Okt. 6
Tapos na ang weekend. Pasok na naman bukas. Okey lang, at least nakapagpahinga ako buong maghapon ngayong araw. Nakatulog ako. Nakapagbasa. NakapagFB at Youtube. Nakapagprepare para sa October Quiz at Math Trick or Treat.
Gusto ko nga sanang mamasyal kasama si Eking kaso nanghihinayang ako sa pera. Mas maigi na ang manatili sa bahay kesa gumastos. Sa ibang araw na lang siguro.
Okt. 8
Andito ako ngayon sa division office. Nagtext kasi kahapon si Mam Fajardo, co-trainer ko sa broadcasting. Nagpatawag daw ng meeting si Mam Normina, kasama ang mga trainers ng East District na nag-akusa sa amin na nandaya. Nauna pa ako sa kanila. Grabe!
9:00pm. Wala kanina sa meeting namin si Sir Bagsic, ang kagrupo ko at si Mrs.Teresita Bucao, ang culprit ng lahat ng ito. Naging mahinahon naman ang usapan. Naorient kasi kami ni Mr. Junio, ang DeEd Pasay Alternative Dispute Resolution mediator.
Ang resulta, nagsulat ng apologies ang mga teachers na nag-accused kay Mam Normina na nandaya. Ayoko sana ng ganun lang. Gusto ko sanang ibalik sa amin ang chance na lumaban sa regional level. Kaso, mukhang suntok sa buwan. Iyon nga ang hinabol nila. Di na nila iyon ibabalik.
Happy naman kami sa naging resulta. At least, nagkapatawaran na. Si Mrs. Bucao na lang ang problema. Bala magmatigas pa iyon. Bahala siya.
Okt. 8
Badtrip ako maghapon.
Una, disappointed ako sa resulta ng meeting. Pangalawa, pasaway ang mga pupils ko. Mga walang disiplina. Sinabi ko na na ayoko na nagkakalat sila. Matagal ko na sila inalosan ng basurahan. Sa ilalim naman ng upuan nila ngayon itinatapon. Ang iba sa papelan nila tinatapon. Kahit pa nga, inuulit-ulit ko na bobonang taong walang disiplina, ayaw pa ring gawin ang tama at nararapat.
At panghuli, ang COMELEC. Disqualified na nga kami na umupo sa election dahil hindi kami botante sa Pasay, sapilitan pa kaming binibigyan ng obligasyon sa darating na barangay election. Pwede na raw umupo, dahil kulang ang teachers. Ang masama, chairman pa kaming lahat. Ayoko ngang magservice dahil delikado ang buhay. Napaparatangan pang mandaraya. Minsan pa nga, nakakasuhan pa sa maling di naman sinasadya. Asan ahg hustisya?
Di ko naman kailangan ang pera kung ang isang paa ko ay nakabaaon sa lupa habang ang botohan ay nagaganap. Alam ko kasi na marahas ang mga kandidato kapag barangay election. Mamaya, mabaril pa ako. Yay!
Okt. 9
Di muna ako nagtrain sa MTAP. Sinamahan ko muna kasi si Mia sa MOA. Kukuha siya ng Sun WiFi pocket. Gagamitin nia ang credit card ko. Kagabi pa namin ito pinag-usapan.
Dumating din si Pareng Joel habang naghihintay kami sa pila. Kayamdi na kami alangan sa isa't isa.
Past seven na yata iyon nang matapos kami. Nag-treat si Mia ng dinner sa Chowking. Doon, nagkuwentuhan kami tungkol sa mga kaganapan sa school. Unang-una na ang tungkol sa Grade 2. Partikular ang pag-ayaw ni Mareng Joyce as grade leader dahil sa katigasan ng ulo ni Lester. Pinayuhan namin si Mia na wag niyang sundin ang pakiusap ni Lester na i-time in siya kapag late. Bahala siyang ma-late at magbago. Payong kaibigan. Nasa tama kami.
Napagkuwentuhan din namin ang tungkol sa nakikipag-inuman ng magaling naming co-teacher na si Herminogildo. Nakipag-inuman daw kagabi sa mga pupils niya. Ang nakakatawa pa, nagwala sa may school. Muntik na nga raw bugbugin ng isang kagawad dahil binastos daw ang kapitana. Whatever happened, di ko alam. I believe, ganun nga ang nangyari.
Isang kasiraan para sa part niya, ganunndin sa principal na siyang nagpasok sa kanya....at sa school na rin.
Dumaan din kami sa pagiging bago, but we never do that. Shameful!
Okt.9
Nine o' clock in the evening, I was in a jeepney, going home to Paco. I was thinking of my nephew's project (scrapbook). He indirectly told me to do it for him. So, I was so problematic.
Because of this thought, I haven't noticed that a girl, on her 10 to 12 years, has been given the passengers white envelope each. I just have seen her after I heard her voice. She was singing a popular OPM song, Buko. Seconds later, she stopped and began collecting the envelopes.
I could see her sweet smile after receiving few peso coins from two or three passengers with golden hearts.
My heart breaks when she picked out the envelope near my shoes. I never thought that she has given me one. Alas! I lost the opportunity to give alms to the needy. I wanted to give but I never initiated an action. I did not know what happened to me.
I usually give, especially to those elderly man and woman and persons with disabilities. I also extend help to the children who offers talents in exchange to coins. But, now I failed to give. I hated myself..
I hated myself even more when I noticed the girl's right feet. It was burnt. And, she could not walk normally.
My heart breaks in two. I hate my self so much. What is the use of my money if I could not help?!
What is five peso or more if I lost it in helping a beggar? I could, I knew, earn that amount repeatedly for many times.But, what can a five peso can do to her? Geeh, I am useless jerk! Stingy, I am.
Okt.10
9:30PM. Pahinga na ako. Nasimulan ko na ang scrapbook ni Eking. Bukas ko na lang itutuloy. Magdidikit na lang ng pictures at magdedesign.
Nakakubuwisit lang dahil walang signal ang Globe. Di tuloy ako makapag-online. Andami ko pa man din ise-search para sa Math Club namin. Hanggang kelan kaya ito?
Mabuti pang magbasa na lang muna ng "This is a Crazy World" ni Lourd De Veyra.
Okt.11
Andaming nangyari ngayong araw.. May malungkot, may masaya. Unahin ko na ang masaya.
Nagpa-late ako ng pasok kasi TGIF ngayon at last day ng exam ng mga pupils. Past seven na ako bumangon. Nagplantsa muna, bago naligo. Habang naliligo, background ko ang pinakasikat na tambalan sa radyo na sina Nicole Hyala at Chris Tsuper. Hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko sila napapakinggan. They make laugh! Minsan, nahihiya akomsa dyip kasi nakangiti ako at may nakakakita sa akin. Iisipin nilangbmay sayad ako. Di nila alam. Nakakatawa talaga ang mga balahura at balasubas sa Love Radio 90.7.
Kaya lang, bad trip naman ako paagdating ko sa school. Akalain mo ba namang salubungin ka ng principal mo at ipakita sa'yo ang mga bata, dancers ko daw na naka-isolate at nagbabasa at nagsusulat sa office dahil nagtakbuhan daw. Grade 4 ang apat dun. Dalawa lang ang pupils ko. Di ko naman inimbita ung apat. Bakit andun?
Okay lang sana ang ginawa niyang pag-hold at pagbigay ng activity. Angndi ko nagustuhan ay pati ang janitress ay nagsabi sa akin. Nagtanong kung nakita ko na ang mga bata. Aba, kumalat na pala ang issue na tila ba napakalaking kasalanan ko na bakit nagtakbuhan ang mga bata habang ako'y wala.
Pinakita rin pala kay Mam Nelly at kay Mam Diane. Grabe! Big deal.
Kung wala ako dapat may nag-accommodate. Wala e! Si Alberto naman, walang pakialam. Siya ang nag-set ng oras na papuntahin ang mga dancers para sa Eat Bulaga, pero di naman niya pinansin ang mga pupils na hindi Grade Six. Ako pa tuloy ang napasama. Minsan lang ako, pumasok ng past nine, napahamak pa.
Umasa ako na darating ang choreograpers na pinakausap niya sa akin kahapon kasi umuoo sila sa time eh. Umuo din ako kasi di naman ako ang magtuturo. Basta sinabihan ko ang Grade 5 na dancers. Iyon pala, nauna pa akong pumasok.
Sa inis ko, sinabi kong di na tuloy ang laban. Ayoko ng sumali. Gusto ni Alberto na sumali sa pautakan, kahit walang sayaw. Yun lang talaga ang habol niya. Sorry siya. Hindi pwedeng isa lang. Dapat sayaw at pautakan. Wala siyang magagawa kung ayaw ko na.
Sabi ko nga, naaabala lang ako diyan. Wala naman akong napapala o mapapala. Napahamak pa.
Sinermunan ko rin ang mga batang nagtakbuhan. Sabimko sa kanila, dahil sa ginawa nila, wala ng sasayaw sa Pinoy Henyo.
Sinimulan kong gumawa ng bulletin board na pang-Halloween. Ang ganda agad ng mga feedback na naririnig ko mula sa mga bata at co-teachers ko. Sabi ni Sir Erwin, "Very artsitic!"
Nagulat din ako sa outcome.
Salamat sa mga cartolina na pina-project ko sa mga bata.
Sana dahil doon ay nakaengganyo ako ng mga pupils ko na sumali sa Halloween Party namin.
4:00PM..After class, pumunta kami nina Sir Erwin at Mam Diana sa World Trade Center para suportahan ang co-teacher namin na si Joanna Carranza sa kanyang laban sa Talent Competition ng Carenderia Queen 2013. Nag-enjoy naman kami sa show, not to mention the free taste coffee sa exhibit doon.
Past 6:30 na ako nakauwi. Sinimulan ko na agad ang scrapbooking. Natapos ko ito at past9:30 PM. Sulit naman ang effort at sakit sa likod ko sa comment ni Eking na "magayunon".
Okt.12
Ang sarap matulog kasi malamig ag panahon dahil sa bagyong Santi. Ayaw ko pa sanang bumangon, kaso kailangang makapag-almusal si Eking. Papasok pa siya. Kaya, bumangon ako at bumili lang ng tinapay at kape.
Wala akong sinayang na oras. Habang nagkakape, nag-search ako sa The Modern Teacher kung paano ba mag-submit ng article. Napagtanto ko na kailangan ko mag-subscribe muna ng kanilang publication para makapag-submit ng artikulo. Gusto ko kasing magamit ko ang writing prowess ko sa career ko as teacher. I know, malaking puntos ang published article sa pagpapa-rank.
Kaya, agad ako nag-email sa magazine. Tutal, P41 lang naman ang bawat copy nito. Hindi na mabigat. Magkakaroon pa ako ng opportunity na maging full-pledged writer. Sayanag naman kung hanggang FB lang ako nakakapagpost o publish. Di naman ito counted.
Sana mareplayan agad ako..
Pagkatapos nito, nag-search naman ako kung ano at paano ang Action Research Project. Makakatulong din ito bilangTeacher 3 aspirant.
Madali lang pala. Parang thesis lang. Nakagawa na ako ng tatlong thesis, wayback my college days. Iyong project ko, project ni Marnellie, na ngayon ay mayor na ng Bulan at iyong project naman ni Obet, barkada ko. I think, di naman ako mahihirapan this time. Tutal, may sinimulan na akong activities like GES MATH CLUB at KAMAFIL. Ang mga ito ang pag-aaralan ko.
Sisimulan ko na ngayon, pagkatapos nito, ang introduction ng research work ko.
Okt13.
1pm. Linggo naman kaya nag-almusal kami bandang alas-10 na. Tapos, higa-higa ulit hanggang may time. Sarap nga buhay! Parang life. :)
Nag-download lang ako ng mga apps sa Play Store. Magaganda ang na-download ko.
Past one pm na ako nagsaing. Anong oras kaya kami nito kakain!?
5:50pm. Success! Nakagawa ako ng blog. Blogger na ako. Matagal ko ng pangarap ito. Kaya agad akong nag-post. Pinost ko ang kauna-unahan kong entry ko dito sa diary. Balak kong gawing diary ang blog ko. Ipo-post ko rin lahat ang mga literary pieces ko. Yahoo!
Okt.14
Andito ako ngayon sa Antipolo. Dumalaw lang ako. Para na rin alamin ang kalagayan ng pamilya ko.
Wala kasing pasok ngayon dahil may Evangelical Mission ang mga Iglesia Ni Cristo. Occupied and halos buong bahagi ng malalaking kalsada ng Maynila.
Sa daanan nga, nakita ko ang malawak na kumpulan ng mga tao. Daig pa ang rally. Hiwa-hiwalay sila ng lokasyon. May sa Lawton. Mayroon sa Recto. Meron din sa Pureza.
Natagalan nga ako ng paghihintay ng dyip. Nag-iba ako ng way. Dapat dyip lang papuntang Cubao. Ang nangyari, sa LRT-Recto ako napadpad. Sus! Malala pala doon ang tao. Noon lang ako naka-encounter ng ganun kahabang pila. Talo ang anaconda sa haba.
Nateknikan ko rin kaya napabilis ako. Pagbaba ko ng Cubao, ang luwag ng kalsada. Ang bilis lang ako nakarating sa Bautista.
Nadismaya naman ako sa nadatnan ko. Grabe! Tinuloy pa rin pala ng mga Diokno ang pagpapatayo ng mansion sa may bahay ni Jano. Isang hibla ng buhok na lang, dikit na ang mansion sa kanilang tirahan. No choice, kundi lumipat sila. Ang masaklap, walang perang ibinayad sa kanila. Kaya, sa bahay ni Tito Sam sila ngayon, sisiksik. Maiyak-iyak nga si Mama sa galit. Wala ngang mga puso ang pamilyang Diokno. Makakarma sila..
Gusto ko sanang mag-stay pa hanggang bukas. Kung di ko lang inisip si Eking. Makakatulong sana ako kay Jano sa pagtatayo niya ng bahay o paglilipat ng mga gamit.
Okt.15
Eidul Adha ngayon. Declared holiday. Thanks sa mga Muslim!
Nakapaglaba ako. Nakapag-relax. Nakapag-FB. Nakapag-blog. Sulit ang holiday.
Nakapag-post din ako ng mga photographs ko. Nilalagyan ko ang mga ito ng watermark na "pores_graphy" para di maangkin ng iba.
6:30PM. Nanood ako ng balita. Inabangan ko talaga ito dahil sa 7.2 magnitude earthquake na nangyari sa Cebu at Bohol kanina. Grabeng pinsala Ang idinulot nito. Nawasak ang mga historical churches sa Visayas. Naalala ko tuloy ang huling malakas na lindol na naranasan ko. Last 23 years ago pa ito. Pero, ito na yata ang pinakamalakas na nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nagtext sina Emily at Jano bandang alas-otso pa. Di ko kaagad nareplyan kasi nnag-type ako at nagbanlaw ng binabad. Pasado alas-10 ko na nareplayan.
Sabi ni Jano, "Tol, ok lang b mangupahan na muna kami habang d pa gawa haws ko, d ko bbayaran kuryente, mahahatak na un."
Reply ko: "Kaw bhala. Bsta hng s carloan. Panay ang tawag..Hiyang hiya n aq." Sabi ko pa: "Byran momung meralco. Mssira angnoangalan ko. Ska need un s business mo. Mhrap n mag-apply uli."
Patung-patong na ang problema nila. Di ko alam kung paano ako makakatulong. Wala na rin akong perang maipapautang. Matagal pa ako matatapos sa loan ko. Sumabay pa ang pagkawala ng biyahe niya. Nagkamalas-malas na. Ang mga Diokno naman, wala na ngang naitulong, nakasira at nakagipit pa.
Hay, buhay!
Si Emily naman, nagtatanong kung pwede ko daw ba siya padalhan ng pambili ng gatas ni Ion. Wala pa daw pampasahod ang amo niya dahil may naaksidenteng estudyante. Ano naman daw? Di dapat ma-delay ang sahod niya kahit may aksidente. Walang kinalaman iyon.
Kaya sabi ko rin na wala pa akong sweldo. Alam niya naman ang petsa ng sahod ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento