Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Nobyembre 11, 2013

      Nakabihis na ako kahapon para sa arts seminar sa Philippine Heart Center, nang nag-text si Pareng Joel. Sabi niya, hindi daw sila tuloy ni Mareng Janelyn dahil nanlulumo pa sila sa nangyari sa Visayas dahil sa sulertyphoon Yolanda. Wala pang komunikasyon si Mare sa kanyang kamag-anak.
     Hindi na rin ako pumunta. Nasa kanya kasi ang registration form. Pumunta na lang ako sa Antipolo. Inimbitahan kasi ako ni Jano noong Biyernes. Birthday ni Kurt noong Nov.8, maghahanda daw. Hindi ako makakapunta, sabi ko. Pero, nakapunta pa rin ako.
     Mag-aalas-dose na ng dumating ako sa Bautista. Walang tayo kaya tinext ko si Jano. Pinapunta niya ako sa inuupahan nilang bahay sa Boso-boso.
     Alas-kuwatro, nagsimba muna sila sa St. Anthony Of Padua Church. Naghintay lang ako sa labas.
     Pagkatapos, kumain kami sa Jollibee-SM Masinag.
     Pasado alas-nuwebe ng gabi na ako nakauwi.
     Masaya ako dahil nakasama ako sa kanilang pagdiriwang. Nakasama ko pa ang aking ina. Nalaman ko rin na nakaalis na pala ang asawa naTaiwan. Nasa Germany na. Naisip ko, mabuti naman kung ganun. Giginhawa na rin ang kapatid ko.
     Sina Jano naman, nakautang ng panghulog sa sasakyan na tatlong huwan ng di nahuhulugan. At nakabalik na rin siya sa Skyland, isang cargo business. Makakabawi na sila sa hirap ng buhay.
     Salamat sa Diyos!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento