Biyernes, Oktubre 18, 2013

Setyembre 28, 2013 / 4:44 NH / Sabado

Kahapon, puro trabaho na naman ako. Turo ng lesson. Turo ng kabutihang-asal sa mga mag-aaral na pasaway. Walang na kasasaway sa mga praning na estudyante. Tapos, nagturo pa ako magsulat ng diary o journal. NagMTAP din ako sa umaga. Naka-projector pa para maengganyo sila mag-aral at magreview ng maayos.
   Hapon, kahapon, nagpractice ako ng mga magsasayaw sa Eat Bulaga, pupunta na kasi ang staff ng Junior Pinoy Henyo sa Martes, October 1 para tingnan at mag-audition para sa pautakan.
   Gabi, nagpunta naman kami ni Eking sa St. Luke's Quezon City para kunin ang padala ng Mommy niya sa katrabaho niya doon na nagpaopera. Pagkatapos, bumili kami sa Quiapo ng mga pangcostume niya sa acquintance party. Nakaapagod. Nagutuman din kami. Siguro pasado nine o' clock na kami nakauwi. Ayos lang basta maging masaya ang pamangkin ko at ang humapay ina niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento