Kaya pala, ang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina, habang hinihintay ang staff ng Junior Pinoy Henyo. Hindi pala magiging positive ang outcome. Disappointed sila sa mga nagpautakan. Isa lang ang nakasagot. Kahit ako nabigo at nalungkot din.
At nang pinasayaw na ang dancers ko, alam ko na na madidisappoint din sila gaya ng naramdaman ko kay Sir Socao nang tingnan niya ang reheasal namin.
Verdict time..
Sakit! Pasok daw kami sa Top 10 Worst School na pinuntahan nila. Wala daw wow-factor ang sayaw. Ang kinukuha daw nila ang pang-worldclass. Grabe! Di man lang nila tinanong kong may props ba na maaaring makapagdagdag ng impact. Di daw laro yun dahil may bubuka ang bulaklak pa. Narealize ko na di nila alam na may hawak silang bulaklak. Kasalanan ko, di ko kasi sinabi.
Binigyan nila kami ng two weeks para ibahin ang sayaw. Grabe, parang lumubog ako sa kinauupuan ko. Not appreciated na nga, sinabihan pa ng 100% not qualified.
Ang bigat ng puso ko. Umuwi akong napakalungkot.
Pag-uwi ko, nagsearch ako ng hip-hop dance na maaaring kuhaan ng idea.. Tapos naisip ko, ayoko na magturo. Nakakapagod. Iba na lang ang magturo. Tutulong na lang ako.
Nawala ang bigat ng puso ko nang makapagpost ako sa status ko ng ganito:
Gotamco Update:
Mga Batang Gotamco, hindi po natin naabot ang standard ng Junior Pinoy Henyo. Napakataas na ng expectation nila sa mga Pasayenos dahil sa pagkakapanalo ng T. Paez Elem School sa parehong kategorya -- sayaw at pautakan. Kung di man daw natin malampasan ang nagawa nila ay mapantayan man lang natin.Binigyan nila tayo ng dalawang linggo para bumuo uli ng sayaw na may energy at wow-factor.
Wala pang napili sa mga sumalang kanina sa pautakan. Tatlo daw doon ang pwede na, bubunot pa sila ng tatlo pa para magkaroon ng tatlong pares na muling isasabak sa elimination.
Nais nila ang pantelebisyong talento at talino. Kaya, isang hamon ito para sa ating lahat. Hindi ito isang kabiguan, kundi isang pagsubok na dapat lampasan.
Kaya, naghahanap kami ngayon ng hip-hop dancers upang makabuo ng 20 kataong dance group. Sumali ka kung alam mong may ihahataw ka o dahil nasa puso mo ang pagsayaw, hindi lang dahil nais mong makita ka sa telebisyon.
Salamat!
Dahil dito, mauunawaan ako ng mapanghusgang nilalang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento