Linggo, Oktubre 13, 2013

Setyembre 24,2013 Martes 2:12 NH Ang aga-aga kong pumasok para tulungan si Mam Edith sa kanyang demo teaching. Gusto ko ngang umabsent pero nakatanggap ako ng text mula kay Mam Silva. Aniya, tuloy daw ang demo sa Gotamco. Kaya, dali-dali akong bumangon at naghanda. Agad din naman akong nakarating ng school. Inihanda ko ang projector. Ako nantin ang nagtype at nagpaptint ng lesson plan niya. Bilang Filipino Coordinator, kailangan kong gawin ang mga ito. Wala naman akong reward din, at least nakatulong ako. Alam ko, malaking bahagi ako sa pakitang-turo niya, gaya last year sa demo ni Mam Villaranda. Kaya lang, natagalan ang dating nina Mam Silva. Pasado alas-dos na, wala pa sila. Nasa Cuneta pa daw sila. Sayang, di ako makakapunta sa meeting namin nina Mam Normina sa division office. Baka may pipirmahan na kaming papel dahil sa reklamo niya sa mga teachers ng East District, na nagparatang sa West District Radio Broadcasting Team na mandaraya kami. Hay! Di ko alam kung ano ang uunahin ko. Nagising at pumasok ako ng maaga tapos ganito---- matagal na paghihintay. Ok lang, basta matuloy na ito. Marami pa akong aasikasuhin. Ang advisory class ko, di ko na naaasikaso. Ang MTAPpers din ay kailangan ng i-train. May GES MATH CLUB oathtaking pa sana ako mamaya. Gusto ko na rin sanang magsanay ng isang folk dance. Hindi talaga ako masyadong busy. He he gusto ko namang gawin ang lahat ng ito kaya no regret.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento