Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Nobyembre 14, 2013

   Alas otso ng umaga kanina, habang nasa dyip ako at nakikinig ako sa paborito kong istasyon ng FM radio, na Love, ay narinig kong nanghihikayat sina Nicole Hyala, Chris Tsuper at dalawang pang DJs na tumulong para sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda. Kanina lang nila iniba ang kanilang programa. Supposedly, Tambalan iyon. Pero kanina, nagmistulang AM radio sila. Ang galing! Naengganyo tuloy akong magbigay.
   Kaya, pagdating ko sa school, gumawa ako ng box na may nakasulat na "Barya Para sa mga Biktima ni Yolanda". Masayang inaprubahan iyon ng grade leader namin. Wala ang principal kaya tinuloy ko na ang panghihikayat sa mga pupils na magbigay. Nakalikom naman ako ng mahigit tatlong daan sa tatlong seksiyon.  
   Nakakatuwa!
   Naisip ko ring magbigay ng mga damit. Kaya sinabihan ko ang mga mag-aaral na magdala bukas dahil sa Linggo ay ihahatid namin sa MBC ang mga donasyon nila. Isasama ko ang mga pinuno ng KAMAFIL at GES Math Club. Gustong-gusto nila.
    Tapos, tumugma pa ang lesson ko sa Character Education na "Ano ang kampanya?" Nagbasa kami ng tula na nagsasabing tumulong ang bawat isa, ngayon na.
    Ang taas na sana ng kaligayahan ko nitong hapon, kaya lang, nagpasaway ang mga estudyante ko, habang binabasahan kk sila ng akda kong kuwento. Nainis ako sa ingay ng iba na parang hindi interesado. Nakakaapekto sa ibang nakikinig at sa akin na nagbabasa. Kaya, tinigil ko at sinabihan silang wala silang silbi. Mabutimpa ang Section 1, tahimik habang nagbabasa ako. At, sila pa ag pursigidong magsulat pa ako ng part 3. T
      Habang pinalilista ko ang mga maiingay, tinatapos ko naman ang artwork ko na sinimulan ko kahapon. Natapos ko naman dahil tumahimik sila hanggang mag-uwian.
      Pag-uwi ko, na-inspired uli ako na gumawa ng fund-raising drive dahil sa post ng Grade 6 pupils na nagbebenta ng tie dye shirts na gawa nila mismo. E, nagbigay kasi ako ng ideya sa isa sa kanila noong isang araw, bilang paghahanda sa contest na sasalihan niya at ni Mam Rodel. Naisip ko din na ibenta ang artwork ko. Kaya, pinost ko ang picture niyon at nilagyan ko ng caption na "ARTWORK FOR SALE "Yolanda broke he Earth Oil Pastel in Illustration *Proceeds will be donated to the typhoon victims"
       Sana may bumili para madagdagn ang pera na ipapadala ko...namin.
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento