Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Nobyembre 3, 2013

   Alas-otso na ako nagising. Sarap sanang matulog maghapon, pero hindi pwede. May nakababad akong damit. Kailangang banlawan.
   Pagkatapos kong magbanlaw, naglinis naman ako ng kuwarto. Darating si Eking mamayang gabi kaya dapat naiayos ko na ang room bago siya dumating. Ayaw kong makita niya pang madumi o magulo ang kuwarto namin para gayahin niya ako sa pagiging malinis sa tahanan.
    Alas-dos, pumunta naman ako sa school. Naiwan ko kasi doon ang resibo ng tuition ni Eking saka ang enrollment form. Kailangan niya iyon bukas.
    Para di masayang ang punta ko, gumawa na rin ako doon ng visual aids sa Math. Nagdilig din ako ng halaman at nag-ayos ng kaunti sa garden. Tapos, umuwi na ako.
    Wala na akong pahinga. Pag-uwi ko, nag-encode naman ako ng activity sheet sa Math. At, pinagpatuloy ko ang pagta-type ng nobela kong Dumb Found. Gusto komna kasing matapos ko munang i-encode ang natapos kong i-handwrite saka ko tapusin ang novel. But, this time, diretso na sa internet. Ayoko na ng manusctipt. Nawawala lang. Andami ko pang, tago-tagong abubot..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento