwentuhan namin si Ninang. Nalaman ko tuloy ang mga grievances nila kay Mam Lucas pati ang mga hindi kaaaya-ayang gawain niya sa school, I realize na hindi pala ako ang nag-iisang kaaway niya. Marami kaming galit at inis sa ugali niya. Hindi tuloy namin mapigilang isiping ang mga sugat niya sa katawan ay sanhi ng kanyang masamang pag-uugali.
Nakipagvideoke muna ako sa mga bisita bago ako nagpaalam. Alas otso y medya na iyon. Medyo may amats na ako, kaya nagdesisyon na akong umuwi, kahit andun pa si Sir Joel.
Setyembre 11, 2011
Nalungkot ako nang malaman ko na hindi natuloy ang orientation ni Emily sa Subic. Ibig lamang nitong sabihin, matatagalan pa ang kanyang pag-alis. O kung minalas-malas pa, baka hindi pa matuloy. Huwag naman po sana. Di bale ng delayed, wag lamang stopped.
Mga bandang alas-tres ng hapon, dumating ang aking mag-ina. Dadalo kasi kami sa birthday party ni Sharla Mae Tusi, isa sa aking mga pupils. Pero bago sila dumating, nakapamili na ako ng groceries, pati na ng regalo.
Setyembre 12, 2011
Nakakatamad pumasok. Bitin ang weekend. Pero wala akong magawa. Kelangang kumayod. Hindi ko dapat kinatatamaran ang bread and butter ko at ang pagpapalaganap ng karunungan sa mundo. Dapat maging ehemplo ako sa mga bata na pahalagahan ang edukasyon.
Kaya lamang itong mga kasamahan ko sa Grade V ang mga walang pagpapahalaga sa pagkatuto ng mga bata. Kapag naisipang huwag magpalitan, hindi na kami magpapalitan. Kawawa ang mga hindi natuturuan. Tulad ngayong araw, hindi na naman kami nagpalitan. Lugi ang Section 2 at 5 dahil hindi ako nakapagturo sa kanila.
Nakakainis pa dahil nang cheneck ang lesson plan namin, hinahanapan pa ako ng plan sa ng araw na wala namang pasok o sa mga araw na nag-e-exam ang mga bata. Hindi ko lang nalagyan ng note, akala na nila ay napakalaking pagkakamali. Dapat tanungin nila kung nagtuturo ba ako o hindi. Ang ganda nga ng lesson plan ko o kaya kumpletong-kumpleto ang date, hindi naman pala ako nagtuturo. Useless ang plan ko.
Mahirap lang magsalita. Gusto kasi nilang maging bida sa paningin ng principal. Ang mali ay nagiging tama. Ang tama ay minamali. Hay! Ang buhay nga naman. Wala na akong nagawang tama. Hindi ko naman kailangang ng papur. Huwag naman sanang masyado gawing mali ang efforts ko. Konting diperensya sana ay huwag ng pabigatin. Nakakasama kasi ng loob. Ang iba nga sa amin ay halos ayaw na magturo, gusto ng puro pahinga. Konting sakit ng katawan ay hindi na magpapalitan.
Setyembre 13, 2011
Maaga akong nagising dahil binigyan ako ni Mam Rose ng assignment sa Science Quest nila na gaganapin sa araw na ito. Timer ako sa quiz bee. Hindi ako nakahindi kahapon. Pero bago ako bumangon, tinatamad ako. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ako o hindi. Nainis kasi ako sa kanya kahapon dahil hindi man lang niya naipaliwanag sa principal naming kung ano ang nagkulang ko sa lesson plan. Hindi niya sinabing walang lesson plan pag may exam at pag holidays. Mas pinagtakpan pa niya si Sir E na hindi naman talaga nagsusulat ng lesson plan.
Ayaw ko sanang magamit niya ang time ko samantalang hindi naman siya nakakatulong sa akin. Sinisira niya pa ako. Ngunit naisip ko ang nababawas sa service credit ko. Kapag kailangang kailangan kong um-absent baka wala na akong magamit na kredito. Kaya, pumunta pa rin ako. Nauna pa nga ako sa kanya. Nakakainis! Sabi niya alas-7. Ni hindi na ako nag-almusal para lang ipakitang punctual ako. Iyon pala 9AM na magsisimula. Busiwit!
Wala naming kabuluhan ang pagiging timer ko. Pwede naman palang maging timer ang quizmaster. Sayang lang ng time ko.
Setyembre 14, 2011
Naging masigla ako sa pagtuturo ngayong araw, kaya lang pagkatapos kong magturo sa dalawang klase, hindi na naman kami nagpalitan. Busy na naman ang isa naming co-teacher. Napilitan tuloy ako magtuuro ng ibang lesson o topic sa advisory class ko ng walang plano. Pero ayos lang.
Nagpabasa din ako dahil iyon ang bilin ng principal. Alamin daw naming kung sino ang non-reader. Napag-alaman ko na may tatlo pa na hindi marunong magbasa. Sayang may absent pa. Hindi ko tuloy malaman kung non-reader pa sila o hindi.
Naawa ako sa dalawang non-readers. Kaya, sinulatan ko ang kanilang mga magulang. Sabi ko, handa akong tumulong para makabasa ang kanilang anak. Maluha-luha pa ang isa dahil sa concern ko sa kanila. Magde-devote ako ng time para lang sa kanila.
Gabi, inihanda ko na ang mga babasahin nila. Ginawa koi yon sa powerpoint. Sana makatulong ako sa kanilang pagkatuto.
Setyembre 15, 2011
Inaway na naman ako ni Emily bago ako pumasok sa school. Ayaw niya akong nakikitang nagco-computer habang siya ay naglilinis. Bakit ganun siya? Resposibilidad sa mga mag-aaral ko ang ginagawa ko. Dapat niyang maintindihan na may tungkulin akong dapat gampanan. Hindi na dapat niya iasa sa akin ang pangangalaga kay Zillion. At saka hindi naman ako pabayaaang ama. Inaasikaso ko rin naman kapag may ginagawa siya. Nagkataon lang na naglalambing na sa kanya ang bata. Ayaw na sa akin. So, kailangan na niyang itigil ang paglilinis, na makakapaghintay pa naman. Hindi e, nagsalita pa siya na akala mo ay wala akong silbi. Magwawala pa raw siya. Sinagot ko siya. Mas malakas ang boses ko. Ginawa ko pa, pumasok ako ng maaga sa paaralan ng hindi nagtanghalian.
Nalungkot ako sa pangyayari. Kumain ako ng mag-isa. Ngunit dahil ditto nakagawa ako ng sanaysay na may pamagat na “Hindi Ako Tunay na Guro”. Inilagay ko ito sa Notes sa FB ko.
Dahil sa nangyari, ganado akong magturo. Nagsimula na rin ako sa aking kawanggawa. Pinabasa ko si Vincent. Nagamit ko na ang ginawa kong powerpoint kagabi at kanina, since pumayag na rin ang ina niya. Naging masay na rin ako kahit paano dahil may nagagawa ako sa ibang tao. Iyon nga lang, hindi ako maintindihan ng asawa ko.
Hindi kami nagkikibuan nang umuwi ako. Okey lang sanay ako sa ganong set-up.
Setyembre 16, 2011
Hindi pa rin nagkikibuan ni Emily. Tapos umalis pa ako sa bahay ng maaga. Pero may dahilan naman, kailangan kong dumalo sa forum tungkol sa dengue dahil kasali ang ilan sa mga pupils ko.
Maagang natapos ang forum kaya, nai-treat pa kami ni Mam Ana ng lunch sa Chowking-HP. Birthday niya bukas kaya nag-blowout na siya ng maaga. Sayang wala si Lester. At pasalamat ako dahil wala si Sir C. Mabuti nga at pinili niya ang journalism.
Past two o'clock dumating sa school ang mag-ina ko. Pupunta daw sa Caloocan dahil nagtext si Rosa na kailangan niyang mag-renew ng passport at ang daming rashes ni Zillion. Mabuti na lang nakautang ako ng isang libong peso kay Lester. Ibinigay ko ito sa kanya para malakad niya ang passport niya.
Nag-online ako ng gabing iyon. Naka-chat ko si Tina Sus. Inimbitahan niya ako sa reunion naming magkaklakase dito sa Manila. Sabi niya, planuhin daw namin ni Jumar para matuloy talaga. Nag-confirm ako at nangakong planuhin ang pagkita-kita namin.
Kahit hindi kami masyadong close, alam kong magiging masaya ako sa araw na iyon.
Setyembre 17, 2011
Nagtext si Emily nang nasa bahay na nila siya. Galit na galit siya kay Mam A. Nagselos siya kahapon. Hindi lang ako nagreply kagabi dahil gabing-gabi na. Hindi tuloy ako nakatulog ng maigi sa kakaisip kung bakit ganoon ang iniisip niya sa amin. Pati ang pagbigay ni Mam ng polo sa akin ay nabigyan niya ng kulay. Grabe! Hindi ko pa ginagawa, para sa kanya ay ginawa ko na. Gawin ko na lang kaya!
Nakakahiya kay Mam kapag nalaman niya ito. Hindi ito mangyayari dahil may kanya kanya kaming pamilya. Kung maganda man ang samahan namin ay bunga iyon ng magandang pakikipagkapwa-tao namin sa isa’t isa. Sadya lang talagang malisyosa ang isip ng asawa ko.
Umaga, tinext ko siya. Sinabi ko na mali ang iniisip niya. Sabi niya “O2 na lage nlng me mali! At kw un tma!..un 1k kl q n galing ky pare. Hnd naman un ang kinagagalit q. ska pdi b, dumistancia n yang A___ n yan!” Later, ito ang text niya: “Ayoko na mkipag away sau…”
Mabuti na lang hindi ako naapektuhan ng isyung ito habang nagrereport ako sa subject ni Ninong Rollie. Naibigay ko ang best ko. I think, isa ako sa pinakamahusay na nagreport. Sa tingin ko, satisfied si Dr. Soriano. Na-catch up ko lahat ng atensyon nila. Pinalakpakan din ako pagkatapos ko kahit hindi sinabi ni Sir.
Nakakatulong talaga ang maagang paghahanda at matindiang pag-aaral ng report topic. Nakatext ko si Epr. Niyayaya ko siyang gumimik sa Sabado. Hindi sya humindi. Hindi rin siya nag-confirm. Bahala na kung matuloy kami. Basta mahalaga, ipinaalam ko sa kanya na handa akong gumasta para sa pagkikita namin. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkainuman at nagkasama.
Setyembre 18, 2011
Since, napakakulit ng agent ng proFiends na nagbigay sa akin ng brochure ng house-and-lot, pinagbigyan ko siya sa house tripping na iniaalok niya. Alas-nuwebe ng umaga, nagkita kami sa Savemore sa Edsa-Rotonda at tumungo kami sa Cavite kung saaan naroon ang Lancaster. Nagustuhan ko naman ang mga bahay na ini-offer nila pati ang prseyo, ngunit nagdududa ako sa kakayahan kong makabayad ng monthly amortization, gayong hindi pa nakakaalis si Emily. Dahil sa kapipilit niya at ng kanyang manager, nag-sign ako ng kung anu-ano at nangakong magbabayad ng reservation fee sa September 22. Ngunit ang totoo, nag-iisip na ako ng dahilan kung paano sasabihing ayaw ko na. Gusto kong magkabahay ng maganda pero ayokong ikumpromiso ang sahod ko. Darating din siguro ang panahon na may kakahayan na kaming bumili ng bahay sa hindi hulugang paraan. Mapapamahal pa kasi kami kung hulugan.
Nakauwi ako ng bandang 2PM. Nag-take-a-nap ako at pagkatapos pumunta ako ng HP para bumili ng school supplies at candies na ibebenta ko.
Pasado alas-sais ng gabi, dumating na si Padi. Mag-iinuman kami. Nagluto muna ako ng chopsuey saka kami tumagay ng beer. Habang nag-iinuman, nagpi-facebook kami. Tinuturuan ko siya. Ikinatuwa naman niya ang pagkakaroon naming muli ng bonding time. Kapag wala lang naman si Emily saka namin ito nagagawa.
Setyembre 19, 2011
Bumangon ako ng maaga dahil nakatakda kaming pumunta sa MOA para manuod ng educational films doon. Bitbit namin ang mga nagsipuntang mga mag-aaral. Very educational ang mga palabas para sa akin. Hinahamon nito ang bawat isa na tumulong para sa pagligtas ng Mother Earth. Aywan ko lang sa mga bata, na akyat-baba ng sinehan. Nakakainis! Pati doon ay dinala nila ang pagiging pasaway nila.
Naglunch kami sa Mang Inasal, kasama ang aming principal. Wala lang uli si Sir Erwin. Wala rin si Sir Rey. Pagkatpos niyon, umuwi na kami. Maya-maya, pinatext ako kay Lester. Absent daw kung hindi babalik sa school. So, bumalik ako ng school. Nag-meeting lang pala si Sir. Kakainis! Dapat sana ay nakatulog ako.
Pumunta uli si Padi sa bahay. Nag-dinner kami at hindi uminom ng alak. Nag-upload lang ako ng mga pictures niya sa Sofitel dahil hiniram niya ang camera ko. Umuwi din siya pagkalipas ng dalawang oras.
Setyembre 20, 2011
Nagturo ako kay Vincent Butiong magbasa. Napag-alaman ko na mahirap na siyang turuan. Talo pa niya sa kahinaan ng memorya si John Mari, ang naging tutee ko sa GSATI. Grabe! Napakahirap niyang isaulo ang mga 3-letter words. Paulit-ulit kami. Mahirap din iunat ang phonic knowledge niya. Hindi niya ma-pronounce ng tama ang F at Z. Nababaligtad pa niya ang ibang sounds.
Parang gusto kong umurong sa pagtulong ko. Ngunit naisip ko ang binitawan kong salita sa kanyang ina, na umasa din sa tinuran ko. Kaya naman, sisikapin ko na napabasa siya. Kailangan kong magtimpi, magtiyaga at maging matulungin.
Hamon ito sa akin. Pasasaan ba’t makakabasa rin siya. Darating ang panahon, pasasalamat din niya ako.
Setyembre 21, 2011
Ang pangalawang araw ng pagtuturo ko kay Vincent ay naging medyo madali kaysa kahapon. Mas mahusay siyang magbasa sa Filipino kumpara sa English. Pero naniniwala akong magagawa kong matuto siya sa parehong wika.
Nainis akong malaman na sapilitan pala ang pagkuha ng lapel mick ay Sir Gali. Kaya nanindigan akong hindi kumuha. Sinabi k okay Mam Rose na marami akong binabayaran. At nang makausap ako ni Sir, hindi naman niya ako napilit. Bagkus, tinanong niya lang ako kung ilan ang anak ko. Nalaman tuloy ng iba kong co-teachers na tatlo na ang aking anak.
Okey lang naman. Hindi ko ikinahihiya ang mga anak ko, pati ang nakaraan ko at ng asawa ko. Wala silang karapatang husgahan kami. They only knew my name, not my story.
Ang tantiya ko, nabasa ni Sir Gali ang sanaysay kong “Hindi Ako Tunay na Guro” na inilagay ko sa FB account ko. Mabuti naman kung ganoon. At least mauunawaan niya ako. Sana mas maraming makabasa niyon.
Setyembre 22, 2011
Maaga akong umalis ng bahay. Tumungo ako sa D.O. upang humingi ng permit-to-study forms. Mabuti’t nasabi ni Lester kay Mareng Lorie na kailangan ko niyon. Ang huli ang nagsabi sa akin na sa division office pala makakasecure ng copies.
Nabigyan din naman ako agad. Kaya nakatungo pa ako sa City University of Pasay at nakapagbayad ng tuition fee. Nakapagpapirma din ako ng permit to study sa registrar. Tapos nakapagturo pa ako ng magbasa kay Vincent pagdating ko ng school.
Bago magrecess, binitbit ko ang dalawang pupils na nahuli kong pumasok sa aking classroom. Akala ko ay Grade IV sila. Grade 2 palang pala sila at napadaan lang galing sa CR. Umusyuso sa mga tresspassers na nakipaglaro sa aking bata na si Christian. Galit na galit ako sa Grade 4 pupils na tumatambay lagi kundi man sa kuwarto ko ay sa room ni Lester. Napuno ako ng panahon na iyon dahil nabastos ang kuwarto ko. At dahil naririnig ko na ang mga Grade 4 teachers ay kibit-balikat sa katotohanang hind pasaway ang mga bata nila. Sinsabi nilang tahimik ang mga pupils nila at ang Grave V pupils ay maiingay. Nais kong ipaalam na kanila na mali sila sa kanilang akala.
Hindi nakialam si Mam Vi. Si Mam Dadula lamang ang nakausap ko dahil siya ang guro ng tatlong bata na lumabas habang nasa classroom siya ng seksiyong iyon. Hindi naman siya nag-alsa ng boses. Nagalit siya sa mga bata. Si Mam Damatac ang nagalit ng husto dahil naniwala siyang wala siyang kasalanan. Nagpaalam ang dalawang na-involve na iihi ngunit napadaan sa room ko at tiyempo naman sila ang hindi nakapiglas sa mga kamay ko. Ipinaunawa ko sa dalawang Grade 2 na mali ang ginawa nila. Nadamay sila dahil hindi agad sila umakyat pagkatapos umihi. Umiiyak ang isa pero hindi ko ipinakitang galit na galit ako.
Kay Jericho ako galit nag alit. Siya ang lagi kung nakikita na pumapasok sa room ni Pareng Lester. Minalas siya dahil na-trap siya sa room ko. Hindi ko na ito pinalampas.
Sinamahan ni Sir Joel Guillermo si Jericho sa akin. Pinagalitan ko siya ng husto. Pinaunawa ko ang mga naidudulot nito sa samahan ng mga guro. Hindi man niya maunawaan, alam ko naunawaan ito ng kanyang adviser upang hindi nila isiping pinipersonal ko sila. Tinatama ko lang ang mali ng mga bata. Nais kong makipagtulungan sa kanila upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.h
Bago ko siya pinaakyat, nangako siyang hindi na siya tatambay sa mga rooms ng Grade 5 upang tahimik ang lahat. Pinayo ko rin na kung magtatago lamang siya sa kanyang guro, huwag na lamang siyang pumasok. Imbes mangalakal na lang siya. Narinig iyon ng mga kapwa ko guro sa ikalimang baitang. Alam kong humanga sila sa mga tinuran ko at sa lakas ng loob ko. Hindi kasi nila masabi sa mga guro ng ikaapat na baitang ang mga bagay na ito.
Umaasa akong walang magagalit sa akin dahil sa inakto ko. Sana rin ay maging aral ang pangyayaring iyon para sa aming lahat.
Setyembre 22, 2011
Maaga akong umalis ng bahay. Tumungo ako sa D.O. upang humingi ng permit-to-study forms. Mabuti’t nasabi ni Lester kay Mareng Lorie na kailangan ko niyon. Ang huli ang nagsabi sa akin na sa division office pala makakasecure ng copies.
Nabigyan din naman ako agad. Kaya nakatungo pa ako sa City University of Pasay at nakapagbayad ng tuition fee. Nakapagpapirma din ako ng permit to study sa registrar. Tapos nakapagturo pa ako ng magbasa kay Vincent pagdating ko ng school.
Bago magrecess, binitbit ko ang dalawang pupils na nahuli kong pumasok sa aking classroom. Akala ko ay Grade IV sila. Grade 2 palang pala sila at napadaan lang galing sa CR. Umusyuso sa mga tresspassers na nakipaglaro sa aking bata na si Christian. Galit nag alit ako sa Grade 4 pupils na tumatambay lagi kundi man sa kuwarto ko ay sa room ni Lester. Napuno ako ng panahon na iyon dahil nabastos ang kuwarto ko. At dahil naririnig ko na ang mga Grade 4 teachers ay kibit-balikat sa katotohanang hind pasaway ang mga bata nila. Sinsabi nilang tahimik ang mga pupils nila at ang Grave V pupils ay maiingay. Nais kong ipaalam na kanila na mali sila sa kanilang akala.
Hindi nakialam si Mam Vi. Si Mam Dadula lamang ang nakausap ko dahil siya ang guro ng tatlong bata na lumabas habang nasa classroom siya ng seksiyong iyon. Hindi naman siya nag-alsa ng boses. Nagalit siya sa mga bata. Si Mam Damatac ang nagalit ng husto dahil naniwala siyang wala siyang kasalanan. Nagpaalam ang dalawang na-involve na iihi ngiunit napadaan sa room ko at tiyempo naman sila ang hindi nakapiglas sa mga kamay ko. Ipinaunawa ko sa dalawang Grade 2 na mali ang ginawa nila. Nadamay sila dahil hindi agad sila umakyat pagkatapos umihi. Umiiyak ang isa pero hindi ko ipinakitang galit na galit ako.
Kay Jericho ako galit nag alit. Siya ang lagi kung nakikita na pumapasok sa room ni Pareng Lester. Minalas siya dahil na-trap siya sa room ko. Hindi ko na ito pinalampas.
Sinamahan ni Sir Joel Guillermo si Jericho sa akin. Pinagalitan ko siya ng husto. Pinaunawa ko ang mga naidudulot nito sa samahan ng mga guro. Hindi man niya maunawaan, alam ko naunawaan ito ng kanyang adviser upang hindi nila isiping pinipersonal ko sila. Tinatama ko lang ang mali ng mga bata. Nais kong makipagtulungan sa kanila upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Bago ko siya pinaakyat, nangako siyang hindi na siya tatambay sa mga rooms ng Grade 5 upang tahimik ang lahat. Pinayo ko rin na kung magtatago lamang siya sa kanyang guro, huwag na lamang siyang pumasok. Imbes mangalakal na lang siya. Narinig iyon ng mga kapwa ko guro sa ikalimang baitang. Alam kong humanga sila sa mga tinuran ko at sa lakas ng loob ko. Hindi kasi nila masabi sa mga guro ng ikaapat na baitang ang mga bagay na ito.
Umaasa akong walang magagalit sa akin dahil sa inakto ko. Sana rin ay maging aral ang pangyayaring iyon para sa aming lahat.
Setyembre 23,2011
Kahapon, nagkausap kami ni Doktora. Sinabi niya sa akin na siya ang magsesesminar sa Sabado ng MTAP. Mas gusto niya daw sanang sumama sa Subic. Pero kinalaon biglang niyang nasabi niya next year mas gusto niya ang magturo ng Math kesa maging computer teacher. Tapos nang tinanong ko siya about MTAP kung saan siya a-attend, sinagot niya ako ng “sa Grade 5”. Nag-isip ako. Bakit? Susulutin niya ang MTAP sa akin? Sinabi pa niyang kaya daw siya ang ipapadala sa seminar dahil lahat daw ng teacher ay kasama sa Subic at wala naman daw nagti-train ng bata sa Math. Balewala pala ang efforts ko. Samantalang hindi ko nga trabaho ay gingawa ko, tapos sasabihin nilang wala ginagawa ang mga trainors.
Nainis ako sa kanya pero patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap sa kanya. Kaya lang mas lalo akong nainis nang malaman ko sa grade leader ko na magbabayad ang teacher kung hindi mami-meet ang quota. Dahil dalawa lang ang sasama sa akin, sinabi kong hindi na ako sasama. Ang totoo, masama ang loob ko.
Masama ang loob ko dahil dalawang opportunity ang nawala sa akin: (1) ang makasama sa Ocean Adventure, (2) at ang makasali sa MTAP seminar. Nagagalit ako sa principal dahil may lutong nangyayari. Pangit ang kanyang pamamalakad. Puro pera ang inuuna niya. Ginagawa niyang negosyo ang katungkulan.
At dahil nasaktan ako sa sinabing walang nagti-train ng MTAP, nagturo ako sa trainees ko. Kahit dalawa lang ang dumating, masigla akong nagturo upang malaman nila na marubdob ang hangarin ko na mapanalo ang school at ginagampanan ko ang responsibilidad ko.
Alas-kuwatro, nagkaroon ng Parents-Teacher Conference. Maraming magulang ang dumating. Natakot sigurong magdala ng walis tambo ang kanilang mga anak sa pagpasok sa Lunes. Gayunpaman, marami pa ring hindi nakadalo. Sadyang matitigas ang ulo ng mga magulang. Namamana tuloy ng mga bata.
Napagod ako sa maghapong iyon. Latang-lata ako. Nawalan din ako gana. Nagtinapay na nga lang ako. Pero hindi ako nawalan ng ganang mag-online. Sinipag akong makipag-chat kina Jul, Joel at Mia.
Sa aming pag-uusap, sumagi sa usapan naming ang galit na nararamdaman ko sa principal dahil sa field trip at MTAP seminar. Ipinaalam koi to sa kanila. Nagshare din si Lester ng pangyayaring naganap kanina between Mareng lorie at Mam Batula.
Naging mahaba at masaya ang aming usapan. Nakatutuwa. Nagyaya din akong magbar-hopping pero walang game sumama. Kaya nag-decide kami ni Mia na mag-food trip. Pumayag ako, since nakaramdam ako ng gutom. Dumaan muna kami kay Joel bago kami kumain sa 7-Eleven. Nagkuwentuhan kami doon saglit. Pero, mas marami kaming napag-usapan ni Mia habang kumakain at pagkatapos. Isa na doon ang isyung kinasangkutan ng aming kumare.
Umikot doon ang usapan namin ni Mia. Pero napag-usapan din namin si Lester. Sabi namin sa isa’t isa na mag-iingat kami na magsalita laban kay Mare. Napag-alaman ko rin na nagkaroon pala sila ng misunderstanding
Hindi ako concern sa mga bagay na ito pero dapat kung malaman at dapat akong makialam ng sa gayon ay maiwasan ko na mangyari ito sa akin. At least, alam ko na ang mga karakas ng bawat isa. Kahit pala kaibigan mo ay maaari mo ring makaaway dahil lamang sa simpleng dahilan o maliit na bagay.
Nakauwi ako ng bahay mga bandang 1:50 na ng umaga. Hindi ako nagsisi sa pakikibonding kay Joel at lalong lalo na kay Mia. Marami akong natutunan. Marami akong dapat pag-aralan.
Setyembre 24, 2011
Maaga pa rin akong pumasok sa aking masteral class, ngunit pagdating ng hapon nakaramdam ako ng matinding antok. Hindi ko na iyon malabanan, kaya nagdesisyon akong hindi pumasok sa period ni Dr. Soriano. Iisipin na lang niya na nasa MTAP seminar ako.
Naidlip lang ako saglit sa bahay. Pagpatak ng alas-dos ng hapon, tumungo ako sa Divisoria upang bumili ng long sleeves checkered polo. Alas-4 na ako nakaalis doon. Nahirapan akong maghanap.
Pasado alas-7:30 naman ako nakarating sa Deparo. Nagulat ko sila sa aking pagdating. Natuwa din sila sa paslubong kung icecream kahit medyo tunaw na ito. Tuwang-tuwa naman si Zillion nang Makita ako. Miss na miss namin ang isa’t isa.
Sa pagod at antok ko, maaga akong nakatulog. Mabuti na lamang ay hindi ako inatake ng sakit sa puwitan ko. Hindi ako nahirap humiga. Ngunit, dalawang beses pa rin akong bumangon sa madaling araw para umihi. Ok lang, at least nakakatulog ako pagkatapos magbanyo.
Setyembre 25, 2011
Nakatulog talaga ako ng matagal. Late na nga ako nakapag-almusal. Tapos, naidlip din ako bago mag-lunch at bago ako umalis. Pumunta lang yata ako doon para magpahinga, e. Ayo slang naman. Naunawaan naman ako ng biyenan at asawa ko. Natuwa pa nga sa presenya ko. Ako lang kasi ang bisita nila sa birthday ni Mama Mila.
Alas-kuwatro ako umalis ng Deparo. Pasado alas-siyete naman ako nakauwi sa bahay. Nagbabad agad ako ng mga damit, nagsulat ng lesson plan at nagsagot ng take home test.
Setyembre 26, 2011
Maaga akong pumasok kahit may banta ng bgayo. Gusto ko lang mag-internet doon bago ako magturo ng pagbabasa kina Vincent at Jeamar. Ngunit pagpatak ng alas-onse. Sinuspende na ang klase. Hindi ako masayado nagulat. Alam ko na ang mangyayari.
Kaya, bakasyon grande ako ngayon. Ginugol ko ang aking oras sa pagpe-facebook. Naidlip muna ako siyempre. Nag-encode din ako sa Pahilis ko. gusto ko na itong matapos bago ko naman matapos ang Tisa ni Maestro ko.
Setyembre 27, 2011
May bagyong Pedring, kaya walang kaming pasok. Nag-upload ako ng mga videos sa YouTube na magagamit ko sa pagbabasa kina Vincent at Jeamar. At least, may pakinabang ang bakasyon ko. Kaya lang, agad na-lowbat ang laptop ko. At dahil brownout, choice ako, kundi mahiga ng mahiga maghapon. Ginawa ko rin ang assignment ko sa Stat pero hindi nakaya ng powers ko. Tinigil ko na lamang ito.
Ang lakas ng hangin. Baha na rin daw ayon sa mga radio reporters. Naalala ko tuloy noong Bagyong Ondoy. Nasa bahay ako noon ng dati kong biyenan. May mga kasama. Ngayon, nag-iisa ako. Hindi naman ako nalulungkot. Sumagi lang sa isip ko.
Pasado alas-otso na ng gabi nang nagkakuryente. Sayang, wala ng load ang broadband ko. Nag-type na lang ako ng Pahilis, habang nanunuod ng balita tungkol sa bagyo. Nalaman ko ang bagsik ni Pedring. Mas malala pa daw sabi ng isa kaysa kay Ondoy. Tsk tsk!
Setyembre 28, 2011
Sumilip na si Haring Araw kaya inakala kong may pasok na. Kaya lang, pagdating ko sa paaralan, wala palang mga bata. Walang pumasok. Sayang! Natapos ko na sana ang paglilinis.
Gayunpaman, suewrte pa rin ako dahil required pa lang kaming manatili ng school hanggang hapon. Kaya nagawa ko ang ibang paperworks. Nakapaglinis din ako ng classroom ko.
Pasado alas-singko na nang sabihing pwede na kaming umuwi. Pagdating ko naman ng bahay, paglilinis uli ang inatupag ko. Ang resulta, sumakit ang likod ko.
Setyembre 29, 2011
Hindi dumating si Jeamar para maturuan kong magbasa. Si Vincent lang tuloy ang matuto. Malamang siya lang din ang makakabasa bago matapos ang taon.
Wala na naman kuwenta ang araw naming ngayon. Hindi nagpalitan. Pero, nakpagturo ako sa tatlong section. Busy kasi sila sa pag-practice ng volleyball at iba pang sports para sa laban bukas sa JRES. Sinsali nila ako. Hindi ako sumali. Mas ginusto ko pa ang magturo sa advisory class ko kesa makipagplastikan sa iba sa kanila.
Pagkagaling sa school, nag-grocery ako sa Shopwise. Bumili ako ng bigas. Miss ko na kasi ang kumain ng sarili kong sinaing. Saka, parang nararamdaman ko ang gastos kapag panay ang bili ko ng lutong kanin sa labas. Lagi pa akong bitin sa kain.
Pagkatapos kong, gawin ang lesson plan at visual aid, gumawa ako ng powerpoint presentation mula sa isang kuwentong nakaka-inspire. Gagamitin ko ito upang mapaiyak ang mga bata ko. I’m sure, maiiyak din sila pag nabasa nila ito.
Then, pinapuyatan ko ang panunuod ng The 700 Club Asia, Ang gaganda ng mga featured stories. Nakaka-inspired! Gusto ko na uli tuloy magsimba. Sana may magyaya sa akin na magsimba. I missed having a Christian fellowship.
Setyembre 30, 2011
Dapat nasa JRES ako ngayon para sa Palaro. Kaya, lang nagdesisyon na ako kagabi pa na hindi ako pupunta. Saka, kailangan ko maglaba. May obligasyon din ako kay Vincent. Mas importante ito kesa sa pansamantalang objective.
Nakikita ko ang unti-unti pagkatuto ni Vincent. Nakakatuwa. Lalo tuloy akong sinisipag na ipagpatuloy ang aking advocacy.
Maghapon akong nasa advisory class ko. Walang regular na klase daw nga sa palaro. Mabuti naman dahil mas marami akong naipagawa sa mga bata ko. Naipabasa o nabasa ko din sa kanila ang kuwento ng batang nasagasaan, na ginawan ko ng powerpoint kagabi. Na-touch sila. Naiyak ang iba. Sana lang ma-inspire sila nito upang maging positive at maging mabuting bata.
Nag-text kami ni Emily ng bandang alas-8 ng gabi. Sinabi niyang hindi siya makakauwi. Pinapapunta na lamang niya ako kung gusto ko. Sabi ko, hindi ako makakapunta dahil busy ako para sa take home test. Sinabi niya rin na hindi pa siya nagkakaroon ng regla. Pareho kaming nag-aalala. Ayaw ko pang magkaroon agad kami ng second child. Gusto ko munang makapag-abroad siya.
Umaasa ako na delayed lamang siya..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento