Bago mag-alas kuwatro ng umaga, gising na ako. Gusto ko pang matulog pero di ko kayang magpa-late. Sa Ultra ang punta ko para sa World Teachers' Day Celebration. Ayokong magpahintay sa mga kasama. Sobrang aga ko naman, nauna pa ako. Hinintay ko pa si Mam Amy. Nasa kanya ang ticket ko.
Sa paghihintay ko, nakita ko ang mga schoolmates ko sa RGCC na sina Luis at ang kanyang naging asawa. Nagpalitan kami ng cellphone number. Small world tlaga. Kahapon lang, nagkita naman kami ni Christian Gogolin sa Paco. Sa isang resto daw siya nagtratrabaho. Niyayaya nga akong tikman ang putahe nila. Di lang ako nagcommit.
Past seven na nagsimula ang program sa DepEd NCR Ground. Boring. Sa screen lang kami nakakapanood ng mga pangyayari sa Ultra o Philsports Arena. Andami sanang performers doon. Nagpagames at nagparaffle naman dito, pero di naman ako nanalo. Mabuti na nga lang may nakasalamuha akong teachers sa Rivera at Apelo Cruz. Maya-maya, dumating naman si Mam Sharon kaya di na masyado boring. Naglibot-libot din kami sa mga booth para makahingi ng freebies.. Enjoy din kahit paano.
Antagal ng oras. Naiinip kami. Kaya noong bandang 3pm na, sumubok kaming sumali sa bring-me games, kaso bigo na naman kami. Niyaya ako ni Mam Sharon na sumali sa pick-up lines. Ayoko nga, corny ako e. Baka walang tumawa.
Lampas na alas-5 ng hapon. Overtime na ang celebration dahil sa unclained prizes. Ayaw pa rin naming umalis ng walang panalo. Mabuti hindi naclaim ng iba ang P2000 raffle prizes nila, hanggang P10,000 pa nga. Kaya, nagdesisyon ang prize committee na magraffle ng tig-iisanlibo.
Antagal namaing matawag. Mabuti na lang at marami talaga iyong di na-claim. Natawag kami bago maubusan ng papremyo. Malungkot na sana kaming uuwi.
Ang saya ng araw na ito, hindi dahil sa napanalunan kong isanlibo, kundi sa experience. Noong 2010, andito rin ako. Pero, sa Ultra kami. Halfday lang ang program at kakaunti ang prizes at performers. Ngayon, bumabaha ng freebies at papremyo. May libre pa ngang Jollibee chicken joy at Coca-Cola drinks.
Sarap! Sulit ang isang araw! Nafeel ko ang aking pagkaguro. Binigyan talaga nila kami ng tribute.
Past 8 na ako nakauwi. Medyo masakit na naman ang ulo ko. Bago mag-alas kuwatro ng umaga, gising na ako. Gusto ko pang matulog pero di ko kayang magpa-late. Sa Ultra ang punta ko para sa World Teachers' Day Celebration. Ayokong magpahintay sa mga kasama. Sobrang aga ko naman, nauna pa ako. Hinintay ko pa si Mam Amy. Nasa kanya ang ticket ko.
Sa paghihintay ko, nakita ko ang mga schoolmates ko sa RGCC na sina Luis at ang kanyang naging asawa. Nagpalitan kami ng cellphone number. Small world tlaga. Kahapon lang, nagkita naman kami ni Christian Gogolin sa Paco. Sa isang resto daw siya nagtratrabaho. Niyayaya nga akong tikman ang putahe nila. Di lang ako nagcommit.
Past seven na nagsimula ang program sa DepEd NCR Ground. Boring. Sa screen lang kami nakakapanood ng mga pangyayari sa Ultra o Philsports Arena. Andami sanang performers doon. Nagpagames at nagparaffle naman dito, pero di naman ako nanalo. Mabuti na nga lang may nakasalamuha akong teachers sa Rivera at Apelo Cruz. Maya-maya, dumating naman si Mam Sharon kaya di na masyado boring. Naglibot-libot din kami sa mga booth para makahingi ng freebies.. Enjoy din kahit paano.
Antagal ng oras. Naiinip kami. Kaya noong bandang 3pm na, sumubok kaming sumali sa bring-me games, kaso bigo na naman kami. Niyaya ako ni Mam Sharon na sumali sa pick-up lines. Ayoko nga, corny ako e. Baka walang tumawa.
Lampas na alas-5 ng hapon. Overtime na ang celebration dahil sa unclained prizes. Ayaw pa rin naming umalis ng walang panalo. Mabuti hindi naclaim ng iba ang P2000 raffle prizes nila, hanggang P10,000 pa nga. Kaya, nagdesisyon ang prize committee na magraffle ng tig-iisanlibo.
Antagal namaing matawag. Mabuti na lang at marami talaga iyong di na-claim. Natawag kami bago maubusan ng papremyo. Malungkot na sana kaming uuwi.
Ang saya ng araw na ito, hindi dahil sa napanalunan kong isanlibo, kundi sa experience. Noong 2010, andito rin ako. Pero, sa Ultra kami. Halfday lang ang program at kakaunti ang prizes at performers. Ngayon, bumabaha ng freebies at papremyo. May libre pa ngang Jollibee chicken joy at Coca-Cola drinks.
Sarap! Sulit ang isang araw! Nafeel ko ang aking pagkaguro. Binigyan talaga nila kami ng tribute.
Past 8 na ako nakauwi. Medyo masakit na naman ang ulo ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento