Undas na. Nasa ibang tahanan ako. Last year, sama-sama kami sa Antipolo. Naghanda kami ng pagkain. Gumawa si Jano ng kunwaring nitso at nagtirik ng kandila doon. Nagkaraoke pa sila. Naging masaya kami noon kahit di kami nakauwi para dalawin ang puntod ni Papa.
Ngayon, masaya naman ako na nasa Pamilya Moralde o Odavar ako. Welcome naman ako lagi sa kanila. Tinuturing nila akong kapamilya. At para ma-feel ko ang last year's event namin sa Antipolo, bumili kami ng bangus para ihawin. Ayun, nagkaroon kami ng masaya at masaganang salu-salo.
Alas-dos dumating si Nema Rose at kanyang mga anak. Nagulat siya sa presensiya ko. Sabi niya, "Nandito pala ang pangwalo." Ibig niyang sabihin, pangwalong anak. Itinuturing na nga nila akong kapatid. Ang sarap sa pakiramdam.
Maya-maya pa, pumunta na kami sa Floral Garden sa Lipa, Batangas. Namiss ko ang puntod ni Papa. Nadalaw ko nga ang puntod ng iba, bakit hindi iyongsa kanya. Medyo, na-guilty ako. Pinilit ko na lang kalimutan.
Nag-inom kami ni Epr at ng stepfather niya sa labas ng sementeryo. Sa loob kami ng tricycle nila pumuwesto. Tig-iisa lang naman kaming beer-in-can. Dinamihan ko na lang namin ang kuwentuhan. Napag-alam ko nga sa amain niya na uuwi na sila sa Ilocos pag natuloy na si Shobee sa Korea. Niyaya niya kasi ako na mamasyal sa kanila. Sabi ko, sabay na po kami ni Epr, pag bakasyon.
Inalok ko na rin si Epr na tumira sa akin kapag umalis na ang Mommy niya sa Carmel. Di niya rin kasi niya alam kung sasama siya sa Ilocos o hindi. Sabi ko huwag siyang huminto sa pagtratrabaho dito. Sabi ko pa nga, mag-aral din siya, gaya ko. Naikuwento ko rin tuloy ang mga tungkol sa work at career ko.
Tapos, nakipaglaro ako ng baraha sa kanila, kasama ang pinsan nila. Matagal din kaming naglaro. Naging masaya naman kami kahit pitikan lang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento