Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Nobyembre 16, 2013

       Ang sarap matulog. Parang ayaw ko pang bumangon kaninang 5:30 ng umaga. Pero, pinilit kong idilat ang mga mata ko para makapaghanda sa pagpasok. Ginusto ko ito e, kaya dapat pagtiyagaan ko. Or else tatamarin na naman akong ipagpatuloy ang masteral ko.
       Nakarating naman ako sa CUP on time, pero antagal kong naghintay. Wala pa ang mga prof. Kakabuwisit! Last Saturday, wala ng pasok. Pati ba naman sa 2nd Saturday ay magulo pa rin ang schedule. Ang labo nila! Tapos ang masaklap pa, hindi ako qualified sa first period na subject ko na Seminar on Thesis Writing (TS 101). Pre-requisite pala nito ay ang Fundamental of Research. Kaya, lumabas ako kasama ang kakilala kong teacher sa CES,na kapareho ko ang problema. Nagsabi kami sa Dean, but di niya pa nasolusyunan ang problema. Bumalik daw kami sa Lunes. Letse! Bakit paghihintayin pa kami.
       Hinanap naman namin si Dr. Navarra dahil alam namin na approchable siya. But then, pag-uusapan daw nila ng dean. Wala kaming nagawa. Kaya, nagkuwentuhan na lang kami. Napag-usapan naminmang potential ko na sinabi ni Sir Socao. Sayang daw at pinalampas ko. Initiative ko na lang daw. Dapat raw ay di ako nagpatumpik-tumpik. Naghinayang naman ako. Kaya lang, tapos na. Kaya nga nag-enroll uli ako.
       Pagkatapos, nakita ko si Mam Julie L. Magkaklase pa kami sa isang subject. Natuwa pa kami ng malaman namin. Pero, nalungkot dahil kaklase din pala namin si Mirando. Bakit ba nagkataonmpa?!!Okay na sana na kami lang eh. Small world talaga.
       Dahil maliit lang ang mundo, nakita ko rin ang schoolmate ko sa RGCC na si Riza Gragas. Sa Las Pinas siya nagtuturo. Sayang, di kami magkaklase.
       Mahabang paghihintay uli dahil wala ang prof ko sa Legal Aspects of Education. Nagpasa lang kami ng index card. Sayang ang oras. Tapos, 3rd subject na sana. Ang kaso naman, nag-meeting naman ang mga propesor. Kaya, 3 pm na kami nakapagsimula. Nag-orient naman si Dr. Bal'oro at nagbigay ng course outline.
       Pagkatapos, nagkita kami ni Mam Julie. Sumama ako sa kanya sa last period niya. Kinausap ko si Dr. Yan na tanggapin ako dahil rejected ako sa Seminar on Thesis Writing. Mabuti at pumayag naman. Ang bait niya talaga. Napaka-approachable.
       Maaga naman kami pinauwi dahil wala pa kaming topic na pag-uusapan. Kinuha lang ang names namin at nag-assign ng reporter sa Sabado. Ayos!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento