Oktubre 16-30, 2013
Okt.16
Katatapos ko lang gawin ang video presentation para sa kasal ni Karen kay EJ sa Sabado. Ni-request kasi ni Mareng Lorie na gawan ko sila ng video as a surprise na rin siguro.
Nagawa ko naman. Ilang oras ko din pinagpaguran at worth it naman. Nagamit ko ang song ni George Michael na "You and I", na ginamit naman sa kasal nina Prince William of Wales at Catherine Middleton. Siyempre, di mawawalam ang tula ko. Makakapagpakilig, makapagpaiyak at makakapagpatawa iyon.
Sana magustuhan nilang lahat..
Okt.17
Katatapos ko lang tulungan si Eking sa kanyang school works. Pinagawa niya ako ng mga apat na essay na may more than 300 words each. Una, persuasive essay na may pamagat na Hot Pandesal. Sunod, isang narrative essay. Ang titulo ay My Autobiography. Pangatlo, ang My Cat, isang descriptive essay. At ang AMA Computer Learning Center, isa namang informative essay.
Mabuti nasa kondisyon ngayon ang utak ko..
Puro ako ngayon sa pagtulong. Kanina lang, tinulungan ko sina Mam Nelly at Mam Diane sa pag-pack ng herbal soap na ipanlalaban ng huli bukas sa investigatory project ng Science. Eight o' clock na nga ako nakauwi.
Okay lang, masaya naman ako dahil nakatulong ako.
Naihanda ko rin ang cut outs para sa OctoberTest 2013 namin sa Math Club bukas. Mabuti nga at nagsiuwian ang sampung estudyante kanina na pumasok pa kahit may field trip ang ibang bata. Nagawa ko tuloy ang mga dapat gawin. Nakapag-compute pa ako ng ilang grades ng pupils.
Okt.18
Kokonti lang ang pupils ko na pumasok. Pero, dahil wala si Mam Diana, nasa akin ang pupils niya. Pati ang ilan sa pupils ni Sir Rey ay sa akin iniwan. Kaya naman, kahit wala dapat akong sawayin masyado ay nagkaroon ako ng pasanin. Hindi tuloy ako nakagawa ng maraming gawaing dapat tapusin.
Gayunpaman, naisakatuparan ko ang OctoberTest 2013 ng GES Math Club. Successful naman ito. Lahat halos ng pupils ay gustong sumali. Pangako ko naman na ipagpapatuloy namin ang pagkakaroon ng quiz bee, buwan- buwan kung maaari.
Ibinalita ko rin pagkatapos ng awarding na magkakaroon ng quiz bee tungkol kay Andres Bonifacio. Interesado na agad ang marami.
Sana nga ay maging successful ang lahat ng mga activities ko.
Ilang minuto lang pagdating ko sa Our Lady of Parish Church, nagsimula na ang entourage nina Karen at EJ. Muntik na akong ma-late. Nagpagwapo kasi ako ng husto. He he. Sinigurado ko na presentable ako at pogi sa picture..
Habang kinasal ang dalawa, nalulungkot ako kasi si Emily, prini-pressure ako. Bigyan ko daw siya ng yaya ni Zillion. Di ako jga-reply sa text niyang iyon. Pero, kanina lang habang nasa bahay pa ako, nagtetext kami. Nagpaparamdam siya na magsama na uli kami. Ibinibigay niya sa akin si Ion, basta huwag ko dahil dalhin sa Antipolo. Sabi ko, baal ang bata sa boarding house. Payo niya, maglipat ng bahay. Kako, mahirap maglipat. Nasabi ko tuloy ang balak kong magpatuloy a pagmamasteral. Okay naman sa kanya, basta huwag ko lang daw pabayaan si Zillion. Hindi naman ah, sabi ko.
Pinilit kong maging masaya ang mood ko. Kasal ang dinaluhan ko kaya dapat masaya din ako.
Nalimutan ko naman hanggang sa matapos ang kasal.
Masaya ako sa pagdalo ko ng kasal. Kahit paano ay nakakaranas ako ng socialization. Pinasalamatan pa ako ni Karen sa text. Nagpasalamat din ako sa pag-invite sa akin.
Nakauwi ako ng mga 10pm.
Okt.20
Nakatext ko si Paz Fatima Cortejos, ang naging kaklase ko sa RGCC noong kumuha ako ng education units.
Nagpalitan kami ng mga ideas at kuwento about our craft, which is teaching. Sinabi niya uli sa akin na idolo niya ako.
Nakakataba ng puso, pero hindi ko naman iyon binibigyan ng kulay.
GABI.Habang nanunuod ako ng Imbestigador, naalala ko ang pananakit ko kay Hanna. Hindi lang ito ang unang beses na inusig ako ng alaalang iyon. Hindi ko makalimutan ang kagaguhan ko. Grabe, ang sama ng pangyayaring iyon, hindi lang sa akin kundi marahil pati na sa anak ko.
Isang umaga, papasok na kami noon. Antagal maligo ni Hanna. Kaya, pinuntahan ko siya sa CR. Nakita ko sa uwang ng pinto ang towel na nasa sahig. Nandiri ako. Ayokong makita ang gamit sa katawan na nasa basang sahig ng paliguan, lalo na't nanggigitata ito. Pinabilis ko siya. Galit na galit na ako. Tapos, tinagalan niya pa niya ang pagpaligo. Pinaghintay ako kaya lalo akong nainis. Kaya naman, paglabas niya, katakot-takot na pukpok sa ulo ang inabot niya sa akin. Nagamit ko ang ulo ng walis tingting na nandoon sa labas. Grabe ang iyak ng anak ko. Naawa din ako kaagad at pinaliwanag ko sa kanya ang kamalian niya.
Pagkatapos noon, hindi naman siya nagtampo sa akin. Naramdaman ko naman iyon. Kaya lang naman kami magkalayo ngayon dahil sa kagustuhan niyang makasama ang Mama niya at mga kapatid. Siguro hindi naman ang pananakit ko sa kanya ang dahilan. Maaari pang maging dahilan ang pagmamaltratong emosyonal ni Emily ang maging sanhi nito at hindi ang sa akin.
Sana lang makalimutan niya na ito----pati ang mga pangit na pinagdaanan namin kay Emily. Gayundin ako. Hangad ko na makalimutan ko na ang lahat ng mga iyon. Patawarin sana ako ng Panginoon.
Okt.21
Alas-otso, nagtext si Mia. Tinanong niya ako kung dadalo ako sa Comelec meeting sa Pearl Manila Hotel. Tinanong daw akk ni Jul. Since, alas-nuwebe ang meeting, hindi na ako aabot. Saka, ayaw ko naman talagang mag-serve sa anumang election, lalo na sa barangay election. Delikado ang buhay. Magulo.
Kaya, nagdesisyon ako na hindi ako dadalo. Ganoon din ang desisyon nina Mia at Jul. Pinag-usapan na lang namin ang mga posibleng mangyari at sasabihin sa amin. Kakasuhan daw kami kung di kami mag-serve. Maniwala naman ako. Bakit last senatorial election? Kung kelan ko gusto, di naman ako pinayagan ng Comelec. Rejected ako dahil hindi ako botante ng Pasay. Bakit ngayong barangay election langnay biglang pwede ng umupo kahit hindi botante? Nakakahibang!
Matatag kami. Sabi namin ni Mia na magiging matatag kami sa desisyon namin.
Gumawa din ako ng tula tungkol sa pananakot ng mga kasamahan namin. Gusto kong malaman nila na hindi jila kami maloloko. Kung gusto nilang umupo, sila na lang..
Okt.22
Hindi na naman ako pumasok. Kailangan kasing maging kapani-paniwala na nagkasakit ako at hindi nagpapalibre sa pag-serve sa barangay election sa October 28. Okay lang na two days akong absent. May srrvice credits p naman siguro ako to cover up my absences.
Marami lang akong naka-hang na trabaho just like the documentation ng demo ni Mam Edith na dapat ay kahapon ko ipinasa. Ngayon, magtetext na lang ako may Mam Vale na di ko pa ito maipapasa. Di pa nga ito napirmahan ni Sir Socao. Tapos, sa Huwebes may meeting kami with Mam Silva, Filipino Supervisor. Kailangan din ng Filipino Test Results. Dapat maitext ko si Mam Nelly na pakisabihan si Mam Amy na ipahanda. Hay..
Work pa rin kahit absent.
Umidlip ako pagkatapos kong mapagod a pag-compute ng grade ng mga estudyand ko. Nakapagpadala na rin ako ng pera kay Emily through Cebuana. At, ang maganda, lumayag na sina Sir Socao at Mam Amy na hindi ako umupo sa election. Kailangan lang daw ng written explanation. Ok.. thanks po ang sabi ko. Kalokohan! Bakit ako mag-e-explain?! May kasalanan ba ako. Sila ba nagpaliwanag noong ni-reject kami bilang BEI? Pwe!
Umalis si Eking, kaya natahimik ang mundo ko. Dumating naman siya agad na hindi pa ako nakatulog. Pero, itinully ko nag siya ay naidlip din. Five thirty na nga nang ako'y bumangon para magkape. Ang bilis dumilim.
Okt.23
Andaming nangyari ngayong araw. Nakakagigil ang iba. May nakakatuwa din naman. Unahin ko muna ang nakakatuwa.
Nagpa-riso ako ng activity sheet ko sa opisina. Nagbayad ako ng sixty centavos per copy. Ok lang dahil naibenta ko naman ito ng P2 each. Iyon naman kasi ang presyo sa lahat ng xerox-an. Hindi ko na nga lang ikukuwento kung paano ako nahirapan sa paglalakad makahanap lang ng xerox-an na naniningil ng less than one peso each copy.
Maganda ang income-an sa ganitong activity. Nagustuhan na ng mga bata. Natuto pa sila.
Nakakagigil dahil may dayaang nagaganap sa Gotamco. Natuklasan kasi ni Mareng Lorie na si Mam Iblasin ay mayroong certificate na gawa-gawa lang. Pirmado pa ni Sir Socao. Akalain mong naging facilitator pala siya ng IN-SET, samantalang walang naganap na seminar noon dahil labu-labo pa ang grade assignment, gawa ng pagpalitan ng principal. Kasalukuyang nagsesemiar din noon ang mga Grade 1 sa K-12, kasama nga si Ms. Iblasin.
Obvious na dinaya nila ang lahat ng guro. Hindi man ako ang apektado, isa naman ako sa nalinlang at maaaring mabiktima sa susunod kapag hindi namin ito isiniwalat. Nagplano ako ngbmga sasabihin para sa aming professional meeting. Isasama ko ito sa listahan ng mga dapat pag-usapan.
Ininis din ako ni Mam Batula. Nagpagawa siya ngnwritten explanation kung bakit ayokong umupomsa election. Gumawa ako at itinype pa nga ng clerk na si Jing. Tapos, sasabihin lang sa akin sa iaddress na lang daw kay Sir Socao, huwag sa Comelec. Tapos, noong ipapaprint na namin ni Mia ang may correction na sulat, sinabi ng clerk na sorry daw sabi ng principal. Gawin daw namin ng sarili namin. Bigla akong kinuluan ng dugo. Umalis agad ako ng opisina at niyaya kosi Mia. Halika na Mia, ang arte nila. Sabi ko. Buwisit! Hindi naman talaga kami dapat na gumawa ng written explanation dahil di naman iyon alam ng Comelec. Gumagawa lang sila ng sarili nilang batas. Halata namang pinapaikot nila kami.
Puwes! Humanda sila.. Malapit ng sumabog ang bomba.
Okt.24
9am. Nasa sa school na ako sa ganitong oras. Nakipagkuwentuhan ako kay Mam Sharon. Sinabi ko sa kanya ang kadayaan ng principal namin at ng kaaway niyang si Mam Belle. Tapos, kay Mareng Lorie naman. Pinag-usapan namin kung paano niya o namin io-open up ang issue. Nagdesisyon siyang gawin ito ng nakaharap ang mga co-teachers namin para mas nakakahiya silang manloloko.
Andaming kabulastugan sa school. Si Ninang naman, hino-hold ang certificate ni Mam Diana. Samantalang wala naman siyang itinulong sa pagkapanalo niya. Sus! Grabe mga ugali..
12N. Nagpaalam ako sa mga kagrupo ko na aalis ako upang makipagmeeting with others Filipino coordinators.
2pm. Saka lang kami nakapagsimula. Napag-usapan ang Gawad Parangal para sa mga nagpakitang-turo. Nagplano na rin kami ng Christmas Party namin. This time, mas marami na kami. Sana mas masaya na.
Past 5pm, nakabonding ko sa pag-uwi sina Pareng Joel at Mareng Mia, hanggang sa HP. Bumili kasi ako ng flask drive. On the way, pinag-usapan namin ang nga baluktot na gawain ng pinuno at mga alipores niya. Grabe! Galit na rin sila sa mga abusado naming kaguro at pinuno. May inihahanda nga silang petition para sa ulikbang linta.
6:30pm. Nakauwi na ako. Aalis na pala si Eking bukas ng madaling araw. Sasabay siya sa truck ni Kuya Jape. Kaya kailangan na niyang pumunta doon.
Kumain muna kami. At inihatid ko. Hindi na ako nagtagal doon. Nag-iinuman sina Kuya Jape. Andami ko pang gagawin. Nainis lang ako dahil nakita ko ang kabastusan ni Eking. Paano ba naman?! Puno ng plema ang likod ng nilalagayanmko ng kutson. Mabuti na lang ay hindi sa foam. Kung alam ko lang kung paano siya pahiyain, ginawa ko. Tamad! Sobrangntamad. Di man lang makatayo para iluwa sa lababo ang virus niya. Kaya pala, ilang araw ko ng naaamoy ang kuwarto na maasim. Sa tuwing darating ako galing sa school, maaamoy ko ang malansa, na nakakasukang amoy. Sabimko nga sa kanya kagabi, amoy maysakit. Di man langnsiya naisip. Tapos, ang lagkit ng sahig, na animo'y pinunasan ng pulot. Kadiri talaga. Nakita ko pa ang gilid ng higaan niya. Pulos mapa. Sipon niya. Doon niya sinisinga, niluluwa at dinudura. Kadiri talaga.
Okt.25
Ang bilis lang matapos ang School Paper Advisers' Meeting. Nagbigay lang ng guidelines. Binigay din ang dates at venues ng mga contests sa Regional Journalism. Okay lang naman. At least, nakasalamuha ko doon sina Mam Fatima ng JRES at Mam Rechie ng PVES, mga nakasama ko sa broadcasting. Pinadala lang sila ng school nila as proxies.
Dahil maaga pa, naisipan kong dumaan sa City University of Pasay para mag-inquire. Mabuti na lang at napadpad ako doon. Hanggang October na lang pala ang enrollment para sa post studies. Namili na ako ng mga subjects ko atntinext ko si Sir Randy. Bukas na lang daw siya pupunta.
Naglinis kami ni Mam Nelly sa room namin. Itinago namin ang mga gamit at nilinis ang kuwarto. Natapos ko naman agad kaya may time na sana akong magpaenroll. Kanina kasi di ko nadala ang clearance at iba ko pang requirements. Kaso, nawili naman ako sa pakikipagkuwentuhan kina Pareng Lester, Mia, Mareng Janelyn, Mareng Lorie at Pareng Joel.
Pinag-usapan namin ang mga masamang sistema at kaganapan a Gotamco. Nagplano at nagkaisa kami na itutuloy ang laban. Nakisali din si Sir Erwin. Nagbigay siya ng mga payo sa amin kaya medyo lumakas pa ang aming loob.
Napuno din ng tawanan ang hapon naming iyon. Nakauwi ako ng late na. Pero okay lang. Naipakita ko naman sa kanila ang aking buong loob sa pakikipaglaban sa mga mandaraya. Nakakatulong din ang mga tula ko na double meaning.
Okt.26
Dapat mag-eenroll ako sa City University of Pasay, kaya lang wala silang pasok. Kaya, pumunta na ako sa MOA. Masyado akong maaga pero okay lang dahil nakahingi na ako ng number para sa pag-claim ng ticket.
Tinext ko na si Mia. Sabi ko kailangan nilang pumunta ng maaga dahil ayaw magbigay ng tatlong number. Naghanda na siya agad.
Habang naghihintay sa kanila ni Pareng Joel, naglp-brunch na ako sa Chowking. Doon ko nakita ang post ng Gabay Guro na list of winners sa kanilang daily question. Naalala ko na sumali pala ako. May nasagot pala akong tanong, kaya clinick ko ang link na pinost nila. At, i was surprised to see my name on the number one slot. Nanalo ako. October 19 pala ako sumagot. Ang saya ko. Nakaka-proud dahil napili ang sagot ko. Di ko akalaing mapipili ako dahil sa dami ng sumali.
Heto ang tanong:
Ito naman ang sagot ko:
Nahiwalay ako kina Mia dahil kailngan ko i-claim ang ticket ko sa ibang booth. Kumain muna sila kasama ang mga pinapatamaan ko sa aking mga tula. Reunion yata nila. Mabuti naman nahiwalay ako. Baka ma-outnof place lang ako.
Mabuting -mabuti dahil nakilala ko ang tatlo sa mga co-winners ko sa iba't ibang date, na sina Mam Imee Torres, Mam Karen aka Elle Guru at Mam Mari Lynne. Nag-picture picture kami. Sama-sama naming clinaim ang mga token at snacks. Sama-sama kami hanggang matapos. Nagpalitan kami ng fb account. Ang saya na nga dahil sa grandyosong tribute sa amin ng Gabay Guro, ang saya pa dahil nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan. Bago nga kami naghiwa-hiwalay, sabi namin na sama-sama pa rin kami next year..
Nakita ko rin si Tita Merly. Unang pagkikita namin, doon pa. Suwerte talaga..
Sulit ang araw ko ngayon. Di man ako nakapagpa-enroll, naligayahan naman ang mga mata ko sa mga star-studded na program kanina. Di man ako nanalo ng prize, nanalo naman ako ng kaibigan at experience.
Oct.27
Five thirty, bumangon ako ng pilit para sa Palarong Pinoy 2013 ng KAMAFIL. Di na nga ako nakapagligpit ng higaan sa kamamadali. Pero, pagdating ko sa CCP, wala pa ang mga bata. Dumaan pa nga ako sa school para kunin ang medals, kadang at sipa. Siguro, kalahating oras din akong naghintay bago dumating ang iba.
Konti lang ang dumating. Di nakabuo ng 6 na grupo na may 4 na miyembro. Kaya ang ginawa ko ay ginawa ko na lang 2 grupo. May mga dumating pa pagkatapos ng karera ng kadang.
Enjoy naman ang mga bata. Enjoy din ako sa kakatawa at kakakuha ng litrato.
Naglaro sila ng kadang, luksong baka, luksong tinik, sipa sa paa, braso at palad, tumbang preso, patintero at Doktor Kwak-Kwak. Nagpa-cheering competition din ako.
Over-all: successful ang palaro ko. Malamang di nila iyon makakalimutan sa buong buhay nila.
Pagkatapos, nagkitankami ni Mia sa MOA. Nakigamit siya ng credit card ko para bumili ng Levi's pants ng Papa niya.
Tapos, dumiretso na ako ng Antipolo.
Okt.28
Iniwan sa akin nina Jano si Kurt. Wala kasi ang yaya niya. Umuwi ng Bicol para bumoto. Si Gie, may pasok. Si Jano naman, naghatid-sundo ng mga botante. Inarkela ni Itoy na tumatakbo bilang Brgy. Kagawad.
Okay lang naman. Di naman ako nahirapangnmag-alaga. Pumupoo lang kaya ako ang naghugas. Nang nakaboto naman si Mama siya naman ang nagpaligo.
Bago mag-alas dose nakaboto na rin ako. Pagkatapos kong bumuto, umuwi na ako sa Paco. Mabilis lang ang biyahe kaya nakauwi ako ng maaga. Nakaidlip ako.
Gabi, nagligpit ako ng mgadamit ko. Nakapagpagupit din ako. Ang sarap talaga mag-isa, nagagawa ang gusto. Walang istorbo.
Okt.29
Sinikap kong di ako mabagot sa kapipila sa City University of Pasay. Gusto ko na kasing maipagpatuloy ko na ang master's degree ko. Kahit medyo natagalan ako sa assessment step ay natapos ko pa rin pagkatapos ng isa't kalahating oras. Natuwa ako sa patience ko. Siguro ay inspired lang akong makatapos. Excited na rin akong magkaroon ng bagong kaibigan.
Pagkatapos nito, pumunta ako ng school para maglinis ng classroom ko. Alam ko na madumi at magulo ang room ko kaya di na ako nagalit sa gumamit nito kung sino man sila. Basta naglinis na lang ako. In fact, ready na ang silid ko sa Novembr 4.
Kaya lang, napansin ko ang basurang iniwan ng mga botante sa Gotamco. Kaya pag-uwi ko, ginawan komito ng tula. Kinondena ko ang mga baboy na botante.
Okt.30
INSET daw namin pero wala namang nag-talk o nag-demo. Mabuti na rin iyon. At least nakapunta ako sa JRES para ipasa kay Mam Vale ang ibang forms ng demo ni Mam Edith. Nakabalik din ako agad at nakapag-fill-up ng samu't saring kaikikan ni Sir Socao. Paulit-ulit na forms.
Nagparinig pa si Mam Belle sa grupo namin. Nasira tuloy ang hapon ko. Kung nandoon lang si Mareng Lorie, tiyak ako away iyon. Malamang kawawa siya sa amin. E, galit na galit din si Mareng Janelyn. Nagtimpi lang siya. Ganun din ako.
Grabe magparinig. Akala mo siya pa ang naapi. Siya na nga itong nandaya, siya pa ang mataas ang boses at malakas ang loob maggalit-galitan. Tigas ng mukha ng mga kasamahan ko. Mana sa lider namin na kunsintidor.
Okt.31
Pasado alas-otso nang dumating ako sa school. Naroon na sina Mareng Lorie. Nag-voice out na rin siya ng tungkol sa issue ng dayaan. Hindi ko na aabutan.
Wala pa naman doon ang kalaban niyang guro. Okay nga rin para di ako madawit. Tama na iyong nagsusulat ako ng tula na nagpapasaring sa mga kabuktutan ng mga kaguro ko. Ayoko rin naman ng maraming kaaway at kakonprontasyon. Tama na sa akin ang maging makata sa katauhan ni Makata O., na kinaiilagan ng mga taong liko.
Habang naghihintay ng uwian o text ni Epr, nagsusulat ako ng kuwento. Ipagpapatuloy ko ang pagsulat dahil kagabi napuri ni Auntie Vangie sa kuwento kong ipinost ko sa FB na pinamagatan kong "Si Sir Gallego". Sabi niya, mahusay daw akong magsulat. Ipagpatuloy ko daw baka sakaling maging matagumpay akong manunulat.
Nagsulat din ako sa isang bar sa Mayapa, Calamba, Laguna habang naghihintay kay Epr. Nauna kasi akong dumating sa kanya sa tagpuan namin. Nakakain at nakainom na ako ng isang bote ng light beer, nang siya ay dumating. Mahaba-haba rin ang naisulat ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento