Grabe ang pangyayari ngayong araw. Nakakatuwa!
Pinatawag ako ni Sir Socao sa closed-door meeting niya with Mareng Lorie at Mam Iblasin. Naintriga din kasi sila sa mga tula ko.
Pagpasok ko pa lang, nakita ko na na okay na yung dalawa. Mugto na rin ang mga mata nila. Ako naman, galit dahil di ko alam na ipapatawag ako, although, nasasangkot naman talaga ako sa issue.
Tinanong agad ako ni Sir tungkol sa friendship namin na Mare, pinapalabas niya na nagsabwatan kami. Na kaya ako nagpopost ng tula ay dahil dinidikta ni Mare. Ito ang litanya ko: "Yes, Sir, we're close friends, but I have my own mind!" Nanginginig naman ako sa galit. Pinaliwanag ko na hindi lang naman ako ngayon lang gumagawa ng tula. At hindi lang tula ang kaya kong gawin. Marunong din akong magpuri ng tao. Nagkataon lang na nakakarelate sila kaya pakiramam nila ay patama sa kanila.
Then, tinanong niya ako kung galit ako sa kanya. Sinabi ko, oo. Sinumulan ko sa time na kung saan tiningnan niya ako after sabihin ni Mam Diaz na, "Paano naman po mananalo ang mga bata? Kung multiplication ay ginagamita pa nila ng kamay." Nasaktan akonng sobra dahil feeling ko sinisisi niya ako. Sabi ko, Action speaks louder than voice. Hindi daw niya alam iyon. Kaya nga, dinibdib ko rin, kako, dahil hindi mo sinabi. Kaya, sinimulan ko pa ng isa pang sama ng loob ko.
Tungkol naman sa kakulangan niya ng suporta sa mga activities at clubs ko. Ipinaalala ko sa kanya na nagsabi ako sa kanya but laidback siya. Never din siyang nangumusta kung ano na ang status ng groups ko. Hindi ko na nga naringgan ng papuri o commendation, ni support wala.
Kailangan daw sabihin ko pa dahil busy siya. Sinabi ko na nga, di naman niya ako pinansin. Iba ang pinansin niya. Ang mga taong di naman nakakaangat ng standing ng paaralan.
Hindi ko alam kung paano ko naisip ang mga salitang aking binitiwan. Ang alam ko lang, marami akong nais baguhin sa administrasyon, na matagal ko nang kinikimkim. At ang oras na iyon ang nagbigay ng daan para maibulalas ko ang aking mga hinaing.
Marami akong sinabi na alam kong nagbukas sa puso niya. Unang-una ang promosyon. Sinabi ko na hindi ko hinahangad iyon, in fact tinago ko nga ang profile ko para di masama sa ranking. Ang gusto ko lang ay suporta para madevelop lalo ang mga bata. Hindi ako nagpapansin. Suporta at unity ang dapat para sa maganang programa.
Sinabi ko rin na hindi siya nagrereach out at nagbibigay ng time para kilalanin ang iba dahil nakapokus siya sa mga taong malapit lang sa kanya. Hindi siya nakareact sa sinabi kong iyon.
At ang pinakahindi ko makakalimutang pangungusap na tinuran ko ay "Alam mo po Sir, kung may taong maasahan ninyo, isa po sa mga iyon." Agree naman siya, pati si Mare. Tapos, pinaalala niya sa akin na once sinabihan niya ako na maaari akong magskip from teacher 1 to master teacher 1. At ang nakakatuwa, ipinakikilala niya pala ako sa ibang teacjers sa school as a candidate for master teacher 1. Proud ako, sabi ko but hindi pa iyon ang priority ko. Selfless ako ngayon because ako ay walang asawa at kasamang anak. Pinaliwanag ko din kung bakit ako magmamasteral. Secondary na lang ang salitang promotion.
Hay, marami pa akong nasabi sa kanya na tiyak akong nagbigay sa kanya ng matinding impact. Nangako naman siya na susuportahan na niya lahat ng programa ko. Lumapit lang ako sa kanya.
Nag-sorry na rin siya sa akin. Ako, hindi..
Tuwang-tuwa sa akin sina Sir Erwin, Mam Diana at Mam Nelly, gayundin si Mareng Lorie, na tumawag pa, at sina Joel, Mia at Lester.
Yes! Para akong nanalo sa contest.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento