Setyembre 23, 2013 Lunes 9:27 NG
Suspended ang klase kanina dahil magdamag na umulan. Salamat kay Bagyong Odette na nakalabas na ng bansa pero nag-iwan naman ng sangkatutak na ulan. Nakapagpahinga tuloy ako maghapon. Facebook lang. Noud ng Youtube videos. Umidlip. Tapos, nag-aral ng math magic at magic tricks using coins and money.
Nagagamit ko ang mga ito sa pagmotivate ng pupils. Interested silang makinig pag alam nilang magmamagic ako. Minsan sila pa nga ang nagyayaya sa akin na magturo o pumasok sa classroom nila. Nakakatuwa!
Nagbasa din ako ng libro ni Bob Ong.
"Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan" ang pamagat. Nabili ko ito noong Biyernes. Ito ang kauna-unahang aklat ni idol na nabili ko. Sayang, kung available sana lahat ng aklat niya, makokompleto ko na ang mga akda niya. Meron na ako ng ABNKKBSNPLAKo. Nahiram ko lang iyon sa pinsan ko pero ayaw na ipasuli sa akin. Di yata hilig ang magbasa..
Pero ako, baliw na baliw kay Bob Ong. Siya nga ang nakapagimpluwensya sa akin. Naisulat ko tuloy ang Pahilis at nasimulan ko ang Tisa Ni Maestro. Ngayon naman, hinikayat niya uli akong magsulat at ipagpatuloy ang pagjojournal, gaya ng journal niya sa aklat na aking binabasa ngayon.
Sana masustain ko ang ganitong gawain, kahit busy-ng busy ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento