Linggo, Oktubre 13, 2013

Setyembre 24, 2013 Martes  3:30 NU

   Grabe! Di ako nakatulog. Kung kelan malamig. Para kasing may nag-iisip sa akin. Kahit na nga kumikirot ang likod na bahagi ng ulo ko, nakatulog pa rin sana ako. Siguro, excited lang ako magsulat. Naisip ko kasi ang mga journal ko na nakaimbak lang sa isang shoebox. Pumasok sa kukote ko na, why not, i-post ko sa page kong Life Of Pores.
    Good idea! Masimulan nga.. Who knows pagdating ng araw, may kakayahan na akong magpublish ng mga akda ko.
    Naisip ko rin ang mga script ko na malapit ng matapos. Nanghinayang din ako sa mga manuscript ko na nawala lang sa naabandona naming bahay sa Polot. Andami nun. Mga tula. May mga nobela. Essays at sanaysay. Sana, may nagpahalaga ng mga iyon o kaya isuli sa akin.
    Habang iniisip ko kung paano ako makakapagpublish, di pa rin ako dalawin ng antok. Alam ko nangangarap ako, hindi ako nananginip. Masama ba iyon?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento