Masaya at masigla akong nagturo ng Solving Word Problems Involving Circumference Measure. Una, sa advisory class ko. Malinaw na malinaw ang pagkakaturo ko, ngunit nganga pa rin ang karamihan. Sadyang mahihina na ang kukote ng bagong henerasyon ngayon. Nakinig naman sila. Tilampinalasok lang sa isang tainga at ipinalabas sa kabila.
Sa Section One naman, kailangan ko muna magpatawa para makuha ang atensyon nila. Sinabi ko sa kanila na "Every thing in this world is Math. Every thing you do, from the timemyou wake up till the time you sleep is Math. I am your Math teacher. Therefore, I'm your everything" Sabay, joke!
Mainipin sila kaya kailangang bilisan ang turo. Katulad din ang iba sa kanila sa advisory class ko. Nganga! Okay lang, at least nakakain na ako ng lunch habang may seatwork sila.
Ang Section 3 naman, na siyang pinakamahirap patahimikin, pakalmahin at turuan, ay kailangan ko munang gulatin at gamitan ng dahas upang makuha ang atensyon. Makikinig naman ang iba, pero ang karamihan lalo na ang mga lalaki ay hindi makikinig.
Madalas pa nga, di sila uma-attend. Gumagala lang sila sa baba. Kanina naman, nagtjlug-tulugan ang mga mokong. "Call eter agent ba kayo? Napuyat. O baka macho dancer. Ang kakapal ng mukha. Ginawa pang tulugan ang school." Kako. Pero, walang tinablan. Matindi talaga ang kakapalan ng mukha. Babae lang ang gumagawa at iilan-ilang lalaki.
Ang hirap magturo. Parang utang na loob ko pa sa kanila na makinig sila. Ako pa ang nakikiusap na sila ay makinig. Kung hindi nga lang ako labis na nagpapahalaga sa edukasyon, ay never akong mamimilit na makinig sila o mag-aral ng mabuti.
Kaso, ito yata ang kapalaran ng isang guro. Magturo ng kaalaman at mamilit na matuto ang mga mag-aaral. Wala pa dyan ang pagtuturo ng kagandahang-asal.
Diyusme! Religion teacher nga ay sumusuko sa kanila. May nag-aaway habang may katekista sa silid. May nagkakara y cruz. May nakatayo. May nakataas ang paa. May nagkukuwentuhan ng hindi tungkol sa Diyos. Grabe! Nakakasuklam na mga ugali. Nagtatanong tuloy ako. Kasalanan ba ng guro o ng magulang?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento