Martes, Nobyembre 26, 2013

Nobyembre 26, 2013

       Napuyat ako kagabi sa kakaisip ng nangyari kahapon sa post ko. Nayayamot pa rin ako sa taong nagkondena ng sanaysay ko. Kahit humingi na ako ng tawad sa Diyos, still, I had sleepless night. Naging malumbay ako hanggang, pagpasok ko. Kaya lang ako naka-move on ay dahil kina Nicole Hyala at Chris Tsuper. Parang naka-relate ako sa mga sinabi nila. Iyon na yata ang sign na hiningi ko kay Hesus.
       Kaya naman, nang hinarap ko na ang klase ko, inspired na ako. Maganda na ang mood ko. Pinag-usapan namin ang Christmas Party. Tapos, nagturo ako ng malinaw. At bago iyon, nakipagkuwentuhan pa ako kay Mam Diana at Mam Amy about children and parents attitude towards child abuse. Naging topic namin ang mga karanasan ng mga kaguro namin sa kamay ng mga magulang na mapagsamantala sa kahinaan ng mga guro. Naka-relate ang issue ko dun sa critic ko pero di ko na sinabi. Okay na. At least tumigil na iyong mahaderang hilaw na Australyanang iyon.
       Naging busy na lang ako sa pagtuturo at pagsingit ng paper mache projects ko. Gumagawa uli ako ng mga figures outmof paper. Magbebenta daw si Mam Nelly sa Araneta Coliseum. Sa exhibit. Baka sakaling kumita pa kami. Para na rin mapakinabangan ko ang talento ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento