Sabado, Disyembre 21, 2013

ang pulang kahon

Ang Pulang Kahon
Froilan F. Elizaga

          Nakakahiya ang ginawa ko. Mabuti na lang ay hindi ako ipinapulis ng may-ari ng grocery. Kinuha na lang ang rosaryong suot ko bilang kabayaran sa kinain kong apat na pirasong hopia. Sabagay, hindi naman mabigat na kaso ang ginawa ko. Gutom lang talaga ako kaya ko nagawa iyon. Mabait din ang may-ari dahil hindi na niya ako inusisa. Siguro ay nakita naman niya na hindi ako mukhang magnanakaw. Pero, nakakahiya pa rin dahil may bad record na ako. CCTV pa. Mabuti na lang ay hindi na niya tinanong ang propesyon ko. Baka masira pa ako sa paaralang tinuturuan ko.

          Naalala ko si Mama. Ayaw na ayaw niyang nangingialam ako ng bagay na hindi akin. Naalala ko rin si Lola Kalakal o Lola Esme. Hindi niya kailanman nagawang magnakaw kahit hirap na hirap na siya sa buhay. Bagkus, binuhay niya ang sarili sa pangangalkal ng mga basura. Pero, ako..hindi ko napigilang maging makati ang kamay dahil lang sa sobrang gutom na maaari naman sanang gawan ng paraan--paraang legal. Nagsisisi ako. Nahihiya ako sa sarili ko.

          Kinain ko na ang pride ko. Pumunta ako sa hospital na pinagtatrabahuan ng kasintahan kong nars. Kaya lang, pagdating ko doon, nalaman kong naka-schedule ang pag-uwi niya sa Bicol.

          "Naku, hindi ba sa'yo sinabi?" tanong ng matabang nurse. "Text mo siya. Sabi niya sa akin sa text, pinuntahan ka raw niya kagabi sa unit mo pero wala ka. Out of coverage ka rin daw. Galit ka daw ba sa kanya?"

          Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi naman ako galit kay Lea May. Nagtatampo lang ako kasi inilihim niya sa akin na aalis siya ng bansa. Kung kelan siya aalis saka lang niya pinagtapat. Para ano? Iiwanan niya ako, gaya ng unang babaeng minahal ko? Naniniwala akong para lang sa kanya ang pangarap niyang trabaho abroad. Pasasaan ba't hindi naman ako ang makakasama niya sa buhay. Aasa lang ako sa wala. Lalo na't inilihim niya sa akin ang pag-apply niya. Papayag naman ako kung nagpaalam siya.

          "Mahabang istorya, Nurse Rosalyn. Pakisabi na lang na dumaan ako. Pakisabi din na mag-iingat siya lagi. Salamat." Sabi ko, habang nakakunot-noo ang kausap kong kaibigan ng girlfriend ko.

          "May problema kayo?" Nakamaang pa rin ang nurse.

          "Wala kaming problema. Pero ako, may problema sa..pera." Naalangan ako pero kinapalan ko na lang ang mukha ko. Kailangang-kailangan ko talaga ng pera. Hindi pa ako nananghalian. Sabado pa lang. Lunes ko pa maipapaayos ang bank account ko. Baka nga na-withdraw na iyon ng walanghiyang nilalang na kumuha ng wallet ko habang nasa bar at lasing ako. "Pwede ba kitang utangan kahit isanglibo? Nakakahiya man, pero sana mapautang mo ako."

          "Oh, sure, Sir! Basta ikaw." Tumalikod siya at kinuha ang pera sa bag. "O, heto.."

          "Salamat, ha?! Hayaan mo ibabalik ko kaagad kapag naayos ko na ang account ko.."

          "Walang problema, Sir.." Nginitian niya pa ako.

          "Thank you! Dito na ako. Bye!" Nag-bye din ang mabait na nurse.

           Laylay ang balikat kong tumalikod at tumungo sa elevator. Habang, hinihintay kong magbukas ito, naalala ko ang pagpapakita ni Lola Kalakal sa elevator kung saan ako nakaharap. Noon ko lang naunawaan ang ibig sabihin niyon. Masaya siya dahil iniwan ako ni Lea May. Hindi kami bagay. Masasaktan lang ako ng husto kapag nagkatuluyan kami.

          Habang nasa loob na ako ng elevator at habang bumababa ito, unti-unti kong natatanggap ang pag-alis ni Lea May. Kung hindi na kami magkita bago siya makaalis ng Pilipinas, ibig sabihin ay hindi kami para sa isa't isa. Papalayain ko na siya.

          Dahil may pera na ako, nakakain na ako ng husto. Hindi na rin ako naglakad. Ngunit, wala pa ring direksyon ang sarili ko. Ayaw ko pang umuwi sa blanko kong tahanan. Parang may nais akong puntahan.

         "Para po!" Bigla kong naalalang puntahan ang junk shop na tinuluyan ni Lola Esme ng mahabang taon. Gusto kong madalaw ang puntod niya. Hindi ko pa siya nadalaw simula ng maglapat ang mga paa niya.

          Sumakay ako pabalik. Tapos, sumakay uli ako ng dalawang beses hanggang marating ko ang junk shop. Nakangiti agad sa akin ang babaeng may-ari kahit nasa malayo ako. Ginawaran ko rin siya ng ngiti at kaway. At bago ako nakalapit sa kanya, tiningnan ko sa gilid ng pader ang kinaroonan ng kariton na tinutulugan dati ni Lola Esme. Nalungkot ako nang hindi ko iyon nakita.

          "Magandang hapon po!"

          "Magandang hapon din sa'yo. Mabuti nadalaw ka!" Sabay dukwang niya sa ilalim ng kanyang table.

          "May itatanong po sana ako sa inyo.."

          Iniabot sa akin ng may-ari ng junkshop ang isang pulang shoebox. "Sa palagay ko, ikaw ang tinutukoy ni Lola Esme na may ginintuang puso na dapat tumanggap nito. Ikaw nga ang matagal na niyang hinahanap.."

          Naguguluhan man ako pero tinanggap ko pa rin ang kahon ng sapatos. "Salamat po! Kung ako man po ang tinutukoy ni Lola Esme, nagpapasalamat po ako." Hindi ko muna iyon binuksan. Mas mahalaga sa akin na madalaw ko ang puntod niya. "Maaari ko bang malaman kung saan nakalibing si Lola?"

          "Sa Manila North Cemetery.. Esmeralda C. Cruz. Gusto mo pasamahan kita? Mahirap mahanap ang puntod niya."

          "Huwag na po! Salamat! Hahanapin ko na lang po. Tuloy na po ako. Salamat po dito." Nginitian ko siya.

           "Huwag kang magpasalamat sa akin. Si Lola Esme ang nagbigay niyan sa'yo. God bless you! Ingat ka." Kumaway pa ang mabait na negosyante. No wonder, medyo umunlad ang kanyang negosyo. Nag-expand ang lugar. Siguro ito ang dahilan kaya tinanggal na niya ang kariton ni Lola Esme sa tabi ng pader. Okey lang. Mahalaga, naging bahagi rin ng buhay niya at ng pamilya niya ang mahiwagang lola. Masasabi kong may hatid siyang suwerte.

          Sinilip ko ang laman ng box pero tinakpan ko agad. Mga papel ang nasa ibabaw. Wala akong ideya kung anu-ano ang mga iyon. Bakit niya ipinabibigay sa akin? Nahihiwagaan din ako kung bakit ako daw ang karapat-dapat na tumanggap ng pulang kahon ng sapatos na tiyak akong nakuha lamang niya sa basurahan. Gayunpaman, pasalamat ako sa regalong niya kung regalo mang matatawag iyon. Naisip ko na katulad iyon ng pulang rosaryo na ibinigay niya sa una naming pagkikita, na siya namang nagligtas sa akin sa kahihiyan.

          Agad akong tumungo sa libingan ni Lola Esme. Hindi ako nahirapang mahanap ang puntod niya. Para niya akong ginabayan. Mahiwaga. Sa isang iglap, nasa harapan ko na ang nitso niya. Isang puting-puting nitso. Esmeralda C. Cruz Born: December 20, 1934 Died: September, 2012 We'll never forget you. RIP. Iyan ang naukit sa marmol. Birthday niya sana ngayon. Seventy-nine years old na pala siya.

          "Happy Birthday po Lola Esme. Alam ko masaya ka na ngayon sa kaharian ng Diyos. Hayaan niyo po, hindi po kita bibiguin sa pangako ko sa inyo. Salamat po dito sa pulang kahon." Biglang nalaglag ang shoebox mula sa pagkakahawak ko. Nais ko lang sanang ipakita sa kanya na naiabot na sa akin ng may-ari ng junkshop. Nagkandalaglag tuloy ang mga laman.

          Isang sobreng may laman ang nakapukaw sa mata ko. Dinampot ko ito. To: Maria Ruby C. Cruz. Ito ang nakasulat. Walang address. Pero, alam ko, sulat niya ito para sa kanyang kapatid. Paano ko iyon matutunton kung walang address? Naisip ko. Naghalungkat pa ako ng ibang sobre ngunit wala akong nakita. Nalungkot ako. Regalo ba ito o parusa? Naisaloob ko. Davao lang ang alam ko. Napakalaki ng Davao. Gusto kong umurong sa aking pangako. Parang hindi ko iyon matutupad gayong pangalan lamang ng kapatid niya ang nakasulat sa lumang sobre. Wala din namang sulat mula sa kanyang kapatid. Malaman ko sana ang lugar na aking tututunguhin.

          Biglang humangin ng malakas. Naglaglagan ang mga tuyong dahon mula sa mga puno doon. At parang binalot ako ng malamig na hangin. Nagliparan din ang mga alikabok. Napuwing ako kaya kinusot-kusot ko agad hanggang sa mawala. Pagdilat ko, nakakita ako ng matandang babae na nakatayo sa ilalim ng malaking puno. Nakabelong puti ito. Nang tinitigan ko, bigla na lang siyang tumalikod at nawala sa kumpol ng mga nitso.

           Umuwi na ako, bitbit ang pulang kahon ng sapatos.



         

         

 
 
             

           

           

Martes, Disyembre 17, 2013

sementadong paa

Sementadong Paa
Froilan F. Elizaga

         Nagmamatigas ako. Ayokong sabihin sa mga pulis kung saan ako nakatira dito sa Tacloban. Sinasabi ko na sa kanila na nagbakasyon lang ako dito at kailangan ko ng umuwi ng Manila. Ayaw naman nilang maniwala. Ikukulong daw nila ako pag di pa ako nagtapat.

          "Uulitin ko.." ang inspector uli ang nagsalita. "...saan ka nakatira? Ano ang tunay mong pangalan?"

          Kapag sinabi ko ang pangalan at apelyido ko mahahanap niya ang bahay namin. Tiyak ako, kilala ang apelyido ko dito dahil taga-rito talaga ang lolo, na dati pang alkalde. Kaya, hindi nila pwedeng malaman ang tunay kong apelyido, dahil isasauli nila ako kay Lola. Gusto ko kay Papa. Gusto ko siyang makasama.

          "Kanina ko pa po sinasagot ang mga tanong ninyo. Kung hindi po kayo maniniwala, nasa sa inyo na po iyan." Sarkastiko na ako. Nakakayamot na rin sila. Pauli-ulit kami. Mabuti na nga lang ay umalis na ang driver at pahinante ng truck na naghatid sa akin dito sa police station.

           Nagbulungan ang ang tatlong pulis na nag-i-interrogate sa akin. Narinig ko. Kahit Bisaya ang lengguwahe nila ay naunawaan ko. Parang sinabi ng bumulong na isang pulis na magtanong kaya sila sa diyalekto nila. Kumbinsido naman ang pinuno ng mga pulis.

            Kinausap ako ng pinuno ng mga pulis sa salitang Bisaya. Kunwari hindi ko naintindihan. Tinatanong niya ako kung gaano na ako katagal dito sa Tacloban. "Ano po 'yon? Hindi ko po kayo maintindihan.." Kinunot ko pa ang noo ko para mas maging kapani-paniwala. Nagtinginan ang mga pulis.

            "Ganito na lang.." Mukhang may naisip na bagong strategy ang hepe. "..Ibigay mo sa amin ang numero ng Papa mo sa Manila, tatawagan namin."

            Lumiwanag ang mukha ko. Nanalo ako. Makakabalik na ako ng Maynila. Makikita ko na uli ang Papa ko bago man lang siya umalis ng bansa upang magpa-therapy sa Amerika. Baka sakaling magbago ang isip niya na tumira doon pagkatapos ng therapy. Ayokong malayo sa kanya. Gusto kong magkasama kami.

          May hawak ng cellphone ang pinakabatang pulis. Kaya inisa-isa ko ng sinabi ang numero ni Papa. Habang kinokontak ang numero, naisip ko na hindi naman nila makakausap si Papa dahil nahihirapan pa siya magsalita. Ang kapitbahay niya lang makakausap nila.

          "Hello, magandang araw!" Ang hepe na ang kumausap sa numerong binigay ko. "Police Station sa Tacloban City.. pwede po bang makausap si Sir Edwin Gallego? Hindi ko naririnig ang kausap ng hepe. "Ah.. Ok sige po, may tanong na lang po ako.. May kilala ba kayong Roy Gallego?...Oo, Roy. Gallego.. Alright.. So, Si Roy ay anak ni Sir Edwin?"

          Natutuwa ako sa narinig ko. Ang sarap palang ariin kang anak ng taong iniidolo mo. Nakinig uli ako sa usapan ng dalawa.

          "Hawak namin siya.. Ang problema ay ayaw niyang sabihin kung saan siya tumutuloy dito.." Ni-loud speaker ng hepe ang telepono kaya naririnig ko na ang kausap niya.

          "Naku, Sir..hindi ko rin po alam ang apelyido niya. Hindi po pala siya Gallego. Mahabang istorya po pero sigurado po ako na tumakas po iyan sa Lola niya. Hindi po mabigkas ni Sir ang apelyido ni Roy. Di rin po maisulat.."

           "Paano itong bata? Gusto niyang umuwi diyan. Kami ang magkakaproblema kapag hinanap na siya ng lola niya."

           "Sir, gusto daw po ni Sir na i-hold niyo po si Roy. Tatawag na lang po ako."

          "Sige po. Salamat!" Hinarap ako ni Hepe. "Roy..hindi ka nagsasabi ng totoo. Hindi ka Gallego. Sabihin mo ang apelyidong gamit mo para malaman namin ang kinaroroonan ng lola mo." Mahinahon naman siyang magsalita pero naiinis ako sa kanya.
 
          "Bakit po ba mahalaga sa inyo ang apelyido ko? Di ba nalaman niyo na ang ama ko ay si Sir Gallego? At gusto kong pumunta sa kanya!" Nawalan na yata ako ng respeto sa kanila. Tumaas na ang dugo ko." Hayaan niyo na akong makabalik sa Manila. Kaya ko po ang sarili ko. Kung gusto niyong tumulong, ihatid niyo ako sa pier."

          "Bata, hindi maaari 'yang sinasabi mo. Ang lola mo, hindi mo ba siya naisip na baka nag-aalala?"
          Hindi ko siya pinansin. Alam ko naman iyon e. Saka, nag-iwan na ako ng sulat sa kanya. Sabi ko, huwag na siyang mag-alala dahil kaya ko namang bumalik sa Maynila at puntahan ang bahay ni Papa. Humingi na rin ako ng tawad sa kanya.

          Hindi na ako kumibo. Naiinis na rin sa akin ang mga pulis. Baka kung ano pa ang masabi ko. Naghintay na lang ako. Naghintay ako na magbago ang isip nila at payagan na lang nila akong umalis. Kaya ko naman ang sarili ko.

          Maya-maya, tiningnan ako ng pulis na may hawak na cellphone. Tapos, pumasok siya sa opisina ng hepe. Nahulaan ko na ang natanggap niyang text. Sinabi na ng tagapag-alaga ni Papa ang apelyido ni Lola. Wala na akong kawala. Ibabalik na ako nila sa lola ko. Gusto kong tumakbo at tumakas sa kanila pero nakatingin sa akin ang misa pang pulis.

           "Ihahatid ka na namin", sabi ng hepe, paglabas niya ng opisina.

          Bigla ko naman naisipang mag-CR. "Sir, pwede po bang makigamit muna ng banyo? Kanina pa po masakit ang tiyan ko?" Kunwari pa akong namilipit sa sakit ng tiyan.

          "Sige, sige..Bilisan mo lang, habang hinahanda naman namin ang police report."

          Tinuro pa ng isa ang direksyon ng kubeta.

          Sa banyo, inakyat ko ang maliit na uwang ng bintana. Tumuntong ako sa bowl. Tapos, sinilip ko sa labas ang babagsakan ko. Mataas. Di bale na ang mahalaga ay makatakas ako. Inihagis ko sa baba ang bag ko na may dalawang t-shirt, isang pantalon at dalawang underwear. Doon ako babagsak, una ang kamay. Saka ko naman itutukod para di sumubsob ang ulo at likod ko.

          Isa..dalawa..talon!

          Bigo akong gawin ang inisip kong stunt. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

          Nagising na lang ako sa hospital. Tinatahi ang ulo. Nagkaroon ng mahabang sugat ang ulo ko. Masakit din ang katawan ko, lalo na ang likod at balakang.
 
          Wala na ang mga pulis. Pumikit uli ako nang makita ko si Lola. Nahihiya ako sa kanya. Paano ko ba siya haharapin? Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang ginawa kong kasutilan. Nagsisisi na ako.

          Pumikit lang ako habang dinadamdam ko ang bawat tusok ng karayom at hilahid ng sinulid sa anit ko. Hindi naman iyon masakit pero, ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Lola habang tinitingnan ako. Alam ko hindi niya kinayang malaman kanina ang nangyari sa akin.

          Pagkatapos, tahiin ang anit ko. Nagpaalam na ang doktor at mga nurse. Lumapit naman sa akin si Lola. "Roy naman..bakit mo ginawa yun?!" Hindi ko alam kung nagagalit si Lola o naaawa sa akin. "Sobra mo kaming pinag-alala. Bakit kailangan mong maging mapangahas?"

          Umiiyak na si Lola. Iminulat ko na ang mata ko at kinuha ko ang kamay niya. "Sorry po, La.. sorry po.."

          "Roy naman e." Kinurot niya ako sa braso. Pinong-pino. Pero, di ko iyon naramdaman. "Huwag mo ng uulitin iyon, ha?"

          Tumango-tango na lang ako. Nahihiya talaga ako kay Lola. Sa tindi ng pagnanais ko na makita at makasama ko ang aking ama, inilagay ko naman sa kapahamakan ang sarili ko. Nasaktan ko rin ang babaeng nag-aalaga sa akin ng husto. Hindi naman ako nanalo sa ginawa ko. Tiyak din akong alam na ni Mama ang nangyari sa akin at nag-aalala siya. Naiisip ko rin si Papa. Nag-aalala din kaya siya sa akin? Bakit kasi naisipan ko pang maglayas? Salbaheng mga paa ito.

           Nagulat ako. Nakasemento pala ang kaliwang paa ko.

         

         
         

         

         

         

     

Linggo, Disyembre 15, 2013

Dungis

DUNGIS

Lahat tayo ay marungis,
Kaya wag magmamalinis
Diyos, di natin kawangis
Siya'y walang bahid dungis.

Lahat tayo'y may kapintasan
Isipan ay tigib ng kasamaan
Idagdag pa ang gawaing iyan--
Mamuna at ang iba'y tingnan.

Dungis mo nga'y tanggalin
Bago ang sa iba ay punahin
Kung siya'y baluktot, 'kaw rin
Mali ang inyong mga gawain.

Pagpuna ay di naman masama
Gawin lang para mali ay itama
Wag upang problema'y lumala
At wag mahamak ang maysala.

Pisngi man niya ay may uling
Salarin, siya'y wag ituturing
Pagbabago niya ay darating
Dungis niya ay bubusilak din.


Sabado, Disyembre 14, 2013

Disyembre 8-14, 2013

Disyembre 8, 2013

      Dumating si Taiwan bago ako nagising. Hindi tuloy ako makabuwelo ng kilos at tulog. Hindi pa rin kasi kami nagkikibuan. Pero, pagka-almusal niya, umakyat na at natulog. Kaya, bumaba naman ako. Nagtagal kami sa baba. Nakipag-bonding ako kay Ion. Kinakausap ko siya. Panay ang kuwento niya. Nalaman ko tuloy na sinasabihan siya ni Mhel (angThat's My Tomboy niyang tiya), ng ilalagay siya sa sako gaya ng basura. Naawa naman ako sa bata. Kahit naman pasaway ang anak ko ay hindi pa nararapat na sabihan ng ganoon. Magkakaroon siya ng trauma. Kaya, kapag kinuha uli ni Emily si Ion, sasabihin ko ito sa kanya paa malaman niya kung di pa niya alam o kaya aware siya na nagkukuwento ang bata.
      Nahirapan akong magpaalam kay Ion. Umiiyak siya. "Gusto ko sumama sa'yo", aniya. Naawa naman ako. Kaya lang, wala akong nagawa kundi iwanan siya ng umiiyak. Masasanay din siya uli, pag tumagal.
      Nakauwi ako bandang alas-9 ng gabi.


Disyembre 9, 2013

      Pumasok ako ng maaga para makasulat ng lesson plan. Pagdating ko sa school, sinabihan ako ni Mam Amy na ngayong araw darating ang bisita from NCR DepEd. Kaya nagkandaugaga ako sa paggawa ng LP at visual aids. Nakakataranta ang mga bisita dahil titingnan daw ang mga forms namin. Kahit paano ay may takot din ako. Ayoko namang mapulaan ako sa pagiging iresponsable kong guro.
       Nagawa ko naman on-time.
       Nagsimula na ang internship ng student teachers. Kaya nagsimula na rin akong magturo. Tapos, pinag-observenko pa sila sa pagtuturo ko sa Math at Filipino. Kaso, pagdating ko sa Filipino ay halos mawalan na ako ng hininga. Hindi ko napaganda ang turo ko.
     
     
Disyembre 10, 2013

        Pumasok ako ng maaga dahil may meeting kami sa principal.
        Masaya ako ngayong umaga. Nagturo ako ng masaya at dahil dito, alam ko naunawaan nila ako. Ngunit pagdating ko sa Section 1, binigo nila ako. Nagkagulo sila sa groupings. Bihira lang ako magpa-group work ay hindi pa nila nagawang tama. Nainis ako. Nagsermon ako hanggang naramdaman ko na lang na emotional na ako. Sinabi ko ang nangyari kahapon sa sarili ko. Sinabi ko na any time ay babawian na ako ng buhay pero di pa rin nakikita ang mga ginagawa kong pag-i-inspire sa kanila.
         Lumuha ako. Lumuha din sila agad. Marami akong nakakaiyak na sinabi kaya na-touched sila. Ang mga anak ko na napapabayaan ko.
         Nagkuwento ako. Lalo kong silang kinonsensiya at pinaiyak. Tumigil lang sila nangnnagsimula na ako sa gawaing pangsilid-aralan namin. Tahimik ako pagkatapos, gayundin sila. Then, na-realize ko na lumabas pala ang pagiging inglesero ko kapag emotional o nagagalit.
          Di ko naman ikakahiya na napaiyak nila ako. Mahalaga, na-inspire ko sila. Nasabi ko sa kanila na itinurturing ko silang mga anak. At napakapalad nila kung ikukumpara sa aking mga sariling anak.
        Walang nakaalam niyon sa mga kaguro ko. Buong maghapon kaming masaya pagkatapos ng nangyari sa akin. Nagturo din ako sa mga intern ko. Nag-demo pa ang isa sa Math kaya dinnapagod ang hininga ko. Gayunpaman, nararamdaman ko pa rin ang pananakit at paninikip ng dibdib ko.
        Naglaba pa ako pag-uwi ko. Si Eking, di man lang ako matulungan kahit sa paghugas ng pinagkainan. Ako lahat . Nakikita naman niya na ugaga na ako sa mga gawaing bahay ay di man lang magkusa. Minsan, naisip kong magreklamo.
        Nang tapos na ako sa mga gawain, nagmessage si Ann Kassiel. Sabi niya:

Dear sir froilan,

Sorry po pala sa nangyari kanina,sangayun po wala po akong masabe gusto ko lang pong mag sorry.Sir ayaw po namin kayong mawala at ayaw rin po namin kayong mawalan nang pag asa sa mga anak ninyo at wag nyo pong isipin na nawawalan kana nang pag asa. Sir wag nyo po sanang isipin na na disapointed ka po namin, ang totoo po proud po kami na ikaw ang naging teacher namin kasi po kahit dinidiiplina nyo po kamiay ok lang po dahil naiintindihan namin ang pag ka tigas nang ulo namin.At sir ikaw rin po ang nagparamdam nang pagmamahal at pagiging ikalawang tatay namin .At sir wag nyo pong isipin na di mo nagampanan ang pagiging ama sa mga anak mo ,sir kung ano ang nararamdaman namin na kasayahan ganun din sila zillion. Sir wag karin mawalan ng pag asa sa sakit mo sige ka malulungkot kami,sir love na love kanamin wag ka pong mawalan nang pag asa naandito lang po kami para sayu

ann kassiel
ang iyong estudyante

       Nakakatuwa.


Disyembre 11, 2013

       Maaga uli akong pumasok para gawin ang mga natitira kong gawain sa school, gaya ng pagtse-check ng mga papel at pagga-gardening. Naabutan nga ako ng grupo ni Aila Bautista, pupil ko sa Section, na nagtatanim. Angnsipag ko daw. Dahil, time na, naghugas na ako ng kamay.
       Nilapitan nila ako at kinausap. Sabi ni Aila, "You inspire me, Sir!" Huwag lang daw ako mawawala. He he. Natuwa ako ng lihim. Ayaw din pala nila akong mamatay. Ibig sabihin, mabuti akong tao. Kaya ang sagot ko ay pabiro: "Bahala kayo. Mumultuhin ko kaya." "Wag, Sir!" sabi nila. Nagtawanan kami.
       Masaya ako sa mga pangyayari sa school. Kaya lang, nagpasaway ang pupil ni Sir Rey sa time ko, habang ngatuturo ang intern ko at ako ay nag-oobserve sa labas. Nagkipag-away sa babae. Kitang-kita ko na kahit inaawat na ay ayaw pang tumigil at gusto pang saktan ang kaklase. Nauyam ako, kaya binitbit ko siya at pinaupo malapit sa akin. Pinagsasalitaan ko siya ng masasakit dahil sa sobrang galit ko. Paano ba naman ay nagagalit pa sa akin. Di nga nagsalita, pero kung makatingin ay parang lalamunin ako ng buo.
       Ayun! Suspended siya for 7 days. Inaksyunan ng adviser niya.
       Nabastusan lang ako sa ugali ng batang iyon. Sayang, marunong pa naman sa Math.


Disyembre 12, 2013

        Nagmadali akong pumasok para magawa ko ang annual report sa Filipino. Nasimulan ko na ito kagabi, pati ang documentation ng Buwan ng Pagbasa. Di ko lang natapos dahil gabing-gabi na ako nakapagsimula.
        Bakit kasi alanganin ang pagdating ng memo?!
        Di ko rin natapos kahit nasa school na ako ng bandang 8:30. Andaming sagabal. Walang net. Kaya di ko makuha ang mga pics sa FB ko. Isama pa ang pagdating ng mga pupils. Nag-recitation kami. Tapos, pinagpatuloy ang "We Love Math" Campaign.
        Ang good news lang ay nakapagpaalam ako kay Sir Socao na gaganapin ko sa Dec.21 ang Math Olympics sa bagong covered court. Nakahingi din ako ng medals. Tinupad niya ang pangako niya.
        Masaya uli ako dahil nakikita iong masaya ang mga kaguro ko. Panay ang biruan namin nina Sir Erwin at Mam Diana.Green jokes. Intellectual topic. Everything under the sun.
        Agad akong umuwi. Gumawa agad ng report. Mabuti nagamit ko ang net. Nakisama. Natapos din before eleven o'clock.
Sana maganda ang output ng printouts.
         Nainis ako sa text ni Emily. Kukunin niya daw uli si Ion dahil di niya kaya ang lungkot. Sabi ko naman, e di kunin mo sa Linggo. Tapos, nagtanong pa kung kumusta. Ok naman ang sabi ko. Akalain mong nagtanong uli g mas nakakainis. " Panu unsbi n ok c ion.?dpt sau xa kht me work ka.ako nga kht msdmi trbho cnsmz ko mga ank ko.kht hrap ako... magkakaroon n xa yaya...kunin q ulet" Di ko na sinagot. Baka mag-away pa kami uli. Kinukuwestyon niya ang pag-aalaga ni Mama. Kaya nagagalit sa kanya si Mama dahil sobra ang ire niya sa utak niya. Alangang isama kosa school ko. Public school iyon. Mabuti sana kung pwede nng mag-aral. Tanga! Gusto niya lang makipagbalikan eh. Bigo siya. Gusto niya ay dito sa bahay titira si Ion para makadalaw siya.


Disyembre 13, 2013

        Napakaaga kong bumangon para magbanlaw ng ibinabad kong damit. Kailangan ko ring pumasok ng maaga upang ipa-print ang Annual Report ko sa Filipino na pinaghirapan ko ng dalawang gabi. Sulit naman ang pagpasok ko ng maaga dahil nagawa ko lahat sa oras. Pasado alas-9 pa lang ay ready to pass na ang report ko. Tambay-tambay na lang pagkatapos. Hinintay ko si Mam Rodel.
        Pumasok pa rin ang 26 pupils ko. Naawa tuloy ako kay Mam dahil magsasaway na naman siya pag-alis ko. Wala pa naman si Sir Erwin.
        Umalis ako ng school bago mag-11:30. Di ko kasi alam ang Pasay City East High School. One-thirty pa naman ang meeting namin kaya lang gusto ko na maaga akong umalis para di ako ma-late sakaling mahirapan akong maghanap ng venue.
        Nagkita kami ni Mam Lucas sa kalye. May meeting din yata. Binigyan niya ako ng direction para mahanap ko PCEHS. Na-gets ko agad, kaya di muna ako pumunta doon. Dumaan muna ako sa Baclaran. Tumingin-tingin ako ng pwedeng iregalo.
        Nilakad ko na lang din ang venue simula sa Baclaran. Napakaaga ko. Inantok lang ako. May dumating na kasamahan ko bago mag-1:30. Kaya lang parehong nasayang ang effort at oras namin dahil sa Music 21 daw ang venue. Hindimpala meeting kundi Christmas Party. Doon din kami last year. Nakakainis! Nagpadala pa sila ng memompero iba naman ang sinunod nila. Di naman nila nilinaw na party na.
         Pumunta kami ng kasamahan ko sa Music21 Plaza. Naroon na ang iba, kasama ang district coordinator ko. Nag-sorry siya sa akin. Okay lang naman.
         Past 3m nagkakainan na kami. Medyo dumami kami. Marami na ang pagkain. Wala nga lang alak. Nagakantahan lang. Hindi man ako nakakanta, masaya naman ako at nakasali ako sa Christmas Party. Gusto ko lang namang masanay sila sa akin o makilala nila ako.
         Past 7PM, nagsiuwian na kami. Hindi naman kinuha ako annual report. Ako lang yata ang gumawa at nagdala sa party. Okay lang, at least, nakagawa ako. Kaya ko palang gumawa niyon in a time pressure.


Disyembre 14, 2013

         Maaga akong nakaalis. Naliligo pa nga lang si Eking nang lumabas ako ng bahay. Di niya alam na wala akong pasok sa masteral. Didiretso ako ng Antipolo. Dumaan lang ako ng Gotamco para kunin ang grocery na bigay ng Pasay City Hall. Past ten, nasa Bautista na ako. Tuwang-tuwa si Ion nang makita ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.
          Pagkalipas ng ilang minuto, sinabi ko na kay Mama na kinukuha na ni Emily si Ion. Labag sa kanyang loob. Sana daw pagkatapos na ng Pasko. Sinabi ko kay Zillion. Pero, agad niyang sinabing ayaw niya. Di ko nga akalaing sasabihin niya dito lang siya at ayaw niyang umuwi. Siguro ay nagugustuhan na niya dito dahil marami siyang pagkain. Masaya siya dito. Isa pa ay ang Tita Mhel niya na madalas siyang tinatakot na ilalagay sa sako.
           Naiinis nga kami ni Mama pag naaalala ang mga kuwento ni Ion. Tapos, kanina, nalaman ko pa na wala na pala silang kuryente doon. Kawawa ang bata. Kaya pala inuubo nang binigay sa akin. Kawawang Ion kung babalik siya sa Caloocan. Makakatikim na naman ng hirap.
            Hapon, pinakausap ko si Zillion sa Mama niya. Narinig mismo ng ina ang sinabi ng bata na ayaw niyang umuwi. Kaya, pumayag naman si Emily. Nabunutan ako ng tinik. Sumaya na ang loob namin ni Mama. Akala kasi namin ay hindi namin makakasama ang bata sa Pasko. Gusto kasi naming magkita-kita silang tatlong magkakapatid ngayong Christmas Seasons.


Sabado, Disyembre 7, 2013

Disyembre 1-7, 2013

 Disyembre 1, 2013

    Pasado alas-diyes ng umaga ngayong araw, nag-text si Emily. Sabi niya:"Froi, pdi hatid q n c ion martes..." Nalungkot akong bigla. Parang hindi pa ako handa na kunin siya dahil nag-aaral ako. Idagdag pa ang kaluguhan ng sitwasyon nina Jano sa Bautista. Nasa pangangalaga ni Mama si Courtney. Hindi ko alam kung kakayanin pa ni Mama ang mag-alaga ng isa pa. Financially, kakayanin ko.
    Nasabi niya sa akin na mangingibang-bayan na lang siya. Kaya, siguro ipapaubaya na niya sa akin si Ion. Mabuti naman iyon. Dapat nga nasa akin rin ang anak namin kung di niya lang kinuha. Ngayon naman ay sumusuko na siya physically and financially.
    Nag-reply ako. Sabi ko na ngayon na niya ihatid. Sinubukan ko lang siya. Baka sakaling sinusubukan niya lang ako. Pero, ilang oras ang nakalipas, nag-reply siya. Alas-4 na lang daw niya ihahatid. Wala akong magagawa. Dapat kong panindigan. Dapat maging masaya na ako dahil makakasama ko na lagi ang anak ko.
    Pasado alas-4, nakuha ko ha si Zillion. Nagkita kami sa Recto. Tapos, dumiretso na kami sa Antipolo. Awang-awa ako sa bata. Kahit parang alam na niya na sa akin na uli siya, nakakalungkot isipin na hindi pa rin buo ang pamilyang titirahan niya. Wala naman akong magagawa dahil di pa ako ready tanggapin ang nanay niya.
    Alas-7:30 nasa Bautista na kami. Natuwa si Mama nang makita si Ion. Huli nilang magkita ay noong kinuha siya ni Emily, Abril iyon. Handa daw siyang alagaan at patabain ang kanyang apo.


Disyembre 2, 2013

    Sinulit ko ang buong araw na kasama si Ion. Hindi naalis sa paningin ko aking anak. Pinagmasdan ko kung kaya niya na ba uling tumira sa Lola Enca niya at kay Courtney. Sumama nga kami sa paghatid sa kanya sa Day Care Center. Naglaro sila habang hinihintay ang guro. Napansin ko na pwede na siyang mawalay sa akin.
     Pasado alas-dos, pumunta kaming apat sa Cogeo. Ibinili ko si Mama ng electric airpot. Kailangan niya daw kasi. Tama naman, lalo ngayong kasama niya na ang anak ko.
     Iiwan ko na sana si Ion sa Gate 2, kaya lang ayaw niyang bumitaw sa akin. Kaya, sumama uli ako pauwi sa Bautista. Pasado 5:30 na ako nakatakas sa kanya. Nalungkot ako dahil kailangan ko siyang iwan. Naaawa ako sa kanya dahil alam kong magkakaroon siya ng negatibong ugali pag kinalakihan niya ang ganitong sitwasyon.
      Kinalma ko ang sarili ko. Dapat hindi ko siya dapat na iniisip para makatulog kaming pareho ng matiwasay. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Mama.


Disyembre 3, 2013

      Masama ang pakiramdam ko maghapon. Masakit ang ulo ko. Idagdag pa ang sakit ng bagang ko. Mabuti na lang ay hindi ako masyado na-stress sa kasasaway. Siguro dahil naging busy sila sa summative test ko sa Math. Sa Filipino class ko naman, nagawa ko pa ring basahin sa kanila ang part 5 ng Lola Kalakal.

      Nag-text naman si Emily. Nagtanong siya kung ok si Ion. Kukunin daw niya on or before Pasko. Naitanong din kung may yaya at kung nasaan. Nang sinagot ko na nasa Bautista, hindi na nag-reply. Napahiya siguro. Akala niya makakaputa siya sa tirahan ko. Iyon ang gusto niya. Dumidiskarte. Hindi pa ako handang makisama sa kanya.


Disyembre 4, 2013

       Nag-aalamusal ako nang sumakit ang bagang ko. Ang tindi ng sakit na dulot nito. Nakakapraning. Parang binibiyak ang utak ko. Nawawala naman pagkalipas ng ilang minuto. Kaya, naligo ako para pumasok. Pero, habang naliligo ako, mas tumindi ang sakit. Halos, mamilit ako sa sakit. Kaya, nagdesisyon akong umabsent. Hindi ko kakayanin ang sakit kapagnsa school pa ako inatake.
       Natulog ako. Hindi rin ako makalabas para bumili ng gamot dahil hawak ni Eking ang susi. Baka di na ako makapasok. Mabuti at hindi na ito sumakit.
       Pasado ala-una na ako bumangon para kumain. Nag-instant sotanghon at tinapay na lang. Sana tuloy-tuloy na ang pananahimik ng cavities ko sa bagang. Gusto ko ng pumasok bukas.
     

Disyembre 5, 2013

       Pumasok na ako. Kaya lang nakatakda ngayon ang pagdala namin ng 40 Grade V pupils sa Pasay City Public Library. Ako ang isa sa dalawang naatasan na sumama. Wala si Sir Erwin, kaya kami ni Mam Diana ang nag-tandem. Ala-una pa naman. Nag-faculty meeting muna kami tungkol sa Christmas Party. Twelve-thirty pinapasok ang mga bata. At pagdating nila, pinili namin ang isasama.
       Enjoy naman ang story-telling. First time ko. Na-appreciate ko ang layunin ng City Hall sa activity na iyon. Sa tingin ko, nagustuhan din iyon ng mga bata, lalo na ang Section 1 kasi sila ang madalas kong kuwentuhan. Naisip ko nga, sana maranasan ko rin maging storyteller sa ganoong uri ng crowd. May bayad man o wala. Ang mahalaga ay maipakilala ko ang akda o mga akda ko.
       Alas-4 na kami nakabalik sa school. Nag-spelling na lang kami. Na-enjoy din naman nila.
       Pagkatapos ng kalse, saka ko naramdaman ang sikip ng dibdib ko. Parang nahihirapan akong huminga. Tapos, may runny nose pa ako. Napagod ako. Gusto ko na sanang makauwi ng maaga kaya lang kailangan ko pang mag-grocery. Na-trap pa ako sa matinding traffic. Buwisit talaga!
       Gayunpaman, masaya ako sa buong maghapon. Nakita kasi ako ng mga pupils kong babae, habang nag-aabang kami ng dyip na masasakyan pauwi kanina, na tinulungan ko ang matandang babae. Una, tinanggal ko ang aso na kumahahol sa kanya. Maliit na lahi lang ng aso iyon na nakatali sa may daanan, pero natatakot siya. Tapos, maya-maya, hindi ha naman siya makatawid. Nagsabi siya na tulungan ko siyang itawid, kaya itinawid ko siya. Kinantiyawan ako ng mga bata. Ang bait ko daw. Naalala nila si Lola Esme sa kuwento ko. Nakakatuwa, parang nangyari ang mga gusto kong gawin.


Disyembre 6, 2013

Maaga akong nakarating ng school, kaya mayroon pa akong oras para makipagkuwentuhan. Inuna kong puntahan ang room ni Mam Sharon. Inimbita ko ang sarili ko sa Christmas Party nila. He he.

Sunod, si Mareng Lorie. Pinag-usapan namin ang health ko. Sabi niya huwag akong magpakapagod. Nakita niya pa ang post kong pictures sa story-telling session kahapon. Tapos, nabanggit ko ang tungkol sa exchange gift ng grupo namin.

Last, si Mam Diana ang kausap ko. Tungkol sa kanyang contract as casual employee ang usapan namin.

Then, nag-concentrate na ako sa pag-prepare ko ng flaglets na gagamitin namin sa Math Olympics, habang hinihintay ko ang pagpasok ng mga pupils ko. Natapos ko naman bago sila dumating. Nakapag-check pa ako ng activity sheets nila.

Nagturo ako ng Kinds of Angles at nagpa-activity. Nabigyan ko rin sila ng mga ideya at inspirasyon sa pag-aaral. Sabi ko, swerte ng iba sa kanila dahil natuturuan sila ng mga magulang nila. Iyong hindi, ay malas. Iresponsahle ang mga magulang na hindi natututuan ang anak nila, gaya ko. Sinabi ko sa kanila na iresponsable din akong magulang dahil hindi ko natututuan ang mga sarili kong anak. Mas natuturuan ko pa nga sila. Sana naunawaan nila ang nais kong ipahiwatig.

Nagkaroon ng lagumang pagsusulit ang Section 1. Habang sinasagutan nila ang mga tanong, tinatanong nila ako. Kaya, nakapagbahagi ako ng kapirasong buhay ko. Naikuwento ko sa kanila na sakitin ako dahil noong kabataan ko ay dumanas ako ng hirap ng buhay. Naging hardinero. Naging mangingisda. Sana nakapagbigay din ako ng inspirasyon.

Bago pa ako lumabas, kinuwentuhan ko pa sila ng part 5 ng Sir Gallego. Bitin na naman daw. Sabi ko, mahaba pa ang istorya kaya marami pa silang aabangan. Nakaka-flatter naman dahil nagugustuhan nila ang mga kuwento ko.

Nagalit ako sa MTAPpers ko dahil antatagal kumilos. Nakaupo na ako pero sila parang hindi interesado. Kaya, sinabi ko sa kanila na bahala na sila. Ayoko na mag-train.

Pag-uwi ko, inihanda ko ang mga ipapadala ko sa L300 para kay Mama. Nilimas ko angnlaman ng ref. Binalot ko ang electric stove at frying pan. Tinalian ko ang box ng DVD player, pagkatapos kong ilagay doon ang mga laruan ni Ion, ref magnet, light bulb, etc. Para akong maglilipat ng bahay.

Habang hinihintay ko ang pagdating ni Jano, nakipag-chat ako sa isang magulang na ang anak ay biktima ng bullying. Parang nahiya ako dahil hindi ko agad naaksyunan kanina. Naipabaranggay muna ng magulang ang bully, bago ko sila nakausap. Ang balak ko sana ay sa Monday ko pa kakausapin ang magulang ng nanapak. Gayunpaman, naipaliwanag ko ang labis kong paghahangad na maging magkakaibigan ang mga magkaklase. Nagpaumanhin naman ang ina sa abala niya sa akin.

Nakuha nina Jano ang mga gamit bago mag-alas diyes ng gabi. Hindi ako sumabay kasi di naman sila bibiyahe bukas. Sayang ang pamasahe. Bukas na lang ako pupunta, after ng klase ko sa CUP.


Disyembre 7, 2013

Napuyat ako kagabi. Alas-dos y medya ay dilat na dilat pa ako. Para akong nakabato. Andami-dami ko tuloy ideas na naisip para sa KAMAFIL at GES Math Club. Naisip ko rin baka iniisip ako ni Epr. Binibiro ko kasi sila ni Bee na gusto ko ng mamatay dahil ayaw ko kagpa-checkup ng lungs ko. Sineryoso nila.

Kaya naman, mabigat ang ulo ko nang pumasok ako. Nakakatamad. Tapos, wala pa akong kausap. Wala si Mam Julie. Ayaw ko naman kausap si Mirando dahil wala naman akong panama sa mga activities niya. Mabuti nga ay dumating na ang professor namin sa Legal Aspects of Education. Nagturo na siya.

Mahusay siya. Palibhasa Ph D. na at kung saan-saan nagtuturo, like La Salle at Ateneo. Taga-UP kasi kaya fluent magsalita ng English. Nakakailibs. Andaming alam. Natuto agad ako. Kaya lang baka, high standard. Need pa naming gumawa ng research paper as requirement of the subject. Mabuti groupings naman, kaya di masyado hassle.

Ang lamig sa Moot Court, kung saan kami nagklase. Nakakanginig ng buto. Mabuti naka-long sleeves polo ako. More than two hours din kaming gininaw. Hindi rin pala maganda ang masyadong malamig. Nakakawala din ng concentration.

Kay nag-report na sa Advanced Administration and Supervison. Dalawa. Negative ang reactions ni Dr. Bal'Oro. I agree. Di marunong mag-report. Sana pag ako na ay di naman ako mapulaan ng prof. Sabagay, sanay na ako sa reporting. Since college days, mahusay lagi ang report ko. I act as a teacher kasi, not a reader. Mabuti pa ang reporter sa next subject, alam niya ang sinasabi niya, kahit may kodigo.

Maaga ding natapos ang report sa Current Issues. Kaya nakauwi kami ng maaga.

Agad akong umuwi ng Bautista. Dumaan lang ako sa Puregold para bumili ng biscuit in a plastic box. Saka ako nag-LRT. Grabe, naranasan ko uli ang lastikman style na pagsakay ng train. Andaming pasahero. Halos, magkadikit na ang mga puwet at ari namin.

Pasado alas-8 ako nakauwi ng Bautista. Na-miss ako ni Ion. Tuwang-tuwa ng makita ako. Kaso, maaga kaming natulog dahil puyat ako kagabi.

Miyerkules, Disyembre 4, 2013

My Journal (January, 2006)

January 1, 2006

It's the very first day of the New Year, which is the Year of the Dog!

Another year has come. It means another hardship is about to be burdened, another war against life is about to be battled.

Last night, it was 11:45 PM, when the surrounding became noisy, I quietly took a plunge to bed and started missing my daughter, Hanna Margaret. I wished I'm with her and we're celebrating the new year in our own house, inmour own special way.

Honestly, I welcomed the New Year sadly. Maybe, it was the saddest new year I have ever experienced. However, I'm optimistic enough to face the new challenges of the newest year. I thanked Him instead, for he continually blesses me and my loved ones, through the year.

Though Matthew 19:23 says, "That a rich man shall hardly enter into kingdom of heaven", I'm still wishing for a bit of wealth which is enough to gladden my families.

"Pardon me, Oh God for I have broken my promise.."

Because of complexity of the story and lackness of time and bond paper, I haven't finished yet the script, which was due on December 31, 2005. Nevertheless, I will finishh it as soon as possible, so that I could start another story.

The weddings of mh brothers are just around the corner. I wished they will send me money for fare so that I could join them wiyh their once-in-a-lifetime memoirs.

I didn't go to church, though it's a FMBC reunion, because I wanted solitude. When they were gone, all I did was sew..sew...sew.. and sew all day long. I've finished two pillow cases, a blouse and a "bestida" for Baby Marge.

That's how I celebrated New Year.

Because of tiredness, I was not able to pray. So I apologized to God. Thanked Him for he gave me a sound and tight sleep.


January 2, 2006

The day after New Year's Day..

I swept the dried leaves and other mess in the yard as if I own it. Then, I ready myself in going to Polot.

"Lord, God, Please provide the roofs for our house so that we (I, Hanna and Mary Jane) could live happily and united in the same house."

A home is not a house. Our roofless house will not be a home until it is not dwelt by united family. "God, I want home."

All I can do now is hope and pray, while doing the best I can, for "I can do all things through Christ which strengthened me (Phil. 4:13)"

I have not visited my house because Kuya Bambi escaped the bike. So I just sew and sleep afterwards. When I woke up I prepared our meal.

After eating,I start writing the script which was temporarily stopped due to the hardship of its possible ending. And now, I am out of bond paper. I do not know when can I buy another 25-pieces because I'm penniless. I only have P84.25 on my wallet.

Before I close my eyes, I ask God for the happiness, success, safety and blessings of my loved ones. I also asked Him for financial blessings.


January 3, 2006

Five-thirty in the morning, I rose and have a cup of coffee. Then, rushed to Polot through bike so that I could clean the surroundings there..

When I was sweeping at the frontyard, I saw Bolodoy's wife, wearing maong jacket. I remember the robbed jacket of my wife. I think, I'm sure, she robbed it.

Then, I found out that our casserole was gone. It was robbed though our door was shut. It made me annoyed. I knew the culprit is Federico, my uncle. Thus, i jotted down a note on a piece of paper: "Sige, magnakaw ka pa. Mamamatay ka rin!" Then, I posted it on the door.

Though, I'm hungry, I rushed home happily. And when I get here, I ate contentedly. Then, watched Lifestyle Channel.

Sisters Gina and Nelly come for a Bible Study. They tackled "perseverant prayer" using Luke11:9 to as a text. According to them, God is so kind that before you ask, He already knows what you would ask Him. All you need to do is knock and hear His voice, according to Revelation 3:20. So, don't wonder if sometimes our prayers still unanswered. We have to persevere.


January 4, 2006

It's a rainyday! I could smell a very gloomy day..

When the rain has stopped temporarily, I bought this notebook, bond paper, alambre dulce and needles.

After lunch, I sew a gown for Hanna. But the rain has stopped again. I quickly dressed up and rushed to Polot..

There, I swept in and out our house. I thanked God that He took care of the house, which is not concrete and free to external bad elements. But a carabao or carabaos have entered the garden. I suspect someone is lettinghis carabao/s enter/s the garen of mine. It irates me.

I go home after cleaning because the weather is not good and i don't have something to do there. I had time to watch lifestyle channel because Ate Jennilyn is at the shop. Then, I continue sewing but it isnot yet finished, the machine is malfunctioning.

After dinner, we attended prayer meeting. Brother Rodel spoke about "death". He defines it as "separation" and enumerates three kinds of death: physical, spiritual and temporal.

They asked me what is my prayer request, I said nothing. But they insisted that "health and loved ones". Really I wanted to request for job or my house to be roofed. Anyway, I prayed for it, too.

"God, I already have accepted that it's my life."

An unknown person qoutes "I asked God for all things so I could enjoy life, He gave me life so I could enjoy all things." I could relate on this. I do not have abundant earthly materials but I still enjoy life. Life and being alive are what make me happy. The new life, in my baby's personage is enough to be thankful for. Birth of Baby Marge is the most appropriate reason to enjoy life --- a life that is gift of God.


January 5, 2006

I rose up gladly..started to work usual chores--- dishwashing, cooking, sweeping, etc..

Then I took the opportunity to go to Polot when Kuya Bambi arrived, it was 8am.. There, I did the usual things, too. Afterwards, I roamed around Lolo Aton's "kalubihan" to look for fern nests or nest ferns. Fortunately, I have seen four "balete" trees, two cacao trees and I-don't-know tree. I made them bonsais, except the cacao trees and one "balete".

But before planting them, I read first one feature in a Decision Magazine. It's about he story of a childhood trauma that put her to pain until womanhood. But according to her, she has recovered from it through Jesus Christ, because God says, "Be still, and know that I am God.." (Revelation 46:10). It is applicable toomin disappointments, hopelessness, frustrations and glooms. It is true that God strengthens us when the going gets rough. All we have to do is "Be still" and Have faith."

Honestly, I do not feel the presence of Ate Jennilyn here. I could not do nothing, but to face the fact. Now that she's here, I could not oftenly view Lifestyle Channel if I want to and many more reasons, like doing household chores and eating issues. How I wish she and Jing-Jing would go home to Polangui soon.

I recut the gown--I supposed to be, into a pillow case. I have completely finished it. It is so cute and wonderful!

At night, I sew the cloth cover of this journal to protect it from tear and scratches. It is not made perfectly, but it's so nice.

Sia's Family had a property problem. Gonzales' is pressuring them to pay a rent of P350 per month. Gonzales' changed the verbal agreement they had made months ago that they are giving Sia' Family one year to pay them a lump sum. They tried to contact Evelyn Diokno but she didn't reply.

My chest is aching again. I felt it last two days, if I'm not mistaken.

Tonight, before I sleep, I will ask God to heal it and take it away from me.

"Lord Jesus, I want job. I want to work at Bulan Municipal Hall. Please, Lord!!"

I prayed for Ate Jennilyn's recovery--what I mean is that may her illness be healed, because it affects their life, so as it made her lazy.



Martes, Disyembre 3, 2013

Elevator

Elevator
Froilan F. Elizaga
     

          Nasa ospital na ako nang magising ako. Naka-dextrose. Sinasalinan ako ng dugo at may bandage sa kaliwang dibdib. Sabi ng doktor, suwerte raw ako dahil nakaligtas ako sa posibleng kamatayan. Malapit na raw sa puso ang tama ng patalim sa dibdib ko. Muntik na nga raw akong maubusan ng dugo.

          Hindi ko lubos makalimutan ang mga pangyayari bago ako nasaksak. Nasunog ang condo unit ko. Naholdap pa ako habang papunta ako sa bahay ng kaguro ko upang doon sa kanila ako magpalipas ng magdamag. Tapos, nanlaban ako sa holdaper at naidala namin sa pulisya. Ngunit sa kasawiang-palad, nasundan ako ng dalawa pang kawatan at ako'y sinaksak. Kaysaklap ng dinanas ko. Hinding-hindi ko ito makakalimutan.

         Simula nang makilala ko si Lola Kalakal, sunod-sunod na kamalasan ang dumating sa buhay ko. Ayaw kong isiping may dala siyang sumpa sa buhay ko. Isa siyang biyaya sa akin. Hindi siya sumpa. Hindi siya ang may gawa ng mga trahedya sa buhay ko. Nagkataon lang ang mga iyon.

         Dalawang buwan akong hindi nakapasok sa paaralan. Alam naman nila ang nangyari sa akin, kaya may trabaho pa rin naman akong babalikan. Ang hindi lang nakakaalam nito ay ang aking ina at anak. Ayaw kong malaman nila ang mga nangyari sa akin. Tiyak kasi akong mag-aalala sila, lalo na si Mama. Kukulitin na naman sigurado ako niyon at sasabihin na sa probinsiya na lang kasi ako magturo. Ayaw ko. Hindi pa ako handang manatili sa lugar ng aking kabataan. Saka na lang.

         Hindi ko nga lang alam kung paano o hanggang kailan ko ililihim sa aking ina ang pagkasunog ng aking tirahan. Maaari kong itago na lang ang muntikan kong pagkamatay pero ang pagkaabo ng aking unit ay hindi ko habambuhay na maitatago. Kaya, ngayon pa lang, magsusumikap na akong makaahon.

          Bahagi ng pag-ahon ko ay ang pagtanggap ko ng pag-ibig. Naisip ko, siguro ay kulang lang ako sa inspirasyon. Kailangan ko ng kalakip sa buhay. Kaya, muli kong binuksan ang puso ko. Umibig ako sa nurse na nag-alaga sa akin noong ako ay naka-confine. Alam ko, inibig niya rin ako.

          Siya si Lea May. Maganda siya. Pero, hindi lang iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Minahal ko siya dahil tanggap niya ako pati ang nakaraan ko. Handa siyang maging nanay sa anak ko.

          Mabait siya at maalaga. Noon ko lang naramdaman ang ganoong pag-aaruga mula sa isang babae, maliban sa pag-aaruga at pagmamahal sa akin ng aking ina. Siya lamang ang nakapagbigay niyon sa akin. Kahit sabihin pang trabaho niya ang alagaan ako bilang pasyente, nakita at nadama ko ang tingin niya sa akin. Minsan nga ay nagkunwari akong natutulog. Pinakiramdaman ko siya. Matagal siyang nakatayo sa harap ko ng hindi kumikilos at walang ginagawa. Nang bigla akong dumilat, nahuli kong nakatitig siya sa akin. Agad niyang nilayo ang kanyang tingin at nagkunwari ring may hinahanap sa bulsa.

          "Nurse May...masakit ang dibdib ko." Nagkunwari uli ako. Hinipo ko pa ang dibdib ko kung saan ako may sugat.

          Nataranta siya. "Ha ah eh..saan? Teka.." Tapos, nilapitan niya ako at akmang itatalilis ang aking lab gown para makita niya ang sugat ko.

          "Sabi ng ni Dok, hindi daw natamaan ang puso ko..." Kunwari naninisi ako.

          "Opo, hindi po natamaan ang puso mo... Daplis po." Pilot siyang ngumiti ng nakakainlab. Lalo ako, naakit sa kanya. "Tingnan ko ha.. pwede ba?"

          Hinawakan ko ang kamay niya nang akma niyang tatanggalin ang bandage ko. "Tinamaan ako.. Mali si Dok." Ngumiti din ako. Hawak ko pa rin ang kamay niyang napakalambot at kutis-porselana. Hindi rin naman niya binawi. "Tinamaan ako sa'yo. I think I'm inlove with you." Nagseryoso ako para maniwala siya sa akin.

           "Sir?" Binawi niya na kanyang kamay at umatras siya ng bahagya.

           "Salamat! Salamat, May, sa pag-aalaga mo.."

           "Trabaho ko pong alagaan ka..ang lahat ng pasyente.."

          Tumango ako. Nginitian ko uli siya. "Ikaw ang inspirasyon ko kaya gustong-gusto ko ng gumaling. Hinihiling ko nga na sana ikaw lagi ang nurse ko. Kaya lang hindi pwede dahil shifting kayo."

          "Tama po kayo, Sir!" Binigyan niya ako ng gamot na iinumin at inabutan ng isang basong tubig. "Magpagaling po kayo, Sir. Alam ko namimiss ka na ng mga estudyante mo..saka ang misis mo.."

          "Wala akong asawa, May. Magpapagaling ako para sa mga estudyante ko at para sa'yo." Nakita kong nag-blush siya, kaya pinagpatuloy ko. "Kung maaari lang akong magpadischarge ngayon, gagawin ko para masimulan na kitang ligawan. Minsan lang ako magmahal. Salamat napadpad ako sa hospital na ito dahil nakilala kita. Maaari ba kitang ligawan?"

          Tumawa si Nuse Lea May. Hindi naman iyon isang kabiguan. Nakita ko nga na may pag-asa ako. "Bolero din pala ang mga guro." Tumawa uli siya. Halos mawala na ang mga mata niya. Ang cute niya talaga. Lalo akong nabighani sa kanya.

          Inulit ko, "Pwede ba kitang ligawan, Nurse May?" Nagpa-cute din ako.

          "Hoy! Magpagaling ka muna, noh!" Nagtawanan kami. Alam ko na ang sagot niya.

          Napabilis ang paggaling ko. Marahil ay tinulungan ako ng puso kong umiibig. Napakasarap pala ng pakiramdam ng minamahal ka at nagmamahal ka. Hindi ko maipaliwanag. Para akong nakalutang sa alapaap. Hindi ko maialis sa isipan ko si May. Bawat minuto, bawat oras, nasa isip ko siya. Marinig ko lang sa telepono ang boses niya ay masayang-masaya na ako. Sa kanya umikot ang buhay ko.

          Iniisip ko na nga kung paano ako magpo-propose sa kanya ng kasal. Siya na ang babaeng nais kong maging kasama sa habambuhay.

          Pang-gabi ang shift niya, kaya kapag araw ay tulog siya. Ako naman, tulog sa gabi, dahil umaga ang klase ko. Gayunpaman, mayroon pa rin kaming oras sa isa't isa. Madalas, pinupuntahan ko siya sa hospital na kanyang pinagtratrabahuhan. Minsan naman, nagkikita na lang kami sa labas para mag-date. Hindi ako nagpabaya sa relasyon namin. Nauunawaan naming pareho ang propesyon namin, gayundin ang oras ng pasok.

           Isang gabi, tinawagan ko siya. "Honey, pupunta ako dyan sa hospital, maysakit ako. Magpapa-confine ako." Natawa ako sa sinabi ko pero hindi ko iyon ipinarinig sa kanya.

           "Huwag kang magbiro ng ganyan. Wala ako sa mood!"

          Nahalata kong nainis siya. "Magpapa-confine ako sa puso mo." Tapos, ipinarinig ko na sa kanya ang tawa ko. Hindi siya natawa.

          "Corny mo. Sige na, pumunta ka na. May balita ako sa'yo. Bilisan mo ha?! Bye!"

          Nahiwagaan ako sa kanya. Hindi siya dating masungit. Sweet siya. Nag-isip din ako kung ano ang ibabalita niya sa akin. Ako nga ang may inihandang sorpresa sa kanya pero mukhang ako ang magugulat. Kaya, agad akong pumunta sa hospital.

          Nasa nurse station siya. Binati ko lahat ng mga nurse na naroon, saka ko binati ang pinakamamahal ko. "Hello, Honey! I missed you!" Tapos, inabot ko na sa kanyang ang pasalubong kong cake. Nasa gitna ng hugis na pusong cake ang engagement ring para sa kanya. Inabot niya ito at nagpasalamat ng kaylamig.

          "Hindi mo ba bubuksan?" Pinilit ko siyang pangitiin.

          "Mamaya na lang. Ito ang balita ko." Iniabot niya sa akin ang brown envelope.

          Kinuha ko ang mga dokumento sa loob niyon. Nalungkot ako sa nakita ko. Gumuho lahat ng pangarap ko para sa amin. "Aalis ka na? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

          "Sorry..ayoko kasing hadlangan mo ang pangarap ko. I'm sorry."

           Hindi na ako nagsalita. Nasaktan ako ng husto. Tila pinilipit ang puso ko. Mas masakit kaysa sa sinaksak ako ng patalim. Daig pa ang sunog na umaabo sa aking tirahan. Dumilim bigla ang mala-bahagharing buhay ko.

           Ilang minuto rin akong nakatayo sa harapan niya, bago ko naisipang magpaalam na. "Buksan mo na ang box ng cake. May surprise ako dyan sa'yo. Uuwi na ako. Bye, Honey." Hindi na ako naghintay ng sagot niya. Binilisan ko ang lakad hanggang marating ko ang elevator.

           "Lola Esme?!" Nakita ko siya sa loob na elevator. Nakangiti siya sa akin. Sayang sumara na ito.