Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Nobyembre 12, 2013

      Naging inspirado ako ngayong araw sa pagtuturo. Hindi ako napagod. Naging masigla ang aking talakayan dahil nagpatawa ako. Ramdam ko na hindi lang sila natuto, nagsiyahan pa. Gayunpaman, may mga mag-aaral pa ring walang pakialam sa kanilang utak. Madalas ko tuloy masabi na lamnan nila ang kanilang kukote, wag puro sa tiyan.
      Naisama ko rin sa talakayan ang mga kahabag-habag na pangyayari at kaganapan sa Kabisayaan, lalo na sa nasalanta ng husto ni Yolanda. Naiiyak ako tuwing naalala ko ang mga eksena na ipinakita sa telebisyon. Nais kong ipaalam sa mga bata na napaksuwerte nila dahil nakakapag-aral pa sila ngayon habang ang ibang bata at nakakaranas ng matinding hamon ng buhay.
       Nagbasa uli ako ng kuwento sa Section 1. Ang kuwentong pinagpuyatan ko kagabi na "Ang Kariton" ang binasa ko. Nagustuhan nila kahit bitin. Marami ang na-carried away. Kaya sinabi ko sa kanila na habang nagugustuhan nila ang mga kuwento ko ay patuloy akong magsusulay.
       Pasado alas-9 y medya ngayong gabi, nag-email ang blogger na Saranggola Blog Awards na hindi makakasama sa patimpalak ang kuwento kong "Si Lola Kalakal". Pasalamat pa rin ako sapagkat napag-alaman ko ang paraan para mapansin ang kakayahan kong magsulat. Hindi man ako nakaabot sa tamang oras ng pasahan ngayon, susunod na taon ay sisikapin kong makasali sa takdang panahon. Nais ko kasing maging tanyag na manunulat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento