Linggo, Nobyembre 24, 2013

Mga Uri ng Estudyante

Mga Uri ng Estudyante
Froilan F. Elizaga

Sa ilang taon kong pagiging guro ay nauri ko ang mga estudyante, ayon sa kanilang kilos, talino, talento at ugali. Hindi ito isang panghuhusga o pangungutya. Ito ay isang pagbibigay-turing sa kanila upang ang katotohanang nagaganap sa mga paaralan sa ngayon ay hindi na pagtakhan ninuman.

Narito ang iba't ibang uri ng estudyante.

Tipaklong. Siya ay tipaklong dahil siya ay palipat-lipat ng upuan. Hindi niya mapainit ang silya. Tamad din siya, gaya ng sa pabula na Si Langgam at si Tipaklong. Dahil gusto lamang niyang magpalukso-lukso, siya ay madalas na lumalagapak----oo, pwedeng literal na lumalagapak sa lupa. Pero, bilang tipaklong na estudyante, siya ay maraming bagsak na marka. Hindi kasi siya nakakagawa. "Anak ng tipaklong!"

Langgam. Siya ay langgam dahil kabaligtaran siya ni Tipaklong. Masipag siya. Umaalis lamang siya sa kanyang upuan kapag kailangan. Hindi siya nawawalan ng ginawa. Marami siyang kayang gawin. Talentado. Kaya, hindi nababakANTe ang kanyang isip. Ginagamit niya ang lahat ng oras sa pagpapayaman ng kanyang kakayahan. At dahil, masipag siyang mag-aral, marami siyang kaibigan na kagaya niya. Matulungin pa siya. Masakit lamang kung magsalita.

Langaw. Siya ay langaw dahil malikot din siya katulad ni Tipaklong. Ang kaibahan nga lang niya ay masipag siya. Kahit papaanomay may tulong na nagagawa dahil sa kanyang pagiging hyper. Adelantado kasi siya. Laging prenepresenta ang kanyang sarili kapag may nais iutos ang guro. Malakas ang pang-amoy. Hindi ka pa nga nagsasalita, nakataas na ang kamay para gawin ang ipapagawa mo. Lagi kasi siyang nakaabang at nakatingin sa titser. Tingin niya yata sa guro ay poopoo. He he

Gagamba. Siya ay gagamba dahil antukin siya at tamad. Hindi nga siya pala-labas at bihirang gumala-gala sa kuwarto, pero naglalakbay naman ang kanyang sarili sa panaginip. (Tulo-laway pa.) Ang maganda kay Gagamba ay may talento siya pagdating sa sining at matematika. Maganda siyang i-train.

Ipis. Siya ay ipis dahil kinaiinisan siya ng buong klase. Walang may gusto sa kanya. Teacher's enemy din. Lagi siyang napapagalitan dahil sa kapangitan ng ugali. Mapang-asar. Malikot ang kamay. Madumi ang isip at bunganga. Nakakahawa ang ugali niya. Ang sarap tsinelasin!

Lamok. Siya ay lamok dahil napakaliit ng utak niya. Gaano man kagaling ang iyong pagtuturo, hindi pa rin niya maunawaan. Maasar ka lamang sa kanya at iyong masasapok. Minsan pa nga, hindi na niya alam, siya pa ang maingay-ingay. Kaya, madalas, nakakahawa din ang pagkakaroon niya ng kapos na kaalaman.

Linta. Siya ay linta dahil matalino siya. Tatlumpu't dalawa yata ang utak niya. Iyon nga lang, sipsip siya. Kaya naman siya tumatalino dahil mahusay siyang sumipsip sa guro. Madalas tuloy, siya ay kinasusuklaman. Pinandidirihan. Ang sabi pa sa kanya ng iba...yak!

Daga. Siya ay daga dahil wala ng ibang alam gawin kundi kumain. Kararating pa lamang niya sa school ay ngumunguya na. Mabuti sana kung sa utak napupunta ang sustansiya ng mga kinakain. E, ang masama, napupunta lang sa pozo negro. Dalawang uri sila. May payat. May mataba. Ang sarap niyang barbeque-hin.

Anay. Siya ay anay dahil wala siyang lakas ng loob kapag mag-isa. Sa kalokohan, malakas siya kapag grupo ay kasama. Pero, wag ka, pag absent ang mga barkada niya, nungkang mapaimik mo siya. Mabuti pang mag-isa siya ang classroom ay tahimik at maayos. Wag lang siyang may kasama dahil siya ay mapaminsala. Ang sarap i-terminate!

Preying Mantis. Siya ay preying mantis dahil mahiyain siya. Pero kahit mahiyain siya, hindi naman siya mangmang. Marunong siya sa klase. Teacher's pet siya, kahit hindi siya mahilig dumikit. Kusa siyang lumalayo, di kagaya ni Linta. Magandang alagaan.

Higad. Siya ay higad dahil bata pa lang siya ay sadyang may angking kaharutan. Siya yata ang anak ni Madonna. Madalas, kabaligtaran siya ni Preying Mantis, kasi noong nagsabong ng kahinhinan sa mundo, nakikipagharutan siya, kaya di siya nakasalo. Ang sarap piratin!

Surot. Siya ay surot dahil ang kanyang isip ay "konti lang". Tinalo pa ang may Down Syndrome. Inulit-ulit na ang paliwanag, magtatanong pa rin. Ang sarap sunugin!

Kuto. Siya ay kuto dahil hindi siya malinis sa pangangatawan. Ang uniporme ay parang nginuya ng kabayo. Ang buhok ay tila hindi nasayaran ng suyod sa loob ng mahabang taon. Mahihiya ang mga kuto na manirahannsa kanyang ulo. Okay lang sana na siya ay marungis, kaya lang hindi rin kanais-nais dahil ang utak niya ay kinukuto. Ang sarap tirisin!

Pulgas. Siya ay pulgas dahil lalaking higad. Maharot siyang lalaking estudyante, kaya madalas, ang grades niya ay pirat. Flat 70. Sa sobra niyang likot ay wala siyang natatapos. Parang lobong walang diresksyon. Ang masama pa, ang bilis niyang makahawa. Ang sarap niya rin talagang tirisin!

(Tama na nga! Marami pa sana. Kaya lang nangangati na ako. )

Iyan ang mga uri ng estudyante. Kauri nila ay mga peste ngunit sa matalinong mambabasa, sila ay may silbi sa lipunan. Dapat lamang silang gabayan upang hindi makahawa at makapaminsala.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento