Miyerkules, Oktubre 30, 2013

Oktubre 4, 2013 / 8:50 NG / Biyernes

Bago mag-alas-nuwebe ng umaga, nasa supervisor's mihi-conference room na ako. Ako ang pinakaunang dumating. Hindi naman ako naintimidate sa presensiya ng ibang supervisor, gaya ni Mam Misalucha dahil punctual ako at nakapostura. Nakablack nanlong sleeves ako dahil pagkatapos ng School Paper Advisers(SPA) Meeting ay dadaan ako sa Pasay City Hall para sa Silent Protest ng mga teachers upang ibalik ang P3,500 na cost of living allowance namin.
     Pasado nine na ng nasimulan ang pulong. Kokonti lang kami. Walang taga-East District. Nahiya siguro sa ginawa nila sa West District o sa Division of Pasay.
     Napag-usapan lang namin ang dates ng regional contests para sa journalism at broadcasting. Tapos, umalis na ako. Diretso sa city hall. Pagdating ko naman doon, nakita agad ako nina Mareng Joyce, Mam Solayao, Mam Ipanag, Mam Edith at Sir Macahig. Pagkapirma ko sa attendance sheet, naphoto shoot ako. Magandang scoop ito. First time komring sumali sa isang protesta. Enjoy na enjoy ako sa pagkuha ng mga litrato ng mga guro at kanilang mga plakard.
     Dumating si Mayor Calixto, ilang sandali ang lumipas. Nagyell kami ng "COLA NG GURO, IBIGAY NG BUO!" Feel na feel ko ang pagiging rebelde. Lalo na nang, nakiharap siya sa amin.
     Noon ko nakita ang tunay na mayor. Bastos pala siya. Sabi niya sa isang lider namin, "Sino ka? U malis ka dito!" Tapos, nilapitan na iyong lider namin ng mga kuyog ni mayor. Grabe!
     Grabe din siya magsalita. Hindi daw niya obligasyon na ibigay ang hinihingi namin dahil national employees daw kaki at P1,200 lang daw talaga ang mandated ng COA. Hay! Ayaw niya talagang magbigay.
     Umalis na ako agad dahil off-session iyon. Di ako pwede magtagal.
     Pagdating ko sa school, may mgangifts sa akin ang mga pupils ko. Na-touch naman ako. Nagbigay din si Sir Socao. At, bilang ganti, nagbigay din kami ng tig-iisandaan. Quits lang.
     Pinasaya din kami ng GPTA Officers. Pinayakap at pinabati sa amin ang mga bata. May music pa sanang ipapadinig kaso nagkatechnical problem yata. Okey lang.
     Tapos, nagsalu-salo kaming Grade 5 teachers sa pagkaing bigay ng GPTA. Sarap! Hinaranahan pa kami ng ilang pupils namin na marunong kumanta. Para kaming nasa Barrio Fiesta.
      Ang saya ng World Teachers' Day Celebretion namin. Simple but memorable.
      Dahil, araw ng mga guro, umuwi ako ng maaga. Di muna kami ng MTAP review. Mabuti at di ako natraffic.
      Thankful ako sa Diyos sa mga biyayang ito..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento