Sabado, Nobyembre 30, 2013

Nobyembre 29, 2013

    Napuyat ako kagabi. Hindi na naman ako nakatulog pagkatapos kong umihi sa madaling oras. Kaya tuloy, alas-8 na ako nakabangon. Hindi naman ako na-late. Nakapagsulat pa nga ako ng lesson plan. Tapos, natulungan ko pa si Mam Diana sa paggawa ng report ni Sir Erwin ng Reading Month.
    Kokonti ang pupils ko kaya di ako masyadong napagod sa maghapon. Meron pa rin nagpapasaway pero di masyadong maingay. Saka, marami silang ginawa. Isinagawa na rin namin ang "Tabak O Utak". Isa itong tagisan ng talino na may hawig sa Tama O Mali, na tungkol lahat kay Andres Bonifacio ang mga tanong. Naging matagumpay naman ito. Marahil ay first time pa makaranas ang paaralan ng ganitong patimpalak. Sayang nga lang at hanggang Grade 5 ang nakakaranas ng mga ideya ko.
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento