Biyernes, Oktubre 18, 2013

Setyembre 26, 2013 / 10:18 NG / Huwebes

  Wala si mam Rodel, si Sir Joel at si Sir Rey kanina. May kahalong ibang section ang mga pupils ko kaya medyo maingay na naman. Pero, nagturo pa rin ako ng division of decimals. Nagturo din ako sa Character Education.
    Ang lesson ay tungkol sa pagbabahagi ng talino at talento. May diarymp ngang sample sa libro. Kaya, naalala ko ang mga journals ko. Inilabas ko ito at ibinahagi ko sa kanila. Gusto nga nilang basahin. Di lang ako pumayag.
     Binasahan ko rin sila ng entry ko kanina. Iyong tungkol sa panaginip ko kaninang umaga. Nag-iba ang mga emosyon nila. Tapos, sinabi ko na maaari ngang mangyari iyon kaya ingat sila sa pagsumbong.
     Dahil dun, nakita ko ang nobelang kung may pamagat na Dumb Found. Hindi pa ito tapos, kaya nilabas ko at sinimulang i-encode habang may ginagawa namangndiary ang mga bata ko. Na-inspire ko ang karamihan, pero ang mga bobito ay hindi. Nagpasaway lang. Kainis! Waepek ang mga effort ko.
     Hay, sana marami akong matouch na buhay. Sana magawa kong writer ang lahat...
     Kaya nga, pinupush ko nga ang KAMAFIL ko dahil alam ko sila ang mga numero unong interesadong maging manunulat. At hindi nga ako nagkamali. Nanumpa sila kanina. Nagmeeting at nagplano din kami. Interesado din sila sa Journalism training every Saturday. Salamat, may maiiwan din pala akong legacy kahit paano.. Feeling contented.
   
   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento