Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Nobyembre 15, 2013

     Dumagsa ang mga relief goods mula sa Grade V Pupils. Naglagay ako ng table sa labas at nilagyan ko ng karatula na may nakasulat na "Tulong para sa mga Nasalanta, Mula sa Gr. V". Nag-picturan pa kami. Nakakatuwa dahil matagumpay ang intensiyon kong makatulong. Marami pa nga sanang gustong magbigay. At mas marami ang nais sumama sa MBC sa paghahatid ng mga goods sa Linggo.
     Sana maging matagumpay ang aktibidad namin at nawa'y makarating ang mga ibihigay namin sa mga taong nararapat makatanggap nito.
      Pumunta ako ng Division Office bandang 12:30 ng hapon sa pag-aakala kong kasama ako sa meeting ng coordinators ng Filipino. District coordinators lang pala. Sabi kasi sa akin ni Mam De Paz ay ako daw ang dumalo. Di ko naman napansin ang "To:". Okay lang, isa lang naman ang nakaalam na pumunta ako.
      Nagliwaliw muna ako bago ako bumalik sa school. Tumambay ako sa Wellcome Mall habang ninanamnam ang Frutas shake. Nakabalik ako sa school mga bandang 2:30.
      Dahil nangako ako na maglalaro kami ng "Basa-Basa Din Pag May Time", naglaro nga kami. Mabilis lang natapos. Kaya, naglaro ulit kamimsa classroom ng tanong na nakakalito gaya ng: "Baka, Baka, Baka. Ano ang iniinom ng baka?" Sabay-sabay nilang sinigaw na "gatas".
      Ginawa ko din ang Math riddle. Enjoy na enjoy sila kahit maingay. Di na lang ako nainis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento