Pasado alas-otso ng umaga, nasa school na ako para ihatid ang mga relief goods na nakalap namin noong Biyernes. Nagkasunudan lang kami ng dalawang pupils ko na sina Maria at Kassiel. Akala ko nga marami ang sasama. Nalungkot ako ng bahagya dahil baka maiilang ako sa dalawa. Pero, noong papunta na kami, hindi naman ako naramdama ng pagkailang. Nagtatawanan at nagbiburuan pa nga kami. Kaya lang, mas masaya sana kung marami.
Naibigay naman namin kaagad sa guards ang mga goods at cash. Pero, di ko na nagawang magtanong kung maaari kaming magpa-picture sa mga DJ na naroon. Isa pa, di naman kasi iyon ang sadya namin. Okay lang. Nagpa-picture na lang kami sa tambak ng mga goods. Background kumbaga, para maniwala ang mga nagbigay na nakarating sa kinauukulan ang donation nila.
Mas marami nga akong naibigay. Cash na P500, plus angnmga damit at pantalon. Okay lang. Masarap naman sa loob.
Nag-picturan kami sa CCP para makumpleto ang lakad namin. Tapos, nagyaya pa sila sa Harrison Plaza. Kaya, para mas masaya sila, nilibre ko sila ng pagkain. Sa tingin ko, sapat na ang mga ginawa ko para sumaya sila. Di rin ako nabigo sa aking pagtulong. Nagastusan ako pero naging magaan naman ang loob ko.
Tapos, naghiwa-hiwalay na kami. Sila, nag-window-shopping. Ako naman, namili. Bumili ako ng shoes. Luma na kasi ang Chuck Taylor ko. Mura lang ang nabili ko. Halagang P350 lang. Nagustuhan ko lang dahil 50% off at kulay pula. Bumili rin ako ng red slippers.
Dahil matatagalan sina Emily at Ion, nagbaka-sakali ako sa National Bookstore kung may stocks na ng Bob Ong books. Suwerte, meron. At lima pa. Kaya, kumuha ako ng tig-iisa. Matagal ko ng gustong makumpleto ang mga akda niya. Dream come true.
Gift ko na ang mga iyon sa sarili. Di na muna ako bibili ng Converse at long sleeves polo.
Pasado ala-una na dumating sina Ion. Miss na miss namin ang isa't isa. Kaya, si Emily ang pinabili ko ng pagkain. Kinausap ko siya. Ang daldal na niya. Kaya lang inuulit at pinapahaba pa rin niya ang mga salita. Sana magbago pa ang pananalita niya.
Naawa din ako sa kanya. Ang payat. Parang di kumakain. Ganun din ang ina.
Lalo na akong naawa sa anak ko nang kumain na siya. Halatang sabik sa spaghetti. Ang bilis, ngumuya. Nakakatakot baka mabulunan.
Panay ang salita ni Emily. Iuuwi na daw niya si Ion sa Aklan kaya mag-open na lang daw ako ng bank account para kay Ion, para di na kami magkita. Ano iyon? Magbibigay ako tapos di ko makikita ang bata.
Di ako nag-comment. Hanggang sa nabilhan ko na si Ion ng t-shirt at long sleeves polo, wala kaming salitaan tungkol doon. Si Ion kasi ang pinapansin namin. Nakakatuwa kasi marunong ng mamili ng gusto niya. Salawahan pa. Nakakita ng Cars na damit, ayaw na ng polo. Tapos, nakakita naman ng Tom and Jerry, ayaw na uli ng Cars. Ang suma tutal, dalawang piraso ang nabili ko sa kanya. Ang Tom and Jerry at ang long sleeves polo. Okay lang naman. Gusto kong mamahalin ang suot niya, dahil hindi ko iyon natikman noong bata pa ako.
Marami pang dapat na bilhin kay Ion. Sumbrero. Sapatos. Sando. Shorts. Briefs. Etc. Isunod ko na lang after mabilhan ko sina Hanna at Zildjian.
Binigyan ko sila ng two thousand. Sinabi ko kay Ion na ibili niya ng pagkain. Dinig iyon ng ina.
Ang saya-saya ko na kahit ilang oras ko lang nakasama ang anak ko.
Pag-uwi ko nagtext si Emily. Lagi daw ako mag-iingat. Ang ginagawa ko daw ay para sa mga anak ko na ako naman ang aani balang araw. Pag napatapos ko raw si Ion, siya naman daw ang tutulong sa akin dahil ama pa rin naman daw niya ako.
Tama naman. Pero, di na ako nag-reply.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento