Ang Tsismis
Makata O.
Salitang binawasan, tsismis 'yan
Pag dinagdagan, mas malala pa dyan
At kung ika'y makikipaghuntahan
Huwag iba, ang gawing pulutan
Huwag buhay nila ang pag-usapan
Bakit hindi ang ideya at pinagmulan
Ang talakayin sa inyong usapan?
Tsismis, iwasan, saka ang gatungan
Mabuti pa ay tumahimik ka na lang
Kung walang mabuting salitang bibitawan.
Pagtsitsismis, iba sa pagpapakatotoo
Tsismosa o tsismoso, ang tawag sa iyo
Kung dagdag-bawas ang gawain mo
Wala ka namang mapapala sa mga ito
Pinag-away mo lang iyong mga katoto
Ginulo mo lang ang isyu pati ang grupo
Sinasabi mo'y mali-mali at liku-liko
Wala sa hulog at hindi naman totoo
Tumigil ka sa ganyang, aktibidad mo
Baka mapahamak, katapat ay makatagpo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento